“YOU AND ME, AGAINST THE WORLD”
(CHAPTER 21)
—WILLIAM POV—
Nagising na lamang ako na nasa isang silid ako. Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid, puro puti ang palibot ng silid. Nahagip din ng mata ko ang kapatid kong si Jessie na tila may kausap sa cellphone habang nakatayo malapit sa bintana.
Dahan dahan akong bumangon at sinandal ang likod ko sa headboard ng hospital bed kahit masakit pa ang buong katawan ko dahil sa pagkakabugbog sakin.
“Oh! Bro, mabuti naman at nagising kana. Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo? Saglit lang at tatawag ako ng doctor.” dire-diretsong pagsasalita ni Jessie.
“Kamusta si Zandy? Maayos lang ba siya? Gusto ko siyang makita. Dalhin mo 'ko sakanya.” mahinahon na pagkakasabi ko.
“Sabi ni Melody, nagising na daw si Zandy at maayos lang naman siya. Tulad mo ay nagpapagaling din. Kaya sana wag ka naman makulit tulad ng girlfriend mo. Pag sinabing magpahing ka, magpahinga ka lang.” pane-nermon sakin ni Jessie at tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib ng malaman kong nasa maayos na kalagayan ang babaeng mahal ko. Ngunit hindi parin sakin sapat na alam kong ok na siya, gusto ko parin siyang makita. Gusto ko siyang mayakap.
“Jessie please..I want to see her. Dalhin mo 'ko sakanya please.” pakiusap ko sa kapatid ko.
“Ok..ok sige dadalhin kita sakanya. Pero after no'n, babalik kana dito sa ward mo para dito ka magpagaling. Tumawag sakin si Austin kanina, our dad keep asking him kung nasaan lupalop ka ng mundo.” saad ni Jessie.
Lumapit na sakin si Jessie para alalayan akong tumayo ng bumukas ang pintuan ng silid ko at isang anghel ang nakita ko, walang iba kundi si Zandy. Pero may kasama siya...her Dad.
Mabilis na bumunot ng baril si Jessie pero agad ko 'tong pinigilan. Saka siya tumingin sakin.
“Pasalamat ka nagising pa 'tong kapatid ko, dahil kung hindi sisiguraduhin kong may kalalagyan ka rin. Kahit ama ka pa ng babaeng mahal ng kapatid ko, kayang kaya kitang pabagsakin.” may pagbabantang pagkakasabi ni Jessie. Ngunit tahimik lamang ang daddy ni Zandy.
——
—GILBERT POV—
“....Dad, I'm your daughter hindi ako basta mga tauhan mo lang na kapag may gusto't ayaw ka ay susundin nila agad. May sarili akong desisyon sa buhay Dad. Sana maintindihan mo rin ako.” paliwanag ng anak ko dahilan upang makaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Tila napasobra ako sa pagiging mahigpit sa anak 'ko at tuluyan na ngang umabot sa punto na baka kamuhian niya na ako bilang kanyang ama. Alam ko rin naman na may pagkakamali ako, nadala lang talaga siguro ako ng galit ko sa pamilya ni William, lalo pa't may kinalaman ang ama niyang si Lawrence sa pagkamatay ng ilang kasamahan ko sa AFP noon. Pero hindi naman kasalanan ng anak kung ano man ang nagawa ng kanyang mga magulang.
“Patawarin mo 'ko, Zandy.” sincere kong paghingi ng tawad sa nag iisa kong babaeng anak.“Hindi ko sinasadya, patawarin mo 'ko kung masyado rin ako naging makasarili. Anak sana matapatawad mo si Daddy.” nanggigigilid narin ang mga luha ko habang sinasambit ang mga salitang 'yun. At halos lumuhod narin ako sa harapan ng anak 'ko pero agad niya akong pinigilan.
“I'm so sorry too Dad..if I'm being selfish and childish again.” naiiyak narin na paghingi ng tawad ni Zandy sakin. “Pero hindi ka lang dapat sakin humingi ng sorry Dad..” saad ni Zandy.
“I know sweetie..I know.” saad ko saka ako niyakap ng anak ko.
——
—ZANDY POV—
“William, mahal mo ba talaga ang anak ko?” mahinahon ngunit may laman na tanong ni Dad kay William bahagya naman ako napatingin kay Dad.
“Mahal na mahal ko po ang anak niyo. At kahit ilang beses niyo pa ako ipabugbug sa mga tauhan niyo, hindi parin magbabago ang sagot ko. Hindi parin magbabago ang pagmamahal ko kay Zandy.” may paninindigan na sagot ni William habang sa'kin nakakatitig na mas lalong nagpalambot ng puso ko. Ano ba William, kinikilig ako!
“Kung ganun, hindi ko na hahadlangan ang pagmamahalan niyong dalawa ng anak ko. Basta ipangako mo lang sa'kin na hinding hindi mo paiiyakin o sasaktan ang nag iisang prinsesa ko.” nakangiting saad ni Daddy saka siya tumingin sakin. At parang maiiyak na naman ako ng mga sandaling 'yun, sa wakas natanggap narin ni Daddy ang relasyon namin ni William.
“Pinapangako ko po yan sainyo, General.” saad ni William. He's so cute kahit may bangas parin ang mukha niya.
“Welcome to the family, William.” saad ni Daddy saka inilahad ang kamay niya kay William na agad naman tinanggap ni William. “Gusto ko rin humingi ng despensa sa nangyari. Pasensya kana.” paghingi ng tawad ni Daddy.
“Kalimutan nalang natin ang pangyayaring 'yun.” saad ni William saka bumitaw mula sa pagkikipagkamay kay Daddy.
Ilang saglit pa ay nagpaalam narin si Daddy na uuwe na siya, samantalang lumabas din muna si Kuya Jessie ng silid ni William para magkaroon kami ng privacy.
—WILLIAM POV—
Nang makaalis na si Jessie at si Gen. Gilbert, ay saka naupo si Zandy sa gilid ng hospital bed ko saka hinawakan ang kamay ko.
“Akala ko talaga hindi na tayo magkikita ulit. Sobrang natakot ako.” saad ni Zandy habang nakatingin sa kamay ko na hawak niya.
“Wala ka dapat ikatakot, dahil hinding hindi naman ako mawawala sayo mahal ko.” malambing kong pagkakasabi agad naman siyang tumingin sakin.
“Promise?” tila paniniguro niya pa.
“I promise.” nakangiti ko naman sagot at saka ko inilapit ang mukha ko kay Zandy upang hagkan siya labi.
—JESSIE POV—
Agad akong bumalik sa silid ni William ng mapansin kong nakalimutan ko pala ang cellphone ko sa coffee table. Ngunit pagbukas ko ng pintuan, nakita kong mahimbing ang pagkakatulog ni Zandy habang nakaunan sa braso ni William at nakayakap din dito, mahimbing din ang pagkakatulog ng kapatid ko habang katabi niya si Zandy. Nagkasya sila sa iisang hospital bed. Bahagya na lamang akong napangiti ng makita silang dalawa. I'm so happy for my favorite younger brother and to my sister-in-law.
BINABASA MO ANG
You And Me, Against The World
ActionZandy Rain Daza is the only daughter of retired AFP General Gilbert Daza. During their vacation in Quezon Province with her officemate/friends. She will meet William John Samonte the leader of Black Pegasus-an illegal organization including Mafia As...