Mga panahong hindi ko malaman
Masaya nga ba ako o hindi naman?
Sa mga pangyayari at
mga kaganapan-
Walang sapat na paliwanag; ako ay naguguluhanNagsawa na ba ang aking mga tenga sa pakikinig ng mga kanta?
Na sa tuwing bubuksan ko ang bumbilya ay tanging pag-andap ang aking nakikita-
Hindi na ba ganon ang tamis ng bawat tsokolate'ng aking nalalasahan?
O baka naman, gusto lang talaga akong yakapin ni kalungkutan?Aaminin ko sa sarili ko na ako ay nawawala;
Walang ilaw, walang hahaplos na musika para ako ay damayan-
Pero paano ang tumakas sa isang bagay na di ko naman alam papaano ako napunta?
Sa isang lugar kung saan ramdam kong ako lang at walang kasama-
Sasapat ba?
Ang lumaban kahit mag-isa?Iska
BINABASA MO ANG
Mga Sulat na Hindi Naipadala
Poésie•P O E T R Y • Naiwang nakatago sa likod ng malaking aparador- Nagbabakasakaling may mag-lalakas loob; 'Na basahin at intindihin, Angkinin at unawain; Ang bawat sulat na hindi naipadala- Na nanatiling naka-kapit nalang, sa kaluluwa ng bawat ala-ala...