Mananatiling tahimik at tikom ang bibig ko-
Hahayaan kong lumipas pa kahit kaunti ang panahon
Hihintayin ko ang pag lapat ng kamay ng orasan sa hudyat nang tamang pagkakataon
At bibitawan kita; sa paraang alam koDahil sa pagitan ng gusto ko at ayaw mo
Mga bagay na nais ko ngunit labag para sayo
Hindi ata tutugma ang mga daliri ko sa kamay mo
Magiging isang obra na ang mga ginamit na kulay ay hindi saktoBibitawan ko ang bawat salitang minsang naging tahanan nitong aking puso
Isasantabi saglit ang mga matang nagbigay sa akin ng panibagong lakas
Isang pahinga, kasabay ng kape na gustong gusto ko
Maalala man kita sa bawat kanta ng bandang paborito mo
Tiyak ay isang mapait na ngiti ang magmamarka sa mukha koAyokong bumitaw, kung iyan lang din ang usapan
Hahawak ako hanggang buo pa ang mga kamay ko
Pero sa lagay kong ito, hindi naman iyon ang dahilan ng magiging desisyon ko
Sapagkat dahil sa bawat salitang sambit mo nitong mga nakaraang linggo
Parang wala na atang natira kahit konting piraso ng puso koIska
BINABASA MO ANG
Mga Sulat na Hindi Naipadala
Poetry•P O E T R Y • Naiwang nakatago sa likod ng malaking aparador- Nagbabakasakaling may mag-lalakas loob; 'Na basahin at intindihin, Angkinin at unawain; Ang bawat sulat na hindi naipadala- Na nanatiling naka-kapit nalang, sa kaluluwa ng bawat ala-ala...