“YOU AND ME, AGAINST THE WORLD”
(CHAPTER 1)
—ALLIAH POV—
Ganun lang talaga kami mag asaran pagdating sa mga love life namin. Ay wala pala kaming love life..pero kahit lagi namin trip si Zandy, we love her so much. She's our baby ever since. Siya kasi ang pinaka-bata samin. Turning 25 palang siya this year, samantalang kaming lima naman ay mas matanda ng tatlong taon kay Zandy.
Zandy's Father is a retired AFP General kaya we do understand kung bakit hanggang ngayon ay wala pang boyfriend si Zandy Rain Daza. Isa pa, nag iisang babae lang siya sa apat na magkakapatid na lahat ay nasa ibang bansa na nakatira. Masyadong strict ang daddy ni Zandy pagdating sa pagkakaroon ng love life ni Zandy, kaya ayon ang bebeh gurl namin single parin hanggang ngayon. Pero maging siya naman, parang wala parin panahon sa pagkakaroon ng boyfriend.
Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe at palagay ko ay nasa parteng Batangas na kami. Hindi ako maka-kilos dahil nakaunan sa magkabilang balikat ko sila Jewel at Rachelle. Pero hinayaan ko nalang, mukhang nag e-enjoy naman ang dalawa, wag lang nila ako tutuluan ng laway dahil naku makikita nila ang bagsik ni Alliah Josephine Santos.
Sa unahan ng kinauupuan namin nila Jewel at Rachelle, napansin ko naman na mahimbing din ang pagkakatulog nila Chelsea habang nakaunan naman sa balikat ni Zandy.
“Still awake Zandy?” mahinang pagkakasabi ko para 'di magising ang dalawang babaitang nakaunan sakin. Napansin ko kasi na umilaw ang cellphone ni Zandy.
Itinaas naman niya ang kanang kamay niya at nag thumbs up.
“What time na ba?” tanong ko.
“7:56PM palang.” sagot niya.
“May ilang oras pa pala bago natin marating ang bayan ng Guinayangan.” saad ko na tila pipikit narin ang mata ko dahil sa antok.
“Matulog ka muna, tignan mo si Melody sa unahan, tulog din.” saad ni Zandy.
“Eh ikaw? Bakit hindi ka rin matulog? Sