A/N: Bago ang lahat, since February nga ito, Valentine gift ko na ang tatlong point of views ni Milya. Yey! :D
-----
Miles
Kasama ko si Kit ngayon papunta sa birthday party nya. Yung dorm mate ko. Naimbitahan rin pala sya. Malamang ka-block nya e. Same pa ng course.
Buti pa sya. Pero mas gwapo pa rin ako. Hahahaha!
Kinakabahan ako pakingtape bwisit.
"Malapit na ba tayo?" tanong ko. Hindi pa kasi ako nakakapunta sa apartment nila nung best friend nya. Eh etong si Kit, basta may gala, sasama agad, mapa-babae o lalake kaya lahat alam.
"Oo. Chill ka lang bro. Ang sweet mo naman. May regalo pa. Ayaw pa kasi aminin! Torpe alert! Torpe alert!"
Ulul. Di ako torpe, naghihintay lang ng tamang panahon. Matagal na kaming magkasama ng ugok na 'to kaya alam nyang may gusto ako sa kanya noon pa lang.
"Birthday party lang ang topic, Kit. 'Wag kang epal sa buhay ko."
"Lovelife kamo."
"Gago."
Natawa na lang sya sa sinabi ko.
**
Quarter to 7pm na nang makarating kami sa kanila. Simple lang naman pero may disco ball akong nakita at nakaset-up sa may harap ng apartment nila.
Nandun din yung mga epal na football team sa school. Kasama si Bruce na sa pagkakatanda ko eh may gusto rin sa gusto ko.
KO!? Hahaha. Sorry possessive. :( Gwapo kasi.
Nakapasok na kami ng gate nila pero hindi ko parin sya nakikita. Eto namang kasama ko, daig pa ang nanalong kandidato sa pagbati sa mga kakilala nya.
"Hi, Kit!" sabi nung isang babae na classmate ata nila. Ako naman, busy sa kakatanaw kung nasaan sya.
"Uy, Ella! Nakita nyo yung celebrant?" bati naman ni Kit habang ako patay malisya lang. Hindi talaga ako sanay makipag-socialite sa iba lalo na't hindi ko naman mga kakilala.
"Ang gwapo naman ng kasama mo!", narinig kong banggit nung isa.
"Oo nga! Pakilala mo naman samin!", dagdag pa nung isa.
Psh! Mga janitor fish. Nasa'n na ba kasi sya?
Peste rin 'tong kasama ko e.
"Oh, by the way, Miles, si Ella, Rikka at Brie. Girls, meet my dorm mate, Miles."
"Hi Miles!", sabay-sabay nilang bati. Ako naman, isang ngiti lang.
BINABASA MO ANG
Torpe Diaries
KurzgeschichtenAN EPISTOLARY NOVEL. Meaning, JOURNAL TYPE. :) Isang notebook. Isang ballpen. Isang lalaking tutuklawin na ng opportunity at ng taong mahal nya pero wala paring nagagawa. Papogi ng papogi, torpe naman.
