CHAPTER 3

99 9 0
                                    

“YOU AND ME, AGAINS THE WORLD”

(CHAPTER 3)

—ZANDY POV—

Agad ngang lumabas ng silid ko ang kupal na 'yun. At dinalhan pa talaga ako ng pagkain, ano yun? huling kain ko bago ako patayin o kung ano pa man. Ah..siguro may balak siyang lasunin ako.

Muli akong napasilip sa bintana dito sa silid, anong meron sa Village na 'to? Mukha naman maayos ang mga tao sa labas. Kung sa kanila kaya ako humingi ng tulong. Pero hindi, baka trap 'to. Baka kasabwat din sila ng lalakeng dumukot sakin. Tapos palihim akong binabantayan. Aba mautak din pala ang kupal na 'yun. Akala naman niya maiisahan niya 'ko. Kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas ako.

—JEWEL POV—

24 hours na ang nakakalipas magmula ng mawala si Zandy, ibig sabihin isang araw na siyang nawawala. Agad na nga kaming nagtungo sa Police Station upang mag report. Kabado na kami dahil puno kami ng pag-aalala sa kaibigan namin at ang takot sa posibleng masamang mangyari sakanya. Tinawagan narin namin si Uncle Gilbert at sinabi ang nangyari kay Zandy.

“Anong sabi ng daddy ni Zandy?” malumanay na tanong ni Chelsea.

“Papunta na sila rito. Kasama niya ang mga dating tauhan niya noong AFP General pa siya. Para daw mas mapabilis ang paghahanap kay Zandy.” sagot ni Alliah.

“Nasaan na kaya si Zandy? Sana nasa maayos lang siyang kalagayan.” naluluhang pagkakasabi ni Melody hinawakan ko naman ang kamay ni Melody upang patatagin ang loob niya. Melody has an anxiety, nahihirapan siyang huminga whenever she's anxious.

——

—ZANDY POV—

“Black Pegasus?” sambit ko ng may makitang white folder sa ilalim ng kama dito sa silid.

[FLASHBACK: 8YEARS AGO]

“Mom, ano yung Black Pegasus?” may pagtataka kong tanong kay Mommy. Bahagya naman siyang napatigil sa pagbe-blender niya ng fresh fruit saka tumingin sakin.

“Saan mo naman narinig yan?” seryosong tanong sakin ni Mommy.

“Kay Daddy, may kausap kasi siya sa phonecall then I heard him saying Black Pegasus. I'm curious about it, so I asked you Mom.” saad ko sabay kagat ng green apple na nasa harapan ko.

“Black Pegasus is an illegal organization. Kasapi nito ang ilang Mafia Association, NPA and even Terrorist Group. Yun ang mortal na kalaban na kalaban ng gobyerno.” pagki-kwento ni Mommy.

[END OF FLASHBACK]

Napatakip nalang ako ng bibig ko ng mapagtanto na maaaring ang lalakeng dumukot sakin at nagdala sakin dito ay miyembro o baka leader ng Black Pegasus. Kung ganun, kailangan ko na agad na makatakas dito. Isang araw na magmula na ma-kidnapped ako, hindi na dapat ako magtagal pa dito.

Sumilip ako sa bintana mula sa kwarto. Wala naman mga nagbabantay sa labas. Kaya agad akong lumabas ng pintuan ng kwarto at agad na tinungo ang main door.

——

—WILLIAM POV—

“Aalis kana naman ba William?” seryosong tanong sakin ng Daddy ko bahagya naman ako napatigil sa paghakbang at agad siyang nilingon.

“I have something to do, Dad.” seryosong sagot ko.

“Anong silbi ng mga tauhan mo? Bakit hindi mo nalang sakanila iutos?” sarcastic naman na sabat ni Jessie, ang panganay kong kapatid na lalake.

“Hindi na kailangan, kaya ko na 'to ng mag isa.” paninindigan ko at agad ng lumabas ng Black Pegasus HQ.

Patungo ako ngayon sa Cassa La Verde kung saan doon ko itinatago ang babaeng bihag ko. Hindi ko pa alam kung anong meron sa pagkatao niya kaya hindi ko muna siya pwedeng basta basta pakawalan. Kung bakit ko siya doon dinala ay para mailayo siya sa ibang miyembro ng Black Pegasus. Dahil kung hindi totoong ispiya ang babaen 'yun, kailangan ko parin siya mapalagaan sa mga kasapi ng Black Pegasus lalo na sa Buena Familia na isang Mafia Association.

Ang Cassa La Verde ay ang malawak na village na pagmamay ari ng grandfather ko. Sa'min din ang La Verde Resort & Hotel. Ang mga nakatira doon ay dating magsasaka sa bukid ng grandfather ko hanggang sa mabiyayaan sila ng sariling lupain at tinawag nga na Cassa La Verde.

——

Pagdating ko sa bahay kung saan ko siya dinala ay wala na siya doon. Naiwan din nakabukas ang pintuan sa back door at malamang ay doon siya dumaan.

Nagmamadali akong lumabas ng salubungin ako ng isang babaeng maedad na at siguro ay nasa late 50's na.

“Hinahanap mo ba yung magandang babae?” malumanay na tanong sakin ng maedad na babae. Agad naman akong tumango bilang sagot.

“Nagmamadali siyang umalis kanina.” saad ng maedad na babae.

“Nasaan siya nagpunta?” agad kong tanong. Nakaramdam narin ako ng kaba dahil baka makarating ang babaeng yun sa border line ng Buena Familia. Mahigpit na pinagbabawal ang sino mang hindi awtorisadong tao ang lumagpas sa border line ng Buena Familia.

Nagmamadali akong bumalik sa kotse ko at agad akong sinalubong ni Austin.

“Boss may kailangan kang malaman.” agad na bungad ni Austin sakin.

“Nagmamadali ako, mamaya na yang sasabihin mo.” seryosong pagkakasabi ko at agad na binuksan ang pintuan ng kotse saka 'to pinaandar.

You And Me, Against The WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon