“YOU AND ME, AGAINST THE WORLD”
(CHAPTER 9)
—ZANDY POV—
Matapos makapag lunch na kasama sila Kuya Jessie, William at Austin, ay inihatid narin ako ni William pabalik sa Cassa La Verde. Siguro nga ang selfish ko sa ginagawa ko ngayon, pero hindi ko lang talaga kayang iwan si William lalo pa't nalaman ko na ang mga pinagdaraanan niya sa sariling niyang ama. He doesn't want to be a leader of Black Pegasus but his dad forced him to do so. And I'm willing to help him para makaalis sa Black Pegasus.
Itinigil ni William ang kotse sa tapat ng gate, nauna siyang bumaba ng kotse habang ako ay kasalukuyan ko pang tinatanggal ang seatbelt ko na medyo humigpit yata at hindi matanggal. Binuksan ni William ang pintuan sa gilid ko at saka siya lumapit ng husto sakin upang tulungan ako sa pagtatanggal ng seatbelt ko.
Pigil ang paghinga ko ng mga sandaling 'yun lalo pa ng iangat na ni William ang ulo niya at magtama ang mga mata namin dalawa. Halos isang hibla ng buhok nalang yata ang pagitan ng mga labi naming dalawa.
Medyo nakakailang na ang tagpong 'yun kaya inilaban ko ang tingin ko.
“Ok na..natanggal ko na.” saad ni William habang tila hindi inaalis ang tingin sakin.
“O-ok...” nauutal ko pang bigkas.
Agad ng umatras si William upang makalabas na ako ng kotse. Inilahad niya ang kamay niya sakin upang alalayan ako sa pagbaba.
Halos nakatingin naman lahat ng ibang nakatambay sa labas. Maging ilang nanay-nanay na nagbi-bingo sa gilid.
—WILLIAM POV—
“Kailangan ko munang pumunta sa Hacienda La Verde, pinapapunta kasi ako ni Dad. Dito ka lang, at kung maaari sana wag ka lalabas ng bahay. Pag alis ko i-lock mo nalang yung gate at yung pinto. Papapuntahin ko dito si Austin para mabantayan ka. Hindi rin kasi ako masyadong tiwala sa mga kapitbahay. Kaya mas magiging kampante ako kung susunod ka sa mga sinasabi ko.” bilin ko kay Zandy habang nandito pa kami sa labas ng gate.
“Opo, masusunod po.” nakangiting sagot niya at inayos pa ang buhok ko.
“Asawa ba ni Señorito William yung babaeng kasama niya?” rinig kong tanong ng isang babae sa kausap niya.
“Siguro, pero wala naman akong nabalitaan na ikinasal siya eh.” sagot ng isa pa.
Bago ako umalis ay hinagkan ko pa si Zandy sa noo. Kaya halos lahat ng tao sa labas na nakakakita samin ay nakatunganga na.
“Bye..” masayang paalam ni Zandy ngumiti ako sakanya saka ko binuksan ang pintuan ng kotse ko.
—ZANDY POV—
Tinanaw ko pa ang sasakyan ni William hanggang tuluyan ng mawala sa paningin ko bago ako pumasok sa gate.
“Ms. sandali!” rinig kong sigaw ng Ale kaya ako agad na napalingon.
“B-bakit po?” nagtataka ngunit may paggalang kong sagot.
“Si Señorito William ba at ikaw..” nakangising tanong ng ale saka pinagdikit ang dalawang daliri niya.
“Ang sabi niya, kung mag asawa ba kayo ni Señorito William.” sabat ng isa pang babae.
[FLASHBACK]
“Kung meron magtatanong sayo na taga Cassa La Verde tungkol sa kung anong relasyon natin. Sabihin mo mag-asawa tayong dalawa.” saad ni William habang nagmamaneho siya ng kotse.
“Huh?!” gulat kong reaction.
“Basta sumunod kana lang. At wag ka ng magtanong kung bakit.” seryoso niyang pagkakasabi ko.
