[Spoken Piece]
Sisimulan ko ang tulang to
Sa isang salaysay na sumasagot saking mga tanong
Sa isang tanong na sumasagot sa kung saan ang patutunguhan nito
Kung saang dako ng mundo mapapadpad ang mga salitang ito
Ang paglalakbay kasama ang sarili ko
Hayaan mokong buuin ang pagkatao ko
Sa tulong ng tula kong itoKaliwa.Kanan.Taas o baba
Silangan.Kanluran.Timog at hilaga
Ang daming magagandang tanawin
Di ko mawari kung bakit akoy naestatwa saking kinatatayuan
Sa gitna
Sa gitna ng mundong ibabaw kung saan wala akong masilayan
Pinipilit kong tumakbo umalis ngunit wala
Alam kong di ito ang aking nais
Gusto kong lumayas magtago pumunta sa ibang mundo
Peo bago ang pagtakas na magaganap
Bat diko ba muna daanan ang mga lugar na matagal ko ng tinatakasan
Bat di ko muna silayan ang gandang palagi nilang sa akin ay sinasaad
Bat di ko muna hayaan na ako ay tangayin ng aking paa sa kung saan
Aking hahayaan
Aking hahayaan
Aking hahayaan
Na aking makita ang rikit ng kalawakan
Papakainin at bubusugin ang aking mga mata
Bubuksan at hayaang makarinig ang aking mga tenga
Ibubuka at hahayaang mamutawi saking mga labi ang salitang mga patunay na aking mundoay maganda
Buksan ang bakas patungong bukas
Dyan ako magsisimulaSa pagbabasa ng isang aklat
Bubuksan ko na ang unang pahina
Ito ang tinatawag nila dagat ng kaputian
Kung saan iyong masisilayan ang ganda na karagatan
Mamangha at matulala sa ganda ng bakuran
Boracay iyan ang kaniyang ngalan
Sa kabilang dako naman
Kung isa kang taong mahilig magtago sa kawalan
Mahilig mabalot ng kadiliman
Tingin koy sa mga kweba ng palawan ka nababagay
Kung saan kasabay ng kadiliman matatagpuan mo ang ganda kahit walang liwanag
Tumingin at magulat
Sa tayog ng bundok na ito
Sa perpektong pagkakahugis na wariy nililok na milyong taon
Bulkang mayon ata ang tawag nila dito
Kung saan buong taas ng noo pinagmamalaki ang natural na kagandahan nitoMadalas tawagin itong chokolateng burol
Sapagkat kakulay at kahugis daw ito nun
Sa bandang bohol ayan ang talagang sa utak ay nakakapag pabuhol
Sa gandang taglay at kasiyahan nitong sa mga tao ay siyang dulot
At syempre kung may gandang natural may ganda rin namang tunay na pinaghirapan
Kung saan ilang tao ang nama alam at sangkaterbang pawis ang pinuhunan
Para lamang mabuo itong hagdan hagdang palayan
At masabing mabuhay! Obra maestra ng nasabing mga mamamayan
Di din naman lahat ay nagsimula ng masaya matapang at may kakayahan na
Madalas tayong takot sa maaring kalabasan
Kaya ng di na kinayanan
Sumabog ang bulkang pinatubo
Na nagpatunay
Na di lahat ng malulungkot na karanasan ay mananatiling ganon nalamang
Sapagkat aminin mo man sa hindi kapag itoy iyong nakita masasabi mo ngang ito na ang pinakamagandang trahedya nasa balat ng lupa ay nasaksihan
Kung imprestraktura naman ang pauusapan
Aba di rin naman papatalo ang mga magagaling na inhenyero
Mula sa tindig sa tayo
Maging sa malaki o maliit na anyo
Sa tagal at tibay na sinubok na ng panahon
Nanatiling matapang at nakatayo
Ibat ibang simbahan simula batanes hanggang huloKultura naman ay di rin mawawala
Sa bawat buwan ng taon
May pagdiriwang sa bawat pagkakataon
Piyesta ng ibat ibang pagkain bagay at santo
Katulad nalang nitong
Panagbenga piyesta ng mga nag gagandahang bulaklak ng taon
Piyestang pagkilala sa kasaganaan ng huli ng mga bangus
Manga at Sto. Nino
Kalabaw at maskara
Ilan lang sa mga piyestang sa bawat taon ay ating idinadaosSa pagtatapos ng aking pagbabasa
Sa paglipat ng pahina
Bakit parang kulang pa?
Bakit parang gusto ko pang ulit ulitin bawat nakasaad?
Ayaw ko ng matapos pa sapagkat alam kong sa puso koy taos itong pagkakapos ng karunungan hindi na magpapadausdos sa lukso ng damdamin ma di matapos tapos
Ayoko na
Ayoko ng manahan sa isang lugar na di ko naman tirahan
Mata koy naliwanagan
Tenga kong nabingi na sa kinabukasan ay muling nakarinig sa bulong ng nakaraan
Labi kong napipi sa wagas na pagsinta sa mga lugar na pandayuhan
Aking puso
Aking puso na naging ampalaya sa pait para iwasan kong madama ang haplos ng isang obra maestra na gawa ng ating mahal na bathalaDapat ng wakasan
Halikat sumama ka sa aking paglalakbay paglakad pagiwan ng bakas para sa bukas
Na naway maging tanglaw sa mga taong nawalan ng kulay ang buhay
Sayang
Sayang kung di mo ito naranasan
Kaya hanggat nariyan pa
Ating pahalagahan mahalin at ingatan
Hanggat iyan ay nariyan pa
Sumigaw ng mabuhay!
Mabuhay ang bansang pilipinas
Mabuhay ating pambansang turismo dito sa pinas!Iska
BINABASA MO ANG
Mga Sulat na Hindi Naipadala
Poetry•P O E T R Y • Naiwang nakatago sa likod ng malaking aparador- Nagbabakasakaling may mag-lalakas loob; 'Na basahin at intindihin, Angkinin at unawain; Ang bawat sulat na hindi naipadala- Na nanatiling naka-kapit nalang, sa kaluluwa ng bawat ala-ala...