Entry #25

91 8 0
                                    

February 25, 20xx

Para sa isang puting papel,

Nilalait talaga ako ni Ma'am tapos at the same time, nagugustuhan nya ang mga entries ko. Naman Ma'am eh! Wag nyo nang ipakwento sakin! Basahin nyo na lang ang mga susunod! Atat lang!? Joke lang po! Hehehe.

Good mood ba kamo? Jan tayo nagkakamali.

Eto kasing si Kit! Mukhang ewan! Sunud-sunuran kay Skye! Well, mukha ngang namulat na yung tao sa pinagsasabi ko kahapon nung nagkita kami. At eto namang kaibigan kong ugok e nagawang pamulatin sya.

Minsan talaga gusto ko nang tanungin kung sinapian na sya ni Buddha kasi alam nya ang mga payo tungo sa State of Happiness. Ulul.

Hindi ko alam kung kakausapin ko. Kakausapin ko na ba? Bwiset kasi si Kit. Nang-imbita ng mga ka-block nya dito bukas. Kasama tuloy sya.

Aamin na ba ko?

Gusto ko sya e. Aamin lang naman. Isang araw ko pa lang kasi syang hindi nakikita o napansin, suko na ko e. Kuntento na ko sa patanaw-tanaw dati pero iba na ngayon. Parang sa kanta, hinahanap-hanap ko sya. Ang korni.

Pero wala e. Mahal na sya ng sistema ko.

Sige, aamin ako. Magtatanong ako kung pwede manligaw. Tanong lang naman. At hindi ako magiging panakip-butas dahil makikita nya sa panliligaw ko yung AKO at hindi yung Chase na ugok na yun.

Parang ganito: "Sa tingin mo ba, may pag-asa kung sakaling manligaw ako?" Uyyyy! Kinilig si Ma'am! HAHAHAHA!

Gwapong-gwapo at ubod ng talino,

Miles

Torpe DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon