Gustong Gusto ko

7 1 0
                                    

Gustong gusto ko;
Kung paanong hinihintay ng pagkatao ko ang muling pagsapit ng kamay ng orasan sa saktong alas dose-
Yung tipong alam kong mababalot na ako ng muling kalungkutan,
Tipong malulunod nanaman sa sariling isipan

Gustong gusto ko;
Kung paanong yayakapin ako ng lamig ng simoy ng hangin-
Hahalukayin ang aking balintataw, sabay isip kung ano pa nga ba ang nag-aantay sakin sa muling pagsapit ng liwanag,
O kung may nag aantay nga ba talaga?

Gustong gusto ko;
Kung paano akong pinapatay ng paulit-ulit ng oras na iyon, sabay pipikit, gigising at muling maghihintay-
Sa pagkagat ng dilim, yung puso ko'ng patuloy na namamalimos sa patnubay;
Naghihingalo, pero heto parin sya at pilit kinakaya-
Patuloy tumitibok, mabigyang buhay lang ang iba.


Iska

Mga Sulat na Hindi NaipadalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon