CHAPTER 29

42 3 0
                                    

“YOU AND ME, AGAINST THE WORLD”

(CHAPTER 29)

—WILLIAM POV—

Pagdating sa nasabing lokasyon ay agad kami naghiwa-hiwalay upang mapabilis ang paghahanap kila Alliah, Melody at sa fiancee kong si Zandy.

Pinaputakan namin ang lahat ng nagnanaisi na humarap sa dinaraanan namin. Sa likod ako ng gusali dumaan, habang sila Jessie at Austin ay pumasok sa isang pintuan.

Eksakto naman na nagkasalubong kami ni Anthony, sinasabi ko na nga ba. Si Anthony ang nagpakidnapped kay Zandy at sa dalawa pa nitong kaibigan.

“William.” nakangising pagbati sakin ni Anthony. Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad siyang tinutukan ng baril ngunit ngumisi lang 'to sakin, hanggang sa maramdaman ko ang tila matigas na bagay na dumampi sa likurang bahagi ng ulo ko. Unti unti kong ibinaba ang hawak kong baril sa sahig ngunit ng makahanap ako ng tyempo ay agad kong pinatid si Dennis saka mabilis na inagaw sakanya ang hawak niya baril at hindi na ako nagdalawang isip pa at pinaputukan 'to sa paa at sa braso, saka ako muling bumaling ng tingin kay Anthony.

—MELODY POV—

Makailang beses kami nakarinig ng alingaw-ngaw ng putok ng baril. Maya maya pa ay nakarinig din ako ng yabag ng sapatos kaya napatigil ako sa paghakbang. Nagulat nalang ako ng mula sa likuran ko ay may humila sa kamay ko at pagharap ko ay agad na tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay niya. Ang takot na naramdaman ko ay nawala ng makita ko na ang mukha ng lalakeng nasa harapan ko...si Jessie. Naiiyak akong agad na napayakap sakanya.

Nagmamadali kaming bumaba sa unang palapag ng gusali. Kung saan nasa lubong namin si Austin at agad nga siyang niyakap ni Alliah.

“Si William? Kasama niyo ba siya?” may pag aalalang tanong ni Zandy, maging ako ay yun din ang gustong itanong.

“Naghiwa-hiwalay kami kanina para mabilis namin kayong mahanap.” saad ni Austin.

—WILLIAM POV—

May isang tama narin ako ng bala ng baril sa braso ng madaplisan ako kanina habang nakikipag barilan sa mga alagad ni Anthony. Ngunit hindi ako susuko hanggat hindi ko napapatahimik si Anthony. Ang laki ng kasalanan ng lalakeng 'to sa'kin. Minsan niya ng dinukot noon si Zandy, at muli niya 'yun ginawa ngayon. Kung noon nagawa ko lamang siyang takutin, pero ngayon hindi lang pananakot ang gagawin ko sakanya.

Iniwan ko si Anthony na nakahandusay sa sahig matapos kong ubusin sa katawan niya ang bala ng 45 Caliber kong hawak.

Saka ko agad na hinanap sila Zandy. Agad akong pumasok sa main door ng gusali, kung saan nasalubong ko sila Jessie na akay akay si Melody, si Austin na inaalalayan din sa paglalakad ang nanghihinang si Alliah at ang nasa likod na si Zandy, na malayo palang ay natatanaw ko na ang mala-anghel niyang mukha. May sugat din siya sa noo at galos sa katawan tulad nila Alliah at Melody. Patakbo kong tinungo si Zandy at agad siyang mahigpit na niyakap. Umiiyak siya na niyakap ako at ramdam ko ang takot sa bawat paghikbi niya.

“You're safe now, my love.” saad ko habang yakap yakap si Zandy na patuloy sa pag iyak.

—ALLIAH POV—

Agad kaming lumabas ng gusali kung saan natanaw ko na ang pagdating ng mga Police at ng Ambulansya. Naroroon din sila Chelsea, Rachelle at Jewel kasama ng mga police. Lagi nalang silang huli.

Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Austin sa kamay ko. Kaya agad ako nasulyap sakanya habang naglalakad kami.

“Hindi ko kakayanin kapag nawala ka sakin.” saad niya kasabay ng pagpatak ng luha ko.“Nag alala ako ng sobra.” saad niya muli saka pinunasan ang luha sa pisngi ko.

—AUSTIN POV—

Agad nga kaming sinalubong ng Medic ng makalabas na kami ng gusali. Akala ko ay tuluyan ng natapos ang masamang panaginip na 'to ngunit hindi pa pala. Nahagip ng mata ko ang isang lalake mula sa kabilang dulo ng hallway ng gusali habang ang baril niya ay akmang nakatutok kay Alliah.

“Alliah!” sigaw ko at agad kinabig pakabila si Alliah at isang alingaw-ngaw ng putok ng baril ang narinig sa buong paligid at naramdaman ko na lamang ang may kung anong tumama sa likod ko.

—ALLIAH POV—

Pasakay na sana ako sa ambulance ng marinig ko ang pagtawag ni Austin sa pangalan ko kaya agad ko siyang nilingon sa likod ko na may ilang dipa ang layo sakin.

Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong kabigin pakaliwa, nanlake ang mata ko sa pagbigla ng mismong makita ang pagtama ng baril sa likod niya. Agad nga siyang napasubsub sakin kung saan ay sabay kaming bumagsak sa lupa.

“Austin!” magkakasabay naming bigkas.

Agad naman sinugod ng kapulisan kung saan nanggaling ang putok ng baril.

——

Agad na isinakay si Austin sa ambulansya upang dalhin sa pinakamalapit na hospital. Habang sakay ng ambulansya, may kinuhang box si Austin sa bulsa niya at kahit nanghihina ay binuksan niya 'to sa harapan ko kung saan isang singsing ang tumambad sa'kin.

“Austin...” naluluhang sambit ko sa pangalan niya.

“W-will...will..y-you..m-marry m-me?” nauutal na saad ni Austin habang tila hinahabol niya ang hininga niya.

Umiiyak naman ako na tumango sakanya. Hinawakan niya ang isang kamay ko saka isinuot sa daliri ko ang engagement ring.

“I..I-love..y-you..” nanghihinang pagkakasabi ni Austin..

“I love you too...I really do..” umiiyak kong pagkakasabi habang hawak ang kamay ni Austin.

You And Me, Against The WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon