“YOU AND ME, AGAINST THE WORLD”
(CHAPTER 24)
—AUSTIN POV—
“Señorito, kamusta si Boss William?” may pag aalalang tanong ko kay Señorito ng masalubong ko siya sa hardin ng Hacienda La Verde.
“He's ok. Magkasama sila ni Zandy ngayon. Pero within this week, babalik narin 'yun dito.” seryosong pagkakasabi ni Señorito Jessie.
“Mabuti naman kung ganun.” nakangiting pagkakasabi ko.
“Siya nga pala, alam mo bang magkakaibigan sila Zandy, Melody at yung wallpaper mo sa cellphone mo na si Alliah?” seryosong tanong ni Señorito Jessie na ikinagulat ko.
“M-magkakaibigan sila?” muli kong tanong.
“Oo, ang liit ng mundo hindi ba? Magkakasama pala silang nagbakasyon sa La Verde Resort ng araw na 'yun.” nakangising pagkakasabi ni Señorito Jessie.
“Nasabi ba niya kung kailan ulit sila babalik dito?” malumanay kong tanong. 'cause I really miss her.
“Wala, pero wag kang mag alala. May ibibigay ako sa'yo.” nakangiting saad ni Señorito saka may kinuhang papel sa bulsa niya at ibinigay sakin. Tinaggap ko 'to na may pagtataka. Binuksan ko ang nakatiklop na papel at labing-isang numero ang nakita kong nakasulat sa piraso ng papel.
“Contact number yan ni Alliah, si Melody ang nagbigay sa'kin niyan para maibigay ko daw sa'yo.” saad ni Señorito.
Nang matanggap ko 'yun ay agad kong tinawagan ang numero ni Alliah.
“Hi.” yun agad ang unang lumabas sa na salita sa labi ko ng sagutin ni Alliah ang tawag ko.
“Sino 'to?” mahinanon niyang tanong. At para bang tila isang musika ang boses niya sa tenga ko.
“Ah..si Austin 'to.” nakangiting sagot ko. Hindi naman siya agad nakasagot. Hindi niya yata ako gustong kausap.“Pasensya kana kung naistorbo kita.” paghingi ko ng paumanhin.
“Ah..h-hindi ano..ahm..ayos lang..saan mo nga pala nakuha number ko?” nauutal na tanong ni Alliah mula sa kabilang linya. She's so cute.
“Si Señorito Jessie ang nagbigay sakin. Ipinabigay daw ng girlfriend niyang si Melody.” paliwanag ko. “Galit ka ba?” mahinahon kong tanong.
—ALLIAH POV—
Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na hindi kiligin habang kausap ko si Austin bebeh ko sa kabilang linya.
“Si Señorito Jessie ang nagbigay sakin. Ipinabigay daw ng girlfriend niyang si Melody.” saad ni Austin sa kabilang linya. Loko talaga 'yun si Melody, pero thank you.
“Galit ka ba?” mahinahon niyan tanong sakin.
“Naku..H-hindi. Hindi ako galit, and why would I?” nakangiti kong pagkakasabi ko. Hindi naman talaga ako galit, tuwang tuwa pa nga ako eh.
“Ah akala ko kasi galit ka sa biglaang pagtawag ko sa'yo.” saad ni Austin. Grabe, kahit mukang boring 'tong pag uusap namin ok lang. Basta siya kausap ko.
“Kamusta ka naman?” malambing na tanong niya sa'kin. Ito mamamatay na yata sa kilig.
“Ayos lang ako, ito day off. Kaya nandito lang ako sa bahay.” sagot ko. “Ikaw? kamusta ka naman?” tanong ko.
“Ayos lang din naman. Humihinga pa.” sagot ni Austin sa kabilang linya.
“Is it true? Isa ka sa mga tauhan at kanang kamay ni William? So nagta-trabaho karin sa Black Pegasus?” interesadong tanong ko.
“Oo. Dahil dating personal bodyguard ni Don Lawrence na ama nila Boss William at Señorito Jessie, ang ama ko. Kaya naman buong buo ang katapatan ko sa mga Samonte. Lalo na kay Boss William.” pagki-kwento ni Austin.
“Ah ganun ba, bakit ka naman tinawag na Werewolf? Umaalolong ka ba sa gabi?” seryosong tanong ko agad naman natawa si Austin sa kabilang linya. Bahagya rin akong natawa ng marealize ko yung tanong ko. Kaloka, umaalolong sa gabi. “Saka si Jessie, sa Black Pegasus din ba siya? o kayong dalawa lang ni William?” muli kong tanong.
“Yun ang naging code name ko sa Black Pegasus, magaling din kasi akong umasinta at matalas din ang pangdinig. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo kung ano ang Black Pegasus. Ngunit gayun pa man, si Boss William ay hindi masamang tao. Ngunit kaya niyang pumatay kung nasa panganib ang mahal niya. Si Señorito Jessie, hindi siya parte ng Black Pegasus.” mahabang paliwanag ni Austin.
“Ah now I know.” maikli kong sagot.
“Ngayon alam mo na, nagbago ba 'yung tingin mo sakin?” seryosong tanong ni Austin dahil upang hindi kaagad ako makasagot. Anong ibig niyang sabihin na kung hindi nagbago ang tingin ko sakanya? Aware ba siyang may gusto ako sakanya?!
“H-hindi. Tulad nga ng sinabi mo, hinding masamang tao si William at alam kong ganun ka rin.” matapos ang ilang segundong pananahimik ay nakasagot din ako sa tanong niya.
“Ibig sabihin, gusto mo parin ako? Kahit alam mo na 'yung totoo?” muli niyang tanong sakin. OMGGG mukhang aware nga siya?! What should I say?
“Ah...”
“I know that you like me. Don't worry, the feelings is mutual.” malambing na pagkakasabi ni Austin dahilan upang bumilis ang tibok ng puso ko. Napasubsub nalang ako sa malambot na unan habang kinikilig.
“Are you still with me?” tanong ni Austin ng mapansin na hindi na ako nakapag salita sa huling sinabi niya.
“Y-yes..” nauutal ko pang sagot habang kinikilig parin. Jusmeyo marimar.
BINABASA MO ANG
You And Me, Against The World
ActionZandy Rain Daza is the only daughter of retired AFP General Gilbert Daza. During their vacation in Quezon Province with her officemate/friends. She will meet William John Samonte the leader of Black Pegasus-an illegal organization including Mafia As...