Utak ang madalas kong paganahin sa mga bagay bagay;
Sapagkat alam kong ito ang nararapat at nababagay,
Puso ang madalas kong kaaway-
Ewan ba siguro dahil puro sakit ang dala nito sa aking buhay;
Madalas nais ko na lang itong patigilin sa pagpintig at pag proseso-
Ngunit wala, sadyang ito ang nananaig at palaging nananaloMahilig akong gumamit ng metapora;
Ang paghahambing sa mga bagay bagay ang madalas kong ginagawa-
Ewan ba kung bakit lubos akong sumasaya
Sa tuwing gagamitin ang mga ito sa aking tulaPara kang kabute-
Sumusulpot sulpot kung saan saan
Pero bat naman sa marupok ko pang puso ang naisip mo'ng tambayan?Para kang makahiya-
Literal na tumitiklop at nahihiya
Sa tuwing akin kitang masisilayan
at makikita,Para kang bituin sa langit-
Kay sarap mong pagmasdan
Lalo na kung ang labi mo ay nakangiti
At mga mata mong tunay na sumisingkit,Para kang libro-
Bukas, malawak ang pagkatao
Kay sarap mong basahin parang nababalot ng misteryo,Para kang unan-
Tingin koy ang sarap mong hagkan
Ngunit hanggang tingin lamang;
Sapagkat di magawa na ikaw ay aking hawakan,Para kang pluma-
Tingin ko'y andami mong nalalaman
Nais kitang makakwentuhan
Ngunit kailanma'y di natin iyan naisakatuparan,Para kang ibon-
Kay laya mo kung titingnan
Sagana sa lahat ng bagay
Kaya baka pagmamahal ko ay di mo na kailangan,Para kang tubig-
Malinaw na kakayanin mong manalamin;
Ikaw lang naman ay naging totoo
Ngunit bakit ang sakit ng naging epekto?Para kang tula-
Isa sa paborito kong pagmasdan
Ngunit sa bawat saknong
May nakaukit na tanong;
Para kang tula-
Sa likod ng matatamis mong salita
May nakatagong isang pangalan
Pangalan na nagmula pa sa iyong nakaraan,
Para kang tula-
Malalim na ang napagdaanan
Na kahit sinomang dumaan
Maaring pagluksaan;Lumalalim na ang gabi
Ngunit dapat ay ating pigilin-
Para di na ganon kalalim ang sakit
Kapag nagsimula nang si araw ay sumilip;Malalim na ang bangin-
Di ko na hahayaan pang mawala ang nagiisang daanan, baka mawaglit;
Sapagkat gustuhin ko man
Pero baka mamatay lamang sa huli,Ang bulaklak ay nararapat ng bunutin kapag ito na ay lanta-
Sapagkat kahit anong dilig di mo na ito masasalba
Masakit man ngunit;
Para sa nakararami, ito ang mas nakakabutiMahirap magmahal ng isang tao na hindi pa tapos magmahal-
Para akong nagbebenta ng isang obra maestra na di pa tapos ang pag kapinta;
Mahirap makipaglaban kung wala namang nilalabanan
Para akong nakikipag unahan sa pagtakbo na wala namang tiyak na patutunguhan,Patawad --
Ngunit maaga pa ata upang itaas ang puting bandera
Ngunit maniwala ka-
Sinubukan kong kumapit kahit wala namang pinagkakapitan,
Sinubukan kong tumakbo ngunit wala ng gagamiting panakbo,
Sinubukan kong sumulat ngunit ubos na ang tinta ng aking panulat,
Sinubukan kong sumugal ngunit hanggang sa dulo akoy umuwing luhaan,
Sinubukan kong wag kang sukuan-
Di kita sinukuan;
Ngunit napagod ang tamang dahilan,
Upang ipaliwanag ang naging kapalaranMarupok ang aking puso
Mahirap ang manindigan
hanggang sa dulo;
Pakikitungo mo ay nagbago
Alam kong iyan ay alam mo-'Di kita masisisi
Kung ikaw ay natakot-
Ngunit parehas naman tayong natakot at nangamba;
Yun nga lang-
Lumaban ako;
Peo sadyang mas mahirap pala'ng kalabanin ang pusong napagod-Mababaw lang naman ang aking kaligayahan
Atensyon mo lang ang tangi kong hangad
Ngunit wala pati iyon ay di mo nagawang suklian;
Gusto man kitang tulungan,
Ngunit di ko na kaya patawadSa aking pamama-alam
Ito ang iyong tatandaan-
'Di kita sinukuan
At kailanman di kita susukuan;
Ngunit di ko na kaya
Patawad-
Sapagkat, Puso'y napagod na.Iska
BINABASA MO ANG
Mga Sulat na Hindi Naipadala
Поэзия•P O E T R Y • Naiwang nakatago sa likod ng malaking aparador- Nagbabakasakaling may mag-lalakas loob; 'Na basahin at intindihin, Angkinin at unawain; Ang bawat sulat na hindi naipadala- Na nanatiling naka-kapit nalang, sa kaluluwa ng bawat ala-ala...