Hindi Ko Na Alam

11 1 0
                                    

Hindi ko na alam
mahal maniwala ka
'Di ko na alam
kung kailangan ko pa bang tumingin
Sa salamin na puno ng nakaraan natin
Kung puro lamang pighati at sakit
ang tanging sasalubong sa akin-

Hindi ko na alam;
Kung dapat pa bang magpatuloy
o dapat na nating wakasan-
Katulad ng isang nakulong na ibon
kaya na ba kitang pakawalan?

Hindi ko na alam;
Kung ako pa ba ay mangangarap
para sa ating dalawa-
Sapagkat mahal sa tuwing iyon ay aking inaalala,
Walang araw na puso ko ay di umasa-

Hindi ko na alam;
Kung pano patitigilin
Ang pusong puno ng sakit araw-araw
Nagdurugo nawawasak ng unti unti-

Hindi ko na alam;
Na sa bawat luhang pumapatak
Naglalandas sa aking mga yapak
Bawat sulok ay nagiwan ka ng bakas-
Bakit ganito ang tinahak kong landas?

Hindi ko na alam;
Sa tuwing tagpuan natin ay aking nasisilayan-
Parang isang sirang plakang paulit ulit sa pag papaalala-
Na kung noon kasama kita sa aking pagpunta;
Ngayon ako na lamang magisa-

Hindi ko na alam;
Sa tuwing maririnig ko ang iyong pangalan
Para nakong baliw sa kakalinga-
Bakit hindi kita magawang maiwaglit sa aking isipan?
Kahit saglit ako muna ay iyong lubayan-

Hindi ko na alam
Kung bakit sa bawat tugtog;
Puso koy nahuhulog
Ang hirap, para akong laging tatamaan ng kidlat at kulog
Kung di pa ako lalaya sa aking pagkakulong-

Hindi ko na alam;
Ang hirap palang humawak sa mundong kay lawak;
Ang hirap manindigan sa mga pangako mong walang namang kasiguraduhan-

Hindi ko na alam;
Kung ano ang nararapat na daanan-
Ito bang daan kung saan ako ay sasaya?
O sa daan kung saan naroon ang tama-

Hindi ko na alam;
Kung saan ba ako dapat magsimula
doon ba sa dulo o sa umpisa?
Ang hirap lumaban, puso ko'y nagugulumihanan

Ako'y sumigaw ngunit walang lumabas na salita;
Ako'y dumilat ngunit walang liwanag na nakita
Ako'y umiyak ngunit walang luhang pumatak
Akin kitang minahal, ngunit di mo ito nagawang nasuklian

Akala ko ikaw na;
Ang babago sa aking panata
Di ako nagkamali at ikaw nga-
Ang bumago di lang ng aking panata, kundi maging ng aking kabuuan

Hindi ko na alam;
Nakakabaliw ngunit ito ang katotohanan
Hindi ko na alam;
Gusto kong lumaban ngunit akoy pinipigilan ng tadhana-
Hindi ko na alam mahal;
Kung ikaw pa  ba ang taong matatawag kong mahal.

Iska

Mga Sulat na Hindi NaipadalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon