Kasabay ng pagkawala ng mga tala
Kasabay ng pag-abot sa dulo ng hangganan;
Kasabay ng pamama-alam ng araw
Kasabay ng pagsara ng malawak na parang-Bawat mukhang aking tinalikuran
Bawat laban'g aking sinukuan
Bawat luhang sa pagbagsak ay
nag-uunahan
Sa bawat sakit na patuloy na nanahan-Sa bawat mapapait na alaala
Kasabay ng mga pangyayaring di na dapat pang inaalala;
Nais ko lamang sayo na ipaalam-
Ikaw parin ang aking pinakamasayang trahedya.Iska
BINABASA MO ANG
Mga Sulat na Hindi Naipadala
Poesía•P O E T R Y • Naiwang nakatago sa likod ng malaking aparador- Nagbabakasakaling may mag-lalakas loob; 'Na basahin at intindihin, Angkinin at unawain; Ang bawat sulat na hindi naipadala- Na nanatiling naka-kapit nalang, sa kaluluwa ng bawat ala-ala...