CHAPTER 19

37 5 0
                                    

“YOU AND ME, AGAINST THE WORLD”

(CHAPTER 19)

—ZANDY POV—

Habang nililibot namin ang tingin namin ni Kuya Jessie sa loob ng construction site, limang lalake ang nakita kong patungo sa direksyon namin. Kaya agad ikinasa ni Kuya Jessie ang baril niya, pero habang papalapit ng papalapit ay nakikilala ko na ang lalakeng nasa unahan. That's my Dad. Kaya sinenyasan ko na si Kuya Jessie na ibaba ang baril niya.

“Zandy, what are you doing here? Hindi ba dapat nasa Hospital ka? Nagpapagaling?” mataas ang tono ng boses ni Dad at ramdam ko rin ang pag-aalala niya.

“Where's William?” seryosong tanong ko.

“Ipapahatid na kita kila Staff Sergeant Ro---”

“Just answer my question Dad, where is he? Saan niyo siya dinala?!” tumaas narin ang tono ng boses ko kaya bahagya natahimik si Dad.

“Please..” ang kaninang mataas na boses ko ay bumaba at tila ba naging maamong tupa ako sa Daddy ko habang nakikiusap.

“How could you lie to me?” seryosong tanong sakin ni Daddy.“Anak ko pa ba mismo ang ta-traydor sakin?” muling tanong ni Daddy habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sakin.

“I didn't betrayed you dad!” depensa ko.

“Yes you did. Alam mo na palang may connection si William sa Black Pegasus but you still chose to be with him!” singhal ni Dad sakin.

“Ok fine! I made a wrong decision by choosing him. But you know why Dad? 'cause I love him.” mariing pagkakasabi ko.

“Lintik na pagmamahal na yan Zandy Rain! Sa tingin mo ba hahayaan ko na mapunta ka sa lalakeng 'yun? No!” singhal ni Dad sakin.

—WILLIAM POV—

Isang dalawang lalake ang pumasok sa silid kung saan ako ikinulong. Tinanggal ang pagkakagapos ng mga kamay ko saka ako hinawakan sa magkabilang braso at inilabas ng silid.

Nanghihina pa akong lumakad dahil sa pangbububog sakin ng mga tauhan ng ama ni Zandy, pero lahat 'yun ay tiniis ko dahil gusto ko ipaglaban ang pagmamahal ko para kay Zandy. Nanlalabo din ang kanang bahagi ng mata ko dahil sa pagkakasuntok sakin at ramdam ko pa ang pag agos ng dugo sa pisngi ko.

Sa 'di kalayuan una kong nakita si Zandy kasama din niya si Jessie na kapatid ko. Napapalibutan silang dalawa ng mga tauhan ni Gen. Gilbert.

Nang makita ako ni Zandy ay patakbo niyang tinungo ang kinaroroonan ko at mahigpit akong niyakap habang umiiyak. Binitawan naman ng dalawang lalake ang magkabilang braso ko kaya nayakap ko rin si Zandy. Ilang saglit pa ay kumalas na siya mula sa pagkakayakap sakin at saka naluluhang hinawakan ang pisngi ko na duguan pa.

“I'm so sorry..” umiiyak na pagkakasabi ni Zandy.

“You shouldn't be here. You supposed to rest. Hindi ka pa fully recovered. Paano kung mag-collapse ka? Paano kung may mangyaring masama sa'yo?” sermon ko kay Zandy ngunit may pag aalala. Hindi siya nagsalita at patuloy sa pag iyak. Habang hinahaplos ang pisngi ko.

“Zandy..” sambit ko sa pangalan niya.

“This is all my fault I'm so sorry.” umiiyak niyang pagkakasabi.

“Don't feel sorry. You know how much I love you and I will fight for our love no matter what. Just promise me you'll take care of yourself.” sincere kong pagkakasabi habang tinitignan si Zandy sa mga mata niya.

“I love you too.” naiiyak na sagot ni Zandy.

Yayakapin ko pa sana muli si Zandy pero agad na siyang hinila ng Daddy niya. Nakita ko naman na maglalabas sana si Jessie ng baril pero naunahan siyang tutukan ng baril ng mga tauhan ni Gen. Gilbert.

—ZANDY POV—

“Dad please...don't.” umiiyak kong pakiusap kay Daddy habang hawak ako ng mahigpit ng dalawang sundalong tauhan ni Daddy sa magkaibilang braso. Ngunit tila walang narinig si Daddy at agad inundayan ng suntok si William sa mukha na agad ikinatumba ni William.

“Please Dad! Tama na please!!” muling kong hiyaw habang umiiyak. Parang dinudurog ang puso ko habang pinagmamasdan kung paano pahirapan ni Daddy si William. Pakiramdam ko rin ay kakapusin na ako ng hininga.

—JESSIE POV—

Hindi ko na kayang magtimpi habang nakikitang pinapahirapan ang kapatid ko. Kaya agad 'kong inagaw ang baril ng isang sundalo na nakatutok sakin at saka siya pinaputukan sa hinta. Inundayan ko naman ng suntok ang isa pa.

“Zandy!” magkasabay na sambit namin ng ni Gen. Gilbert ng bigla nalang himatayin si Zandy.

Natigil din ang pangbubogbog sa kapatid ko kaya agad ko siyang pinuntahan na nakahandusay sa lupa ngunit nakatingin sa kinaroonan ni Zandy na unconscious.

“Z-zandy..” nanghihinang sambit ni William sa pangalan ng babaeng mahal niya kasabay ng pagpikit ng mga mata niya.

“William!” tawag ko sa pangalan ng kapatid ko na nawalan din ng malay dahil sa mga tinamong bugbog sa katawan niya.

Magkasabay ngang isinugod sa Hospital sila Zandy at ang kapatid ko.

You And Me, Against The WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon