CHAPTER 13

48 7 0
                                    

“YOU AND ME, AGAINST THE WORLD“

(CHAPTER 13)

<Black Pegasus HQ>

—WILLIAM POV—

“Anong ginawa mo dito?” seryosong tanong ko kay Kenjie.

“Ikaw naman Señorito William, binibisita lang naman kita. Bakit? May itinatago ka ba na ayaw mong ipaalam sa miyembro ng Black Pegasus?” sarcastic na pagkakasabi ni Kenjie.

“Bakit hindi mo nalang intindihin ang pagiging Mafia Boss mo ng Lia Rosa? Pati personal kong buhay pinapakialaman mo pa.” sarcastic kong buwelta kay Kenjie.

“Yung pinapangalagaan mo. Nakabalik na siya ng Manila, hindi ba?” seryosong pagkakasabi ni Kenjie na tila may ibig siyang sabihin.

“Subukan mo lang na may gawin kang masama kay Zandy, kakalimutan ko na parte ka ng organization na 'to at hindi ako magdadalawang isip na pabagsakin ka.” seryosong pagbabanta ko kay Kenjie. “Baka nakakalimutan mo, malaki ang utang na loob mo sa pamilya ko. Kaya ayus ayusin mo yang desisyon mo kung sinong babanggain mo Kenjie Russell Madrigal.” seryoso kong muling pagkakasabi saka ako lumabas ng silid at iniwan si Kenjie na halos hindi makapagsalita.

<Manila>

—JEWEL POV—

“Gurls, next week pala grand opening ng Bar ng pinsan ko sa may Makati, and he want us to go there.” pagbabalita ko sa lima kong kaibigan.

Napansin ko na bahagya sila nagtinginaan.

“Kailan daw?” tanong ni Alliah. Party-goer talaga 'tong babaeng 'to.

“Next saturday. Punta tayo ah. Don't worry, treat naman ng pinsan ko eh. Isa pa, may nire-serve na siyang V.I.P room for the six of us. He knows naman ang dalawa sa'tin ay hindi masyado mahilig sa party party.” sagot ko sabay tingin kay Zandy at Melody. Napansin ko naman na si Zandy ay nakatitig lang sa cellphone niya. Kaya sinenyasan ko ang katabi ni Zandy na si Chelsea. Nandito kasi kami sa Cafeteria ng opisinang pinagta-trabahuan naming anim.

“Hoy Zandy, baka matunaw na yang cellphone mo kakatitig mo.” panggulat na pagkakasabi ni Chelsea kay Zandy at agad naman nagulantan si Zandy dahil sa panggugulat ni Chelsea.

“Ah..pasensya na. Ano nga 'yung pinag-uusapan niyo kanina?” pag uulit na tanong ni Zandy.

“Jusmeyo Zandy, naglalakbay na naman siguro yang isip mo o 'di kaya naman yung isip mo ang laman ay si William.” puna ni Rachelle.

“Bakit Zandy, wala parin bang message o tawag sa'yo si William? It's been 2days since ng umalis ka sa La Verde o tayo rather.” mahinahon na tanong ni Melody kay Zandy. Yeah, ang mag bilas.

“Ayos lang, hindi ko rin naman inaasahan na magme-message siya. I know kung gaano kahirap ang sitwasyon niya doon. Kaya nga balak ko sana siyang tulungan na umalis na sa pagiging leader ng Black Pegasus that's why I chose to stay beside him for a couple of days. Yun nga lang, hindi pala 'yun ganun kadali.” mahinahon na pagkakasabi Zandy.

“We do understand you Zandy. May isa ka pa ngang problema, paano kapag nalaman ng Dad mo kung sino ang nakasama mo sa Cassa La Verde sa loob ng ilang araw. For sure, magagalit 'yun. We know naman how much he hate that organization. At hindi lang 'yun, we also know the fact that Black Pegasus is a mortal enemy of our goverment.” malumanay kong pagkakasabi.

“But don't worry, kaibigan mo kami Zandy. Hindi namin hahayaan na mapahamak ka. Kaya kung kinakailangan na magsinungaling din kami sa Dad mo para lang mapagtakpan ang tungkol sainyo ni William, ay gagawin namin.” nakangiting pagkakasabi ni Alliah.

“Thank you..” matamlay paring sagot ni Zandy. Agad naman ako tumayo sa kinauupuan ko at saka nilapitan si Zandy to hug her at ganun din ang ginawa nila Melody, Chelsea, Alliah at Rachelle.

“Gosh enough na ang drama ok? Basta sa next week, pupunta tayo sa grand opening ng Bar na pagmamay ari ng pinsan ni Jewel.” saad ni Rachelle habang pinipigilan ang pagpatak ng luha niya, mababaw talaga ang luha ni Rachelle. Kunting pagda-drama lang ay mabilis siyang umiyak.

<Hacienda La Verde>

—JESSIE POV—

Pasado alas-dose na ng hating gabi pero hindi parin ako makatulog. Kaya naisip ko nalang magtungo sa balcony ng silid ko at pagmasdan ang bituin sa kalangitan. How I wish, Melody is right beside me while starring at the night sky. Hindi ko parin talaga makalimutan ang muling pagkikita naming dalawa, kung pe-pwede ko lang patigilin ang oras ng mga sandaling 'yun ay ginawa ko na. Para hindi na matapos pa ang pagyakap ko kay Melody.

Sana muling pagtagpuin ang mga landas naming dalawa, upang masabi ko sakanya na hanggang sa mga oras na 'to ay hindi nawala o nagbago ang pagmamahal ko sakanya.

Wala parin akong ibang babaeng gustong makasama hanggang sa aking pagtanda kundi si Melody pa rin. Lumipas man ang napakaraming taon, si Melody parin ang paulit ulit kong pipiilin.

You And Me, Against The WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon