Ang pagibig moy parang araw na nagniningning
Kasing rikit ng mata ng isang
pusang kuting-
Mahal, ang pag ibig moy parang buwan na tanglaw;
Sa gabi kasama ang milyong milyong mga bituinSa matatamis mong salita at wika
Inibig kita ng may kasamang panata;
Parang isang musmos na bata-
"Sana akin ka nalang" palaging bulong sa mga talaNgunit di umayon ang takbo ng tadhana
Umikot pabalik ang kamay ng orasan
Bakit ganon nalang kadali na ako'y iyong iwan?
Para balikan ang iyong nakaraan-Akala ko ako na bubuo sayo
Akala ko ako na ang kukumpleto sayo;
Sana ako muna ay iyong inabisuhan
Na puso mo pala ay nakatali pa sa panahong nagdaan-Ang pagibig ay binibigay ng buo,
Nararapat na ito'y maging puro-
Masakit man ngunit kailangan tanggapin ang totoo;
Aminin mo man o hindi-
Siya parin ang laman ng puso mo
At kailanman ;
Siya'y di magiging ako.Iska
BINABASA MO ANG
Mga Sulat na Hindi Naipadala
Поэзия•P O E T R Y • Naiwang nakatago sa likod ng malaking aparador- Nagbabakasakaling may mag-lalakas loob; 'Na basahin at intindihin, Angkinin at unawain; Ang bawat sulat na hindi naipadala- Na nanatiling naka-kapit nalang, sa kaluluwa ng bawat ala-ala...