Entry #5

170 10 0
                                    

February 5, 20xx

Para sa isang puting papel,


Hindi na raw muna babasahin ni Ma'am ang journal namin dahil baka ma-high blood daw uli sya. Kaya pala hindi pumasok. Tapos ang sama pa tumingin sakin! Ma'am naman! Maayos na nga ang pinaglalagay ko dito eh! O baka nagagwapuhan lang? :D Joke lang!

Hindi ako makapagsulat ng maayos. Hindi rin ako makapag-piano ng maayos. Hindi rin ako makapag-gitara ng maayos. 'Di ko alam kung anong tutugtugin ko.

May PE kasi kami kanina at bukas din. Music and dance. Music muna. Magp-perform daw isa-isa sa harapan ng klase.

First time ko lang din tutugtog at kakanta sa mga kakilala ko.

Open field pa.

Tapos break time nila yun.

Lagi syang nakatambay sa bleachers.

Ibig sabihin, makikita nya ko.


Kinakabahan pero gwapo pa rin,

Milya

Torpe DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon