“YOU AND ME, AGAINST THE WORLD”
(CHAPTER 26)
[TWO WEEKS LATER]
—ZANDY POV—
Everything was seems so perfect. Tuluyan na nga naayos ang relasyon nila William at Don Lawrence bilang mag-ama and soon William will step down from being the leader of Black Pegasus, going strong din ang relasyon namin ni William as well as Melody and Jessie. Meanwhile, officially in a relationship narin sila Austin at Alliah. So, 3 out of 6 samin magkakaibigan ay may mga love life na, waiting nalang doon sa apat.
“Zandy?” isang boses ng lalake ang narinig ko kaya agad akong napalingon. Si Justine, ang masugid kong manliligaw noon.“Zandy ikaw nga, k-kamusta kana?” masaya ang tono ng boses ni Justine ng muli kaming magkitang dalawa.
“Justine? Wow! long time no see.” masayang pagbati ko dito. Maayos naman kasi ang naging huling pag uusap namin ni Justine noon, kahit na ni-reject ko siya.
“Hey hey hey! sino 'tong kausap mo?” biglang sabat ni William na kararating lang matapos na sagutin ang phone call niya kanina. Agad naman niya akong hinawakan sa kamay saka hinila papunta sa likod niya.
“Si Justine, dati kong manliligaw.” mahinahon kong pagkakasabi.
“Dating manliligaw?!” biglang taas ng tono ng boses ni William kaya nagulat din ako, at ang ibang tao sa mall ay pinagtitinginan na kami. Ay nagseselos beybi ko.
“Boyfriend mo ba 'to Zandy?” nakangiting tanong ni Justine sa mababang tono ng boses.
“Anong boyfriend? Asawa ko na 'to, kaya kong may balak ka agawin sa'kin si Zandy. Ayus ayusin mo desisyon mo sa buhay.” tila inis na pagkakasabi ni William at nagbabanta pa yata.
“William...” saway ko.
Napangisi na lamang si Justine at agad narin na nagpaalam sakin na mauuna na siyang umalis dahil may ka-business meeting pa siya.
“Bakit ka natatawa?” seryosong tanong ni William sakin.
—WILLIAM POV—
“Wala, nakakatuwa lang kasi na nagkita ulit kami ni Justine. Alam mo ba, first year college palang ako noong manligaw sakin si Justine ang edad ko noon ay 16 yata. Oh diba, after 9years nagkita ulit kaming dalawa. Muntik ko na nga siya sagutin noon, yun nga lang. Masyadong si Dad, kaya ni-reject ko si Justine. Tingin mo, destiny kami?” nakangising tanong ni Zandy, seryoso ba 'tong babaeng 'to sa tanong niya?!
“Anong destiny pinagsasabi?” sarcastic kong tanong.
“Destiny? Parang sa'tin, coincidence naman.” nakangising saad ni Zandy. Anong kalokohan 'to?! Coincidence daw kami?! Huh?!
“Tayo? Coincidence? Nagpapatawa ka ba Zandy?” seryosong tanong ko. Nakangisi naman na tumango sakin ang girlfriend ko.
“Para sabihin ko sa'yo. Childhood friend tayong dalawa. 15years years tayong hindi nagkita. Nagbakasyon ka sa Quezon Province, nag check in kayo sa La Verde Resort & Hotel na pagmamay-ari ko. Nahulog yung wallet ko, pinulot mo 'yun at sinundan mo 'ko, napagkamalan kitang ispiya kaya kita dinala sa Cassa La Verde. Tapos ngayon sasabihin mo, coincidence? Coincidence lang ba 'yun? Huh?!” nagseselos kong paliwanag.
“Nagseselos ka ba William John Samonte?” nakangising tanong ni Zandy sakin, iniwasan ko naman na magtama ang mga mata naming dalawa.
“Hindi ah.” in denial kong sagot.
“Hmmm nagseselos ang boyfriend ko.” nakangising pagkakasabi ni Zandy.“Alam ko naman na destiny tayo. We're destined for each other.” nakangiting pagkakasabi ni Zandy saka ko siya tinignan.
“Sabi mo coincidence lang?” tila bata akong nagtatampo.
“I love you.” nakangiting pagkakasabi ni Zandy pero hindi ko parin siya tinitignan.
“I said I love you.” muli niyang saad.
“Ayaw naman ako pansinin ng boyfriend ko. Bahal----”
—ZANDY POV—
“Let's get married.” saad ni William ng tumingin siya sakin kaya hindi ko naituloy ang sasabihin ko at agad na natulala sakanya.
Maya maya pa ay may kinuhang maliit na box si William sa bulsa niya, pagkatapos ay agad niya 'tong binuksan sa harapan ko. Isang makinang na pink diamond ring ang bumungad sakin. At muli akong napatingin kay William na nakangiti sakin.
“Can you be my Mrs. William John Samonte?” sincere na tanong ni William sakin habang hawak ang mga kamay ko. Hindi na siya lumuhod pa tulad ng ginagawa ng karamihan ng lalakeng nagpo-propose.
Naramdaman ko naman ang panggigilid ng luha sa mga mata ko. Tears of joy 'to mga bhe.
“Of course, Yes.” nakangiting pagkakasabi ko habang naluluha na.
Agad nga na sinuot ni William ang pink diamond ring sa daliri ko pagkatapos ay agad ko siyang niyakap.
——
[Buena Familia]
—ANTHONY POV—
“Ano Boss, tuloy parin ang plano natin sa anak ni Gen. Daza?” seryosong tanong sakin ni Denmar.
Ibinuga ko muna ang usok ng sigarilyo bago ko sinagot ang tanong ni Denmar.
“Sapat na ang isang linggo para maging masaya silang dalawa. Oras na para dumating ang bangungot ni William.” nakangisi kong pagkakasabi.
BINABASA MO ANG
You And Me, Against The World
ActionZandy Rain Daza is the only daughter of retired AFP General Gilbert Daza. During their vacation in Quezon Province with her officemate/friends. She will meet William John Samonte the leader of Black Pegasus-an illegal organization including Mafia As...