Ikaw yung libro ko na ayaw kong nadudumihan
Natutupi o malagyan ng kahit na anong sulatIkaw yung lapis ko
Na binibigyan ako ng karapatan
Na bumuo ng isang bagay at patuloy na mangarapIkaw yung unan ko
Palaging katabi sa aking pagtulog
Di man literal na nasa gilid ko;
Pero di ko ata kayang matulog ng wala ang presensya moIkaw ang kuwaderno ko
Puno ng mga emosyon na
ikinatutuwa ko,
Minsan di maintindihan at magulo
Pero sa dulo, ikaw parin ang panalo-Ikaw ang gitara ko;
Matuwa ka kapag sinabi ko ang
bagay nato-
Importante sakin at pinaka iingatan ko
Oo maniwala ka, ikaw ang gitara ko;Ikaw ang buong kalangitan ko
Kung noon akala ko isa kang bituin
sa buhay ko;
Ngayon sigurado na ako-
Na ang halaga mo para sakin ay higit pa'don-Ikaw ang mga bagay na
hinahangaan ko;
Di magsasawang titigan at mahalin
ng buo
Kahit minsan medyo sablay ang tagpo
Nagagawa paring magbati at humanap ng lusot-At oo ikaw;
Ikaw ang mahal ko
Di ko alam kung kelan at kung pano nangyari 'to-
Pero ikaw ang mahal ko;
At pasensya ngunit walang makakapigil sa gusto ko.
Iska
BINABASA MO ANG
Mga Sulat na Hindi Naipadala
Poetry•P O E T R Y • Naiwang nakatago sa likod ng malaking aparador- Nagbabakasakaling may mag-lalakas loob; 'Na basahin at intindihin, Angkinin at unawain; Ang bawat sulat na hindi naipadala- Na nanatiling naka-kapit nalang, sa kaluluwa ng bawat ala-ala...