Entry #26

92 9 0
                                    

February 26, 20xx

Para sa isang puting papel,

Unang beses kong magkagusto. Unang beses kong makuntento sa iisang taong gusto ko. Unang beses ko tumanaw mula sa malayo dahil sa kanya. Unang beses kong magmahal. Unang beses kong magkaron ng lakas ng loob. Unang beses kong umamin. Unang beses kong magtanong kung pwedeng manligaw. Unang beses nawarak yung tanong ko. Taena. Unang beses akong sumablay ng matindi. Basag.

Nawarak ako. HAHAHAHA! Ang korni! Pu— bawal ituloy, magalit si Ma'am.

Ayos na kami. Okay na. Nag-sorry pa nga sya dahil nasabihan nya ko ng masasakit nung isang araw. Sabi ko okay lang. Tapos sinabi kong may aaminin ako sa kanya. Tapos tinanong nya ko ng ano. Tapos sabi ko gusto ko sya. Tapos ngumiti sya at nagsabi ng salamat at wala syang masabi kundi thankyou. Tapos humugot ako ng lakas ng loob para magtanong. Tapos tinanong ko sya. Tapos, hinihingal na ba kayo sa tapos word ko Ma'am? Balik tayo, yun nga.

Tapos ngumiti sya ulit. Pero alam kong hindi umabot hanggang mata yung mga ngiti nya tulad ng dati. Tapos nakalimutan kong ihanda ang sarili ko hanggang sa sinabihan nya kong "Gusto kita Miles. You are so caring and a great guy. Pero hindi pa siguro ito ang tamang timing para sa ganyang bagay. Alam mo namang nasaktan ako sa isang lalaking hindi naman pala ako mahal. Ayaw ko ring pumasok sa relasyon kung saan mahihirapan lang tayo sa huli."

Tapos tinanong nya ko kung naintindihan ko ba, sabi ko oo. Tapos tinanong nya kung magkaibigan lang muna, sabi ko okay lang. Puro okay lang, oo, sige tapos nagtapos sa isang goodnight.

Basag kung basag! Gusto kong makalimot! Joke.

Matulog na lang tayo.

Gwapong-gwapo pero napahiya ng todo,

Miles

Torpe DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon