CHAPTER 20

41 3 0
                                    

“YOU AND ME, AGAINST THE WORLD”

(CHAPTER 20)

—MELODY POV—

Nandito ako sa lobby ng hospital, hinihintay ang pagdating ni Jessie at Zandy, sana rin ay kasama nila si William. Nag-aalala din ako para kay Zandy, kaninang umaga lang kasi ng ma-hit and run siya then after an hour dinukot naman ng daddy niya si William. Nang magising si Zandy ay agad silang umalis ni Jessie upang hanapin si William kahit hindi pa siya fully recovered, tumakas lang din si Zandy dito sa hospital para makasama kay Jessie sa paghahanap kay William.

Pasado alas-tres ng hapon, dalawang ambulance ang dumating at agad yun sinalubong ng mga nurse. Nang buksan ang likuran bahagi ng ambulansya ay una kong nakita si Jessie na may bahid pa ng dugo ang suot niyang damit. At agad nga akong lumapit upang salubungin siya. Pero napatigil ako ng makita ko ang lulan ng dalawang stretcher, ang duguan na si William na unconscious habang si Zandy naman ang nasa isa pang stretcher. Nakita ko din doon sa isang ambulansya ang daddy ni Zandy na si uncle Gilbert.

Agad naman lumapit sakin si Jessie saka ako niyakap and I also hugged him back. Maya maya pa ay kumalas narin siya sa pagkakayakap sakin.

“Nagpapasalamat ako dahil ligtas kang nakabalik..” nakangiting pagkakasabi ko habang nakatingin sa mga mata ni Jessie.“Pero si William at si Zandy, what happened to them?” may pag aalalang tanong ko.

“Bigla nalang nag collapse si Zandy kanina.” matamlay na pagki-kwento ni Jessie.

“Si William? What happened to him?” tanong ko muli.

“Binugbog siya ng daddy ni Zandy. Kapag talaga may nangyaring masama sa kapatid ko. Baka makalimutan kong ama siya ng babaeng mahal ng kapatid ko.” seryosong pagkakasabi ni Jessie.

“Let's pray for their fast recoveries.” nakangiting pagkakasabi ko. Tumango naman si Jessie.

<Hacienda La Verde>

—AUSTIN POV—

“Masusunod Señorito Jessie.” saad ko matapos may hinging pabor sa'kin ang kapatid ng Boss William ko na kasalukuyan nasa hospital ngayon. Pagkatapos ay agad narin itong nag end call.

“Ang anak ko bang si Jessie ang kausap mo?” rinig kong boses ng isang lalake kaya agad ako napalingon, si Don Lawrence ang ama nila Boss William at Señorito Jessie na dati rin pinamumunuan ang Black Pegasus.

“Opo Don Lawrence.” magalang kong sagot. “Sige po, mauna na po 'ko.” pagpapaalam ko saka nagsimulang humakbang.

“Sandali.” seryosong pagkakasabi ni Don Lawrence kaya agad akong napatigil sa paghakbang.

“Where's your boss?” seryosong tanong ni Don Lawrence sakin.

[FLASHBACK]

“Nasa Hospital ngayon si William, just in case na magtanong sayo si Dad. Magdahilan kana lang.” saad ni Señorito mula sa kabilang linya.

“B-bakit? Anong nangyari kay Boss William? Sinong nanakit sakanya?” may pag aalalang tanong ko.

“It's a long story. Basta yung bilin ko sa'yo, sundin mo nalang.” seryosong pagkakasabi ni Señorito Jessie.

[END OF FLASHBACK]

“Pasensya na po Don Lawrence, pero hindi ko po alam kung nasaan si Boss William.” nakayukong pagkakasabi ko.

“Ikaw ang kanang kamay ng anak 'ko, pero wala kang idea kung nasaan siya?” sarcastic na tanong ni Don Lawrence sakin.

“Wala rin naman po nabanggit si Boss William kung saan siya pupunta.” pagsisinungaling ko. Sana maniwala sakin.

Hindi na kumibo pa si Don Lawrence, baka naniwala na sa sinabi ko kaya agad narin akong sumikwat.

<Buena Familia>

—ANTHONY POV—

Kasalukuyan ako naglalaro ng golf sa open field ng Hacienda Buena Familia ng makarating sakin ang isang masamang balita tungkol sa Mafia Boss ng Lia Rosa na si Kenjie Russell Madrigal.

He took his own life matapos niyang malaman na ang babaeng kanyang pinatay ay walang iba kundi ang kababatang matagal niya ng gustong makita.

So, rest in hell my dear friend.

——

<Sta. Felicia Medical Hospital Manila>

—ZANDY POV—

Nagising ako na para bang nanggaling ako sa isang masamang panaginip. Bigla kong naisip si William kaya agad akong bumangon kahit nanghihina pa ako saka tinanggal ang nakakabit na dextrose sa kamay ko.

Nagmamadali akong nagtungo sa pintuan pero hahawakan ko palang sana ang door knob ng bumukas na agad ang pintuan at bumangad sakin si Daddy. Nang makita ko siya ay bumalik lamang sa alaala ko kung paano niya pahirapan si William, he looks like a monster.

“Where do you think your going?” seryosong tanong sakin ni Daddy.

“It's none of your business, dad.” sarcastic kong pagkakasabi habang may diin ang huling salitang binigkas ko.

Lalabas na sana ako ng pintuan ng isara niya 'to at humarang siya sa pintuan upang hindi ako makalabas.

“You should rest. Hindi ka pa masyadong magaling. Kanina lang nag collapse ka. Alam mo bang pinag alala mo 'ko? Your mom died due to a heart-attact kaya sana, alagaan mo ang sarili mo.” may pag aalalang sermon ni Dad sakin. Wow just wow dad!

“Talaga, nag alala ka sakin Dad? Kaya pala kanina pati ako gusto mo narin ipapatay sa mga tauhan mo. Pati ako na sarili mong anak pinatutukan mo ng baril sa mga tauhan mo wag lang ako maging sabagal sa gusto mong gawin kay William. Yan ba yung sinasabi mong pag aalala?” sarcastic kong tanong.

“Ayaw ko lang na mapunta ang nag iisang anak kong babae sa lalakeng kapahamakan lamang ang hatid. He's a demon.” malumanay na pagkakasabi ni Dad.

“You judging the book again by it's cover. William isn't a demon nor a monster. He saved my life so many times and the one you called demon is the man that can make your daughter happy.” sarcastic kong pagkakasabi.“And after I saw what you did to him. You just proved to me that your a demon here, not him.” dagdag ko pa.

“Zandy..“ hahawakan sana ako ni Dad pero agad kong nilayo ang kamay ko sakanya.

“Naiintindihan ko naman na ang gusto mo lang ay nasa ligtas lagi ako at malayo sa kapahamakan. Pero Dad, sana intindihin mo rin ako sa nararamdaman ko. Hindi na ako bata Dad, hindi mo na 'ko kailangan pang kontrolin. Kaya ko ng magdesisyon para sa sarili ko. Dad, I'm your daughter hindi ako basta mga tauhan mo lang na kapag may gusto't ayaw ka ay susundin nila agad. May sarili akong desisyon sa buhay Dad. Sana maintindihan mo rin ako.” mahabang paliwanag ko sa mababang tono ng boses.

You And Me, Against The WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon