Game Over

17 2 0
                                    

[Spoken Poetry Piece]

Isa sa mga bagay na hindi ko malilimutan ay ang pakiramdam na maging isang bata

Lalo na kapag laro ang usapan
Hindi naman sa nagmamayabang pero sa totoo lang sa bawat laro lagi akong nananalo

Tagu taguan maliwanag ang buwan
Wala sa likod wala sa harap
Pagbilang kong sampo nakatago na kayo
Linyahan kapag tagu taguan ang aming natripan

Minsan naman akala mo mga atleta kung makatakbo parang bang wala ng hangganan ang dadaanan

Madalas naman hilig namin ang patintero
Gagawin ang lahat makaiwas lang at di maging talo

Bang! 123 save! Pagnarinig mo yan pasensyahan nalang pero malamang sa alamang ikaw na ang susunod na manghahabol at maghahanap

Langit lupa impyerno
Hindi paman natatapos ung kanta nakasampa ka na sa mataas para bang takot na takot ka ng umapak sa lupa dahil baka ma abot ka at ikaw pa ang manaya

Uy natumbaa! Sapuul! Hiyawan ng lahat kapag napatalsik ng isa ang lata
Sino bang hindi hihiyaw at sisigaw kung nagkaroon ka na ng pagkakataon na mabawi ang naiwan mong tsinelas at tumakbo

Palobo lang! Sigaw ng kalaban yung tipong nagiisa ka nalang sa laban pag naglaro na kayo ng batuhan bata

Marami
Marami akong nalaro noong bata pa ako
Pero sana noong mga panahong naglalaro ako sinulit ko ito ng lubusan
Hindi ko naman alam na magbabago pala ang aking pananaw

Pag naglaro ba tayo ng tagutaguan
Kailangan ko pa bang magtago?
Eh yung nasa harapan mo na nga ako di mo na ko makita pano nalang kapag nagtago pa ako?

Kung noon para akong atleta kung makatakbo
Pero ngayon
Grabee daig ko pa ang baldado kasi kahit anong pilit kong takbo parang may sariling isip ang mga paa ko
Di ko magawang gumalaw humakbang di ko na ata kaya pang tumakbo papalayo sayo

Kung noon kapag naglalaro ako ng patintero todo iwas ako para di mataya pero bat ganon?  Ngayon Nakalapit na nga ako di mo pa rin ako magawang hawakan

At eto na nga sa di mabilang na pagkakataon muli kong narinig ang salitang "Bang!"
Nahuli ako
Nahuli ako at di ko ginustong mahuli ang aking mga aksyon
Di ko ginustong sumali sa larong ito kasi simula palang nung una alam ko nang talo ako

Langit lupa impyerno
Kaya nga kahit di pa tapos ung kanta
Kahit di ko pa alam kung sino ang magiging taya
Umakyat na ako pataas
Natakot na ako
Natakot nakong baka mangyari uli ang nakaraan

Baka mawala pa yung pagkakataon kong makuha ang tsinelas ko at makatakbo papalayo sayo sa oras na matuba ang lata

Kasi ganun tayo
Ganun ako
Ikaw yung tsinelas na laging dahilan ng pagtumba ko
Kaya madadala nako
Madadala na ako sa sugat sa galos na aking natamo
Sa di mabilang na pag patak ng aking luha
Sa mga gasgas na nag paliko ng mga landas
Madadala nako sa agos ng buhay na hindi pedeng laging ganto

Dapat matuto akong umilag kapag makikita ko nang papalapit na ang bola
Dapat matuto akong umiwas yumuko at dumapa
Oo kahit pag dapa gagawin ko wag lang muling mahulog sa patibong ng puso mo

Lumilipas ang panahon
At oras na rin siguro na baguhin ang aking estilo sa paglalaro

Hindi masamang tumaya sa isang laro pero wag naman yung palaging ako nalang yung taya

Nakaka ewan lang isipin na para bang ako lang ang may permisong masaktan
Masaya pero may kasamang pait
Pait na di ko na hahayaan pang maulit
Pero..
Sinong nga ba ang di magiging ampalaya sa pait kung ang dating masayang ideya mo
Ng laro ay napalitan ng malulungkot na ala ala kung saan ikaw mismo ang ginawang laro.
At oras na para tapusin ito.
Game over yan na tayo ngayon.

Iska

Mga Sulat na Hindi NaipadalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon