Narinig ko kung paanong tumunog ang orasan
Ang tamang paglapat ng mga kamay nito sa dapat kalagyan
At naging hudyat narin para kay Haring Araw
Na bumaba, magpahinga at hayaang si luna naman ang maging tanglawMinsan ay nagtataka narin ang aking mga mata
Sa kung paanong sa bawat araw ay palaging nag-iiba
Ang hugis, anyo, sukat at itsura
Nang tahimik at mapang-akit na si LunaHanggang sa dumating ang isang gabi
Puno ng luha ang aking mga mata
Nais ko sanang magtago nalang sa ilalim ng aking mga unan at manatiling nakahiga
Pero parang may bumulong sa akin na naging hudyat para ako ay lumabasDoon nakita ko siya
Makinang ngunit hindi kasing tingkad ni araw
Medyo buo pero halata mo ang bakas na mayroon palang kulang
At ubod ng tahimik pero masarap sa pakiramdam ang sa kanya ay makipagtitiganUmupo ako sa tabi
Tamang tingin lang at sulyap sa bawat nakaw na sandali
Hanggang sa kusang bumuka ang aking mga labi
'Ang ganda' at doon ko nalaman ang salitang pag-ibigNakakapagtaka ang bawat pagtatagpo namin
Wala naman akong eksaktong salita na naririnig
Pero binigyan nya ako ng kakaibang dahilan para magpatuloy at ngumiti
Parang nakahanap ako ng isang bagay na sa aking buhay ay ayokong mawaglitSapagkat ng araw na iyon eh gusto kong maging katulad ni Luna
Hindi man kasing kinang ni araw pero sapat na ang taglay kong katangian para lumutang ako sa gitna ng kadiliman
Ang maging pag-asa ng karamihan na ayos lang kahit hindi ganon kaliwanag ang buhay
Sapagkat hindi magtatagal eh mauuwi rin sa ayos ang lahatGusto ko ring umibig katulad niya
Na kahit hindi buo at minsan pa nga ay halos di maaninag
Kalahati o kahit kapiraso lang kanyang anyo sa minsang paglitaw
Hindi magiging hadlang ang bawat kakulangan, para maiparamdam ko kung paano ako magmahalAt higit sa lahat, ibig ko ang kapayapaan na dulot nito
Sa kaparaanan na sa kanyang paglutang ay para narin akong nasa alapaap
Ilang beses man akong lumubog at matakpan ng bawat ulap
Alam kong darating ang panahon at muli ko ring masusulyapan ang ganda ng kalawakanHindi man maging perpekto ang bawat sandali
Sapagkat ganoon naman talaga ang buhay at hindi maglalaho ang pait
Pero katulad ni Luna magpapatuloy ako kahit anong mangyari
At mag-iiwan ng isang memorya na magsisilbing kakaibang obra maestraIska
BINABASA MO ANG
Mga Sulat na Hindi Naipadala
Poesía•P O E T R Y • Naiwang nakatago sa likod ng malaking aparador- Nagbabakasakaling may mag-lalakas loob; 'Na basahin at intindihin, Angkinin at unawain; Ang bawat sulat na hindi naipadala- Na nanatiling naka-kapit nalang, sa kaluluwa ng bawat ala-ala...