Ay wow instant asawa agad? Real quick!
[END OF FLASHBACK]
“Oo. Mag asawa nga kaming dalawa ni William.” saad ko. Grrrr I hate this!
“Sabi na nga ba eh. Pero bakit nitong nakaraang araw, bakit parang gusto mong takasan si Señorito William?” pagtatakang tanong ng babaeng maedad na.“Alam mo bang sobrang pag aalala niya sa'yo.” muling saad niya.
“Nag-alala siya?” pagtataka ko.
“Oo, noong bagong dating kalang dito sa Cassa La Verde, tapos kinabukasan diba nagmamadali kang umalis. Sobrang pag aalala niya dahil baka daw makarating ka sa boarding line ng Buena Familia. Saka kanina din, noong may humahabol yata sa'yo.” pagki-kwento ng babas. “Pero bakit ka nga ba hinahabol ng dalawang lalakeng 'yun? May atraso ka ba sakanila?” tanong niya muli.
“Ah it's a long story po kasi. Sige po, maiwan ko na po kayo. Pasok na po ako.” magalang na pagpapaalam ko. Pagpasok ko sa gate ay agad ko 'tong sinara.
Wala pang isang oras ay nakarinig ako ng pag doorbell sa gate.
——
<Hacienda La Verde>
—WILLIAM POV—
“Ano?!” gulat kong reaction matapos akong tawagan ni Austin at ibalita sakin na wala si Zandy sa bahay.
“Boss William..makalat din dito sa loob ng bahay. Ang sabi ng mga nakakita. Apat na lalake daw ang sapilitan na kumuha kay Zandy. Gustuhin man nilang pumagitna pero naunahan sila ng takot dahil armado ng baril ang mga kumuha kay Zandy.” pagbabalita ni Austin.
“Fuck!” nagngingitngit sa galit na pagkakasabi ko kasabay ng paghagis ko ng baso ng alak na kanina ay iniinum ko. Agad naman nagsipasukan sa silid ang ilang tauhan ko.
“Boss ayos lang ka'yo?” may pag aalalang tanong ni Daniel sakin.
“Ihanda niyo yung sasakyan, may susugurin ako. Hayop ka Anthony! Sisiguraduhin kong sasabog ang utak mo sa sahig sa oras na saktan mo o idampi mo ang kamay mo kay Zandy.” nanggigigil sa galit na pagkakasabi ko.
Nagmamadali akong umalis sa Hacienda La Verde upang magtungo sa Buena Familia at harapin ang hayop na Anthony na 'yun at bawiin si Zandy.
<Buena Familia>
—ZANDY POV—
“Napakaganda pala talaga ng unica ija ni Gilbert. Pero mukhang hindi na niya ulit makikita ang magandang anak niya.” sarcastic na pagkakasabi ng lalakeng may ekis sa pisngi at isang mala-demonyong ngiti ang gumuhit sa labi niya. Habang hawak ng mahigpit ang magkabilang braso ko ng dalawang lalakeng mas mataas pa sakin. Maya maya pa ay ikinasa na niya ang baril niya at itinutok ito sa ulo ko. At unti unti na nga akong nabalot ng takot ng mga sandaling 'yun. Pakiramdam ko ay katapusan ko na at wala na akong ligtas pa.
William please save me..
“Any last wish?” nakangising saad ng lalake. Naramdaman ko nalang ang pag dampi ng luha sa pisngi ko.
“Don't you dare to touch my wife!” rinig kong singhal ng isang lakake, pamilyar ang boses na yun at agad akong napalingon.
“William..” sambit ko at nagkaroon ako muli ng pag-asa na makakaligtas ako mula sa kamatayan.
BINABASA MO ANG
You And Me, Against The World
AksiZandy Rain Daza is the only daughter of retired AFP General Gilbert Daza. During their vacation in Quezon Province with her officemate/friends. She will meet William John Samonte the leader of Black Pegasus-an illegal organization including Mafia As...