(1) May mga pagkakataon talaga na bigla ka nalang mapapatahimik--
Na para ba'ng may humihila sayo
Pero nakakapag taka na ang hila ay hindi pataas
Kun'di sa isang madilim na bahagi nang uniberso na napupuno ng wala;(2) Hindi ko alam kung bakit at paano
Pero isa sa pinakamahirap labanan ang hatak na ganto--
Hatak na hindi mo alam kung san ba nagmumula
Hatak na bigla nalang sumusulpot sa kung saan(3) May parte sakin na minsan nagustuhan ko na rin
Ang yakap na nagmumula sa aking sarili
Ngunit sino ba ako para hindi aminin?
Na sa pagtatapos ng araw, itinataas ko parin ang aking mga kamay--
Nagbabakasakaling may nais humawak at sa akin ay tumabi(4) Hindi ko alam-- ngunit ang madalas kong sagot ay pagpikit
Sabay uupo sa tabi at hahayaan 'kong tangayin ako nang malamyos na hangin
Ayoko na sanang ngumiti ngunit hindi ata maari
"Hayaan mo, lahat ay matatapos din" - tanging nasambit ko sa aking nawawalang sariliIska
BINABASA MO ANG
Mga Sulat na Hindi Naipadala
Poetry•P O E T R Y • Naiwang nakatago sa likod ng malaking aparador- Nagbabakasakaling may mag-lalakas loob; 'Na basahin at intindihin, Angkinin at unawain; Ang bawat sulat na hindi naipadala- Na nanatiling naka-kapit nalang, sa kaluluwa ng bawat ala-ala...