CHAPTER 5

86 7 0
                                    

“YOU AND ME, AGAINST THE WORLD”

(CHAPTER 5)

—WILLIAM POV—

“Ang tagal mo naman yatang lumabas Bro. tinago mo ba ng mabuti si Zandy?” sarcastic na tanong ni Jessie at ngumisi pa. He's older than me but I prefer to called him by his name.

“Anong ginawa mo dito?” seryosong tanong ko.

“Gusto ko lang din makita si Zandy, gusto ko siyang kamustahin. Bawal ba?” nakangising pagkakasabi ni Jessie.

“Zandy is not here. At hindi pa kami nagkikitang da----”

“C'mon Bro, you can lie to our father at sa iba bang miyembro ng Black Pegasus. Pero hindi sakin. Hindi ka makakapag sinungaling sakin William.” pagputol ni Jessie sa pagsasalita ko.

—JESSIE POV—

“So where is she?” nakangiting tanong ko.

“Wala nga siya dito.” tumaas na ang tono ng boses ni William ng mga sandaling 'yun. I know he only wants to protect Zandy from the other member of Black Pegasus especially the Buena Familia.

“Bro. mapagkakatiwalaan mo 'ko. Alam kong pino-protektahan mo lang din si Zandy. At kaya ko rin gawin 'yun. Kaya ko rin protektahan si Zandy kung 'yun ang makakapagpanatag ng kalooban mo. Alam mo naman simula mga bata pa lamang tayo kakampi mo na 'ko. At alam ko rin kung gaano mo kagusto si Zandy noon pa man. At sino ako para humadlang sa inyong dalawa? Mapagkakatiwalaan mo 'ko Bro. walang ibang makakaalam ng lihim mong 'to. Pero kailangan mo parin mag ingat. Hindi basta babae lang si Zandy, anak siya ng mortal ni AFP General. Kapag nalaman 'yun ng Buena Familia sigurado akong gagamitin nila si Zandy laban sa sarili niyang ama at sa gobyerno.” mahabang paliwanag ko.

Sa magkakapatid kasi, si William ang pinaka-malapit sakin kahit noong mga bata pa lamang kami. Mahal na mahal ko ang kapatid kong si William, kaya naman hindi ko hahayaan na mapahamak silang dalawa ni Zandy lalo pa't alam ko rin kung gaano kamahal ng kapatid ko ang childhood friend niya.

“Pasensya na kung napagtaasan kita ng boses.” mahinahon na pagkakasabi ni William, tinapik ko lamang siya sa braso saka ngumiti sakanya.

—ZANDY POV—

Ilang sandali pa ay narinig kong bumukas ang pintuan sa main door.

“Zandy, may gusto mangamusta sa'yo.” rinig kong saad ni William. Sa tono ng boses niya ay mukha naman walang naging problema sa pakikipag usap niya sa kung sino man ang nasa labas kanina. Pero sino ang gustong mangamusta sakin?

Ilang saglit pa ay binuksan ko na pintuan sa kwarto at saka ako lumabas.

“Zandy Rain Daza, long time no see.” nakangiting bati sakin ng isang lalake na halos ka-height lang ni William. Magkamukha din silang dalawa lalo na sa tangos ng ilong. Pamilyar siya sakin pero hindi ko lang matandaan ang pangalan niya o kung saan kami unang nagkita noon.

“Matagal na kasi mula ng huling pagkikita natin kaya siguro hindi mo na 'ko matandaan. Kaya sige, magpapakilala na lang ako. I'm Jessie Herwin Samonte. William John's older brother.” nakangiting saad ng lalake—si kuya Jessie sabay lahad ng kamay sakin nakangiti naman akong inabot ang kamay niya at nakipag kamay.

“Si Kuya Jessie ba yung tao sa labas kanina? Eh kung siya naman pala bakit nagmamadali pa tayo pumasok dito sa loob ng bahay at gusto mo pa 'kong itago sa kwarto?” may pagtatakang tanong ko habang tinitignan ng masama si William na halos iiwas ang tingin sakin. Napansin ko naman na nagpipigil ng tawa si Kuya Jessie.

“Pagpasensyhan mo na yan si William, gusto ka lang niya protektahan.” nakangiting pagkakasabi ni Kuya Jessie agad naman akong napatingin kay William.

“Protecting me from what?” pagtataka ko.

“Oh siya, mauna na 'ko. Bumisita lang naman ako dito ng malaman kong nandito ka Zandy. Bro, wag ka mag alala your secret is safe to me. But promise me one thing, don't get gurt and always take care of yourself.” saad ni Kuya Jessie ng magpaalam siya saka niya tinapik sa braso si William. Hindi parin talaga nagbabago si Kuya Jessie kay William, napaka-sweet parin na kuya. Pagkatapos ay agad narin umalis si Kuya Jessie kung kaya't naiwan nalang kaming dalawa ni William dito sa bahay.

“Anong ibig sabihin ng kapatid mo? Bakit mo 'ko gustong protektahan? At kanino mo 'ko gustong protektahan?” magkakasunod na tanong ko kay William.

“15years ago, ng magkahiwalay tayong dalawa. Sa'kin na pinamana ni Dad ang pamamahala sa Black Pegasus. Doon nagsimulang magbago ang takbo ng buhay ko. Kung noon, laruang baril-barilan lang ang nahahawakan ko. Pero magmula ng mahing pinuno ako ng Black Pegasus, hindi lang isang klase ng baril ang nagamit ko.” pagki-kwento ni William. ”Ok lang kung kakamuhian mo 'ko ngayon, pero hindi ako masamang tao Zandy. Sadyang nabulag lang ako ng sa akala kong tama ay mali pala.” nakayukong pagkakasabi ni Zandy.

Lumapit naman ako ng bahagya kay William saka ko siya niyakap and he hugged me back.

“It's not too late to make things right.” nakangiting pagkakasabi ko habang nakayakap kay William. Maya maya pa ay kumawala narin siya mula sa pagkakayap sakin.

Pasado alas-diyes na ng gabi kaya sinabihan ko si William na umuwe na sa kung saan man siya nakatira. Ayaw niya pa sana pero pinilit ko lang siya at siniguradong ayos lang ang kalagayan ko dito.

Bago siya umalis ay may inabot pa siya saking charger para daw mai-charge ko yung cellphone ko na lowbat na. Agad ko naman yun kinuha sa kamay niya. Pagkatapos ay inihatid ko na rin siya sa gate.

“See you tomorrow.” nakangiting pagkakasabi ni William bago niya buksan ang pintuan ng kotse niya.

“See you..” nakangiting saad ko.

——

<Buena Familia>

—ANTHONY POV—

“Positive Boss, nasa bahay na ito nga ang anak na babae ni AFP Gen. Gilbert Daza.” pagbabalita sakin ni Nelson mula sa kabilang linya. Isang nakakalokong ngiti naman ang gumuhit sa labi ko.

You And Me, Against The WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon