Gusto kong kailanganin mo rin ako. Katulad noon kung paano mo sinabi sa akin na natalo kayo sa isang laro
Wag mong masamain, hindi ko nais ang matalo kayo
Pero ibang saya ang naramdaman ko nung mga panahon nayon
Na sa paghahanap mo ng pahinga
Ay ako ang napili mong hagkan
Na ako ang una mong tinawag para pakalmahin ang iyong sarili sa kakaibang pakiramdam na iyong nararamdaman.Gusto kong kailanganin mo rin ako.
Sa gitna ng gabi kung saan hindi mo mahanap ang kiliti ng iyong tulog
Mga panahon na mag isa kang nakatingala at nakikipag titigan sa kawalan
Gusto kong tawagin mo ako
Sabihin mo sa akin lahat ng tumatakbo sa iyong isipan
At sasabihin ko rin sayo na handa akong makinig kahit ano pa yanGusto kong hanapin mo rin ako
Katulad ng paghanap ko sayo
Sa mga gabing malamig at mainit
Araw na hindi ko maunawaan ang timplaHanapin mo ako
Sa gitna ng libo libong tao na nakapaligid sayo
Malaman mo sana kung ano ang itsura ko kahit na nakatalikod sayo
Kahit tangayin pa ng hangin ang buhok ko
Makilala mo sana ang aking presensya
At pangako gagawin ko ang lahat makrating lang ako sa kinatatayuan mo
Marinig ko lamang ang boses mong tinatawag ang pangalan koGusto kong kailanganin mo rin ako--
Wag kang mag alala hanga ako sa iyong labis na katapangan
At alam kong kaya mo ang mag isa
Na nasanay kang tumayo gamit lamang ang dalawa mong paa
Na kilala mo na ang mundo, sa lahit anong anggulo hindi na ito ikinababahala ng iyong puso
Matibay ang bawat kapit mo sa pader na mag isa mong binuoAng bawat alon na kahit sing taas pa ng isang bahay ay kaya mong harapin magisa saapgkat nasanay ka na
Kinaya mo noon at alam mo sa sarili mong kakayanin mo paMasaya ako sa ganitong mukha ng pagkatao mo
Wala ng mas sasaya pa sa akin sa ideyang nalampasan mo lahat ng iyon ng magisa--Pero nais ko lang din ipaalam sayo ngayon na
Hindi ka na mag isa
Andito na ang mga kamay ko para tulungan ka
Hindi mo na kailangan pang mag alala sa tuwing matutulog ka
Sapagkat babantayan kita
Lalaruin ko ang hibla ng mga buhok mo para maramdaman mong may kasama ka
Hahayaan kitang makatulog sa mga binti ko kung dun mo man mahanap ang tulog mo
Walang problema
Sa kahit anong paraan tutulong ako sayoHindi ka nalang magisa ngayon sa laban na ito
Tandaan mo sana palagi ang mga katagang ito
Sapagkat gusto kong kailanganin mo rin akoHindi ako palamuti sa iyong tabi na ang tanging alam eh ang umiyak at tawagin ang iyong pangalan kapag hindi ko na alam ang nangyayari
At kahit sabihin mo pang ayos lang sayo ang ganong sistema, mahal hindi ganon iyon
Pede rin kitang payungan
Maari mo rin akong maging pahingahan
Sandalan at katabi mong tumitig sa kawalanNa kung noon ay isang malaking palaisipan sa akin kung ano ang aking hihilingin sa bulalakaw kapag nagkaroon man ako ng pagkakataon
Ngayon alam ko naPipikit ako at ipaglalapat ang aking dalawang kamay
Titingala at taimtim kong sasabihin ang mga katagang
"Sana ay kailanganin mo rin ako"At alinsunod sa aking hiling
Maghihintay ako--Susubukan kong maghintay na kailanganin mo rin ako hanggang sa abot ng aking makakaya
Susubukan kong ibulong ng paulit ulit sa sarili ko na may halaga ako sayo kahit hindi mo ako kailangan
Alam kong hindi magiging madali ang paniwalain ko ang sarili ko sa gantong bagay
Pero para sayo susubukan ko parin;
Maghihintay ako hanggang sa huling patak na kayang ibigay ng puso ko
Maniniwala ako na balang araw ay hahanapin mo rin ang yakap ko at matutunan mo rin ang kailanganin ako.
Iska
BINABASA MO ANG
Mga Sulat na Hindi Naipadala
Poetry•P O E T R Y • Naiwang nakatago sa likod ng malaking aparador- Nagbabakasakaling may mag-lalakas loob; 'Na basahin at intindihin, Angkinin at unawain; Ang bawat sulat na hindi naipadala- Na nanatiling naka-kapit nalang, sa kaluluwa ng bawat ala-ala...