—ZANDY POV—“Uy Zandy sama ka ba samin? Out of town?” masayang tanong ng office mate/kaibigan kong si Hannah sakin. Bahagya ko naman nilingon si Alliah ng marinig ko ang boses ng maingay kong kaibigan.
“Kayo na lang siguro, marami pa kasi akong kailangan tapusin na reports.” mahinahon kong pagkakasabi.
“Gurl, yung pinapagawa sayo ng Boss natin ay sa next 2weeks pa ang deadline. Masyado ka ng nakatuon d'yan sa trabaho mo. Uso mag relax at enjoy.” may pagka-palengkerang tono ng boses ni Alliah.
“Oo nga naman Zandy, tama si Alliah. Relax relax at enjoy enjoy din pag may time.” sabat ni Jewel na isa rin sa kasama ko dito sa department.
Bahagya ako napatingin kay Alliah na abot tenga ang ngiti. Lakas talaga mangdemonyo ng babaeng 'to.
“Ano..sama kana?” muling tanong ni Alliah sakin.
“Sasama na yan! Sasama na yan!” tila pag chi-cheer pa nila Chelsea at Melody.
Napabuntong hininga naman ako bago ako napa-papayag ni Alliah, at tuwang tuwa naman ang gaga.
“Yown, kompleto na ang barkada.” masayang sabat ni Rachelle na may pa-palakpak pa.
Since college kasi ay magkakaibigan na kaming anim. Hanggang sa magkaroon na kami ng trabaho. Noong college, hindi talaga ako mahilig sumama sa mga gimik nila. Although, pinapayagan naman ako ng mommy at daddy ko. Ako lang talaga ang hindi mahilig sa gala o gimik. Mas gusto ko pang ituon ang atensyon at oras ko sa panonood ng mga movies, pakikinig ng music at pagbabasa ng libro kapag wala akong pasok sa school. At ang ganun pag uugali ay nadala ko nga hanggang sa makapag trabaho na ako. Pero naisip ko rin naman na tama ang mga kaibigan ko, paminsan minsan ay kailangan ko rin mag relax at mag enjoy. Kaya pumayag narin ako sa paanyaya ni Alliah.
——
“Ano kompleto na ba? Wala ba kayong nalimutan?” tanong ni Melody na nasa front seat katabi ang driver ng van na siyang inarkila namin.
“Ako meron..” seryosong pagkakasabi ni Rachelle at agad kaming napatingin sakanya na nakaupo sa likuran bahagi ng van katabi sila Alliah at Jewel.
Sa Quezon Province ang destinasyon naming anim, balak kasi namin mag swimming sa isang beach resort doon. Apat na araw lang kami kaya naman susulitin na talaga namin ang ang pagbabakasyon namin. Dahil after nito, back to work na naman.
“Ano?” magkakasabay na tanong naming lima.
“Yung puso ko...nasa ex ko parin. Aray ko naman Alliah!” pagda-drama pa ni Rachelle pero napa-aray nalang siya ng hampasin siya ni Alliah.
“Babaeng 'to, limang taon na kayong hiwalay ni Jeric hanggang ngayon hindi ka parin nakaka-move on? ikinasal na nga yung tao at may anak na. Umaasa ka parin ba?” sermon ni Jewel mula sa front seat.
“Manong driver, mga what time po kaya tayo makakarating sa pupuntahan natin?” mahinahong tanong ko sa driver ng van na siyang sinasakyan namin ngayon. Isinara na niya ang pintuan at nag-umpisang painitin ang makina ng van.
“Mga 9PM po Ma'am, mula dito sa Alabang.” magalang na saad ni manong driver na nasa edad 40's na. Kilala siya ng pamilya ni Jewel kaya naman tiwala kaming magiging ligtas ang biyahe namin.
“Ay maalala ko nga pala, hanggang kailan ka magiging single Zandy? Hanggang kailan ka magiging NBSB?” nakangising tanong ni Melody.
“Oo nga 'no? Tagal narin palang single ni Zandy. Hindi rin yata 'to maka-get over sa crush niyang beks pala.” natatawang saad naman ni Alliah. Siraulo! Pag ako talaga nagka-boyfriend, yanig mundo ng limang 'to.
“Maganda ka naman, dami nga nagkaka-gusto sa'yo noong college tayo. Dami rin nanliligaw. Sino nga 'yung manliligaw mo na pati kami nalilibre ng Starbucks kapag sinusundo ka?...ah si Justine ba 'yun? Mabait naman, saka gwapo pero bakit 'di mo sinagot?” may panghihinayang pang tanong ni Rachelle at pati ang pangalan ng manliligaw kong si Justine ay naalala pa. Naka memo plus gold siguro yung babaeng 'to.
“Ako ba, sinama niyo sa out of town na 'to para i-hot seat niyo?” sarcastic kong tanong habang seryosong tinitignan silang lima. Pero siyempre ganun lang talaga ako sakanila, hindi ako galit.
“Oo nga, bakit niyo naman hina-hot seat si Zandy, mamaya umapoy na pwet niyan.” biro naman ni Chelsea.
“Eh kasi nga, Zandy's Father is a retired AFP General. So what do you guys expect? Strict ang daddy ni Zandy hindi lang halata kasi puro babae naman tayong kaibigan ng unica ija niya.” sabat ni Jewel.
“Pero diba, 5years from now nasa 30's kana Zandy? Wala ka ba talaga balak na magkaroon man lang ng jowabells? Yung magpapasaya sayo, magpapakilig, magiging inspirasyon mo.” saad ni Chelsea na akala mo naman may jowa eh isa rin naman iniwan.
“I already have you guys. That's all.” nakangiting pagkakasabi ko.
“Awww so sweet. Sabagay, nakaka-stress naman talaga pag may jowa ka. Kailangan mo i-update, i-good morning, i-good evening tapos pag 'di ka agad naka-reply o chat sakanya magtatampo agad.” saad ni Alliah.
BINABASA MO ANG
You And Me, Against The World
ActionZandy Rain Daza is the only daughter of retired AFP General Gilbert Daza. During their vacation in Quezon Province with her officemate/friends. She will meet William John Samonte the leader of Black Pegasus-an illegal organization including Mafia As...