Hindi ba nakakasawa?

6 0 0
                                    

Nakakapagtaka;
Sa araw araw kong pagising sa umaga
Hanggang sa sumapit ang dilim at magsimulang magliwaliw ang mga tala
Gusto ko sanang tanungin si sol o kaya si luna?

Hindi ba nakakasawa?

Sa tuwing bubuhos ang ulan
Sa bawat patak na dumadausdos sa aking mga palad
Sa tuwing hahalikan ako ng mga ito sa aking pisngi at mukha
Gusto ko sanang humiram kaunting  sandali at tanungin si ulan.

Hindi ba nakakasawa?

Ang muling pagbibigay ng pangalan,
Edad, address, hilig at mga ayaw?
Mga di makakalimutang pangyayari sa buhay;
"Kailan nga ba ulit ang iyong kaarawan?"

Yung muling pagkislap ng iyong mga mata
Kung kailan ang panahon na bumibilis ang tibok ng yong puso at di ka makahinga?
Mga takot na di mo mabahagi sa iba
Pero pasalamat ka at iyon ay nasama sa kwento, patunay na ikaw ay kakaiba.

Hindi ba nakakasawa?

Na magsisimula kang muli  sa iyong pagkabata
Iisa-isahin ang lahat ng okasyon para yung damdamin ay mapadama
Kung paano ka unang sumemplang sa pag-aakalang madali lang ang mag bisikleta
O sa kung paano ka unang nalaglag sa hagdanan at pumalahaw ng iyak

Hindi ba nakakasawa?

Ang magpakilala muli sa isang estranghero
Sabay nyong iuukit ang bawat letra ng pangalan sa inyong mga puso
Sabay sa isang iglap mawawala sa paraang parang may dumaan na ipo ipo?
O kaya naman, sadyang umalis lang, walang dahilan o kahit na ano

Gusto ko sanang tanungin si sol o kaya naman kahit na si luna?
Pede rin namang idamay si ulan o kaya ang libo libong mga tala?
Hindi ba nakakasawa?
Ang magpaulit ulit sa ginagawa, sabay sa huli, maiiwan ka lang din pala

Sapagkat dumating na ako sa punto ng buhay ko...

Kung saan naisip ko'y nakakasawa na pala ang ikot
Yung paulit ulit na pagpapapasok sa  buhay ko ng isang estranghero
Na magiging dahilan ng muling pagkabuo ng puso ko
Para lang sirain muli ito at mas gawing pino ang pakakadurog.

Iska

Mga Sulat na Hindi NaipadalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon