Sa bungad ng isang maliit at masikip na iskinita
Ako'y nakatayo, nakaamba ang
mga paa
Ngunit sa dilim nito'y, ako'y binalot
ng kaba
Kaya pilit kong tinatakpan ang aking tenga't mata-Marami akong tunog, kaluskos
na naririnig
Samut saring ingay galing sa paligid-
Tumataas, ultimo balahibo ko sa binti
Pero aking kinukubli gamit ang
pag-ngitiHindi matahimik ang aking diwa
Malikot na umiikot ang aking
mga mata;
Naghahanap ng maaring kapitan o kahit manlang masasandalan-
Nagbabakasakaling, may magtatangkang sagipin ako mula dito sa karimlanPinipilit kong sa paligid ay luminga
Baling sa kanan maging sa kaliwa
Paulit-ulit, kaibigan; sino nga ba?
Sa pagpalahaw ko ba ng saklolo?
'E may makakarinig kaya?Sinubukan kong sumigaw, Magpumiglas at tumingala-
At sa pagkakataong iyon walang lumabas na tinig, bagkus walang humpay na tulo ng luha;
Sa wakas, isipan at puso ko'y naliwanagan din-
Ang kaibigan ko pala sa dilim,
ay walang iba kundi ako rin.Iska
BINABASA MO ANG
Mga Sulat na Hindi Naipadala
Poésie•P O E T R Y • Naiwang nakatago sa likod ng malaking aparador- Nagbabakasakaling may mag-lalakas loob; 'Na basahin at intindihin, Angkinin at unawain; Ang bawat sulat na hindi naipadala- Na nanatiling naka-kapit nalang, sa kaluluwa ng bawat ala-ala...