Miles #3

139 10 2
                                    


My last gift. This is it! Happy reading! :)

-----

Miles

O ilaw... sa gabing madilim. Ugh.

Kanina pa ko hindi mapakali sa phone ko kung itetext ko ba sya o ano.

Hey! This is Miles. I'm feeling well na. Thankyou :)

Kaso mukhang pang-bading. Panget. Panget.

Hi! Thankyou pala nung Saturday! :))))) Miles to!

Parang si Kit yung nagtext hindi ako. Panget. Panget.

Aysh! Pusang kinalbo naman oh. Ganito ba talaga ang epekto kapag nakikini-kinita mo na na magiging kayo? Joke. Assuming.

Bahala na si Batman kaya simpleng: Hello. Miles to. Magaling na ko. Salamat. :) na lang ang tinext ko tapos binato ko sa carpeted floor yung phone ko.

Pupunta sana ako sa kusina para magtimpla ng gatas, baby pa kasi ako. Kailangan fresh ang skin at masigla ang bones. :( Hahahaha! Mahilig lang talaga ako sa gatas.

So ayun, papunta na sana ako sa kusina nung biglang umilaw yung screen tapos nakita ko syang nagtext.

Ampu—asdkjfwewoernfdofd! Taena! Ang bilis ng reply! Waaaaaa!

Fr: Skye :)

Mabuti naman. Akala ko mag-aalaga ulit ako ng baby e. Hahaha. Your welcome. :)


Pakingtape! Tinawag nya kong baby!? Assume pa dre.

Dumiretso na ko sa kusina para magpainit ng tubig tapos nagreply sa kanya.

To: Skye :)

Ano. Pwede ka tawagan?


At isang malakas na buntong hininga. Namiss ko kasi yung boses at tawa nya. Namiss ko sya mismo. Tawag lang naman. Maya-maya, nagreply na ulit sya.

Fr: Skye :)

Ano kasi, wala ako sa bahay e. Maraming tao ngayon sa pinuntahan ko tapos may sipon pa ko. Panget boses. Hehe.


Ah. Okay. Awtsu lang. Pero okay na to at least magkatext.

To: Skye :)

Baka nahawa ka na sakin? Hindi kita nakita kanina sa building nyo. Hindi ka pumasok?


Gusto ko lang malaman kung anong nangyari sa kanya.

Fr: Skye :)

Uyyyy. Hinanap nya ko. Joke. :) Pumasok ako. Ano ka ba, exam natin kaya. Maaga lang ako umuwi. Kasi... wala. Hahaha.


Hinanap talaga kita. Hindi yun joke. Pero pakiramdam kong may ayaw syang sabihin sakin. Tanungin ko kaya? Ulul. Nosy ka na bang tao Miles.

To: Skye :)

Pwede mo naman akong sabihan kapag may problema ka. Pambawi sa alaga mo sakin. Haha. :)


Fr: Skye :)

Salamat. Pero okay nga lang ako. :) Tulog na ko ha. Maaga pa tayo bukas e. Goodnight, Miles. :) :*

Torpe DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon