CHAPTER 27

34 4 0
                                    

“YOU AND ME, AGAINST THE WORLD”

(CHAPTER 27)

—MELODY POV—

“Eh sino naman gusto mo maging brides made mo sa kasal niyo ni William?” interesadong tanong ni Jewel habang inaayusan niya ng buhok si Alliah. May triple date kasi kami ngayong tatlo ni Zandy. At ang mga supportive na single naming kaibigan ang nag presinta na mag a-ayos saming tatlo. At least magagamit ni Jewel at ni Chelsea yung pangarap nila na maging make up artist at hair stylist.

“Kayong lima syempre, may iba pa ba?” nakangiting sagot ni Zandy habang tinitignan ang reflection niya sa malaking salamin.

“Pwede ba 'yun?” may pagtatakang tanong ni Rachelle na naka-upo sa sofa.

“Oo, depende naman 'yun sa ikakasal eh. Saka kung hindi pwede, dapat pwede parin.” nakangising pagkakasabi ni Alliah.

Maya maya pa ay umilaw ang screen ng cellphone ko kaya agad ko 'tong tinignan.

'You have 2 unread message'

Agad ko binuksan ang message na natanggap ko. Galing 'yun kay Jessie.

'Nasaan na kayo?' message from My Love, J.

“Nagtatanong sila, kung nasaan na tayo.” saad ko.

“Sabihin mo nagpapaganda pa.” nakangising saad ni Alliah.

'On the way na kami. See you later. I love you' reply ko.

“Hayst sana all nalang talaga, may ka-date. Malapit pa naman na mag Valentines Day. Kawawa naman tayo Chelsea at Jewel. Taga sana all na naman tayo.” malungkot na pagkakasabi ni Rachelle.

“Wait wait lang kayo. Darating din ang lalakeng magmamahal sainyo.” nakangiti kong pagkakasabi.

“Wait wait? Eh halos anim na taon na nga ako nag iintay. Wala parin ba?” sarcastic na pagkakasabi ni Chelsea.“Lord naman, kahit jowa lang sa Valentines Day.” saad ni Chelsea na animoy nagdarasal at nakatingala pa.

——

[Queen's Restaurant]

—JESSIE POV—

“Nag reply na si Melody, on the way na daw sila.” saad ko matapos ko mabasa ang text message ng girlfriend kong si Melody.

Nagpa-reserved kami ng table for six sa isang luxurious restaurant dito sa QC para sa triple date namin ni Melody, William at Zandy na enganged na, sila Alliah at Austin na magiging enganged narin mamaya. Plano narin kasi ni Austin na yayain na pakasalan si Alliah. Para double wedding sila ni Zandy. Yun nga rin sana plano ko, kaso magiging sukob kami ng kapatid kong si William. Kaya ang plano ko ay next year nalang yayain pakasalan si Melody.

“Oo nga pala Bro. congrats sainyong dalawa ni Zandy. Nabalitaan ko rin yung ginawa niyang pakikipag usap kay Dad. She's so brave. Indeed a wife material.” masayang pagbati ko kay William habang pinupuri si Zandy na soon to be sister-in-law ko.

“Thanks Jessie.” nakangiti naman na saad ni William saka tinapik ang balikat ko.

“Ano Austin, mukhang kabado ka ah. Chill ka lang.” puna ni William kay Austin na kanina pa tahimik at panay titig sa binili niyang engagement ring para kay Alliah.

“Ah medyo kinakabahan lang Boss. Baka siya hindi pumayag si Alliah eh. Baka i-reject ako.” nakangising pagkakasabi ni Austin pero bakas sa mukha niya ang tila nangangamba siya.

“Si Alliah? Tatanggihan ang proposal mo? Imposible naman yata mangyari yang Austin. Mahal na mahal ka non'n eh. Narinig mo ba nakaraang araw, panay parinig kung kailan siya ikakasal.” nakangising saad ko.

——

—ZANDY POV—

Ngayon nga ay binabaybay na namin ang kahabaan ng kalsada ng mapansin ko na tila may kotseng sumusunod samin.

“Bakit parang may sumusunod sa'tin?” may pagtatakang tanong ni Alliah na nasa front seat na katabi si Melody na nasa driver's seat. Maging siya rin pala ay napansin 'yun.

Hindi ko batid ngunit nakaramdam ako ng matinding kaba. Kaya agad kong tinawagan si William.

“Hel---”

“I think someone keeps on following us.” natatakot na tono ng boses ko habang tuloy sa pagmamaneho si Melody mailigaw lang ang kotseng sumusunod samin ngunit hindi kami nilulubayan.

“What?!” pagtaas ng tono ng boses ni William at bakas ang pag aalala.

“What happened Bro? Nasaan na sila Zandy?” rinig kong tanong ni Kuya Jessie kay William sa background.

——

[Queen's Restaurant]

—WILLIAM POV—

“May sumusunod daw sa kanila.” saad ko na may pag aalala. Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa at agad na umalis sa restaurant, saka naglakad patungo sa parking lot.

“Nasaan na kayo banda?” nag aalalang tanong ko.

“AAAAAAHHHHH-----” rinig kong sigaw ni Zandy mula sa kabilang linya.

“Zandy! Zandy anong nangyari?!” sobrang pag aalalang tanong ko saka agad na naputol ang tawag. Tatlong beses din ako nakarinig ng putok ng baril.

——

—ZANDY POV—

Mabilis na ang pagmamaneho ni Melody ng kotse niya para lang matakasan ang kung sino man na sumusunod namin. Punong puno narin kami ng takot sa kung ano ang posibleng mangyari saming tatlo.

“Nasaan na kayo banda?” tanong ni William mula sa kabilang linya ngunit agad nalang ako napasigaw ng barilin ng mga humahabol samin ang sasakyan na minamaneho ni Melody. Sa sobrang pagkataranta naman ni Melody ay agad niyang naibangga ang kotse sa punong kahoy.

Sa lakas ng impact ay basag basag ang salamin ng kotse ni Melody. Unti unti din nanlalabo ang paningin ko matapos kong maramdaman ang pag agos ng dugo mula sa noo ko.

Ngunit bago ako tuluyan mawalan ng malay, nakita ko ang apat na lalaking lumapit sa kinaroroonan namin saka binuksan ang pintuan ng kotse.

You And Me, Against The WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon