Bakit nag iba?

11 1 0
                                    

Lalakad sa gitna ng napakaraming tao
Di alintana yung ingay sa paligid ko-
Matagpuan ko lang muli ang hugis ng anino mo

'ayun' ---

Balak ko na sanang tapikin ang
balikat mo
Pero bago pa lumabas ang mga salita sa labi ko;
Narinig ko na ang boses mo.

Nakaharap sa isang babaeng wala naman sa pahina ng isinulat nating libro-

Tinanong ka nito, katulad ng tanong ko sayo noon
"Aahh sinigang! Sinigang ang paborito ko" masayang sambit mo-

At doon nagsimula,

Kung paanong nahanap mo ang mga sagot na nakapagpalaya sayo;

Samantalang ako.

Naiwang tulala at inaalala ang naging sagot mo sa akin noong ikaw ang tanungin ko;
" Adobo ang paborito ko, walang tatalo"

Nakakapagtaka, bakit nag iba?

Yun ba ang susi para makalimot ka?

O sadyang kailangang ibahin?

Para di matulad sa kwento natin na hindi pwede, kaya nagawa mong putulin?


Iska

Mga Sulat na Hindi NaipadalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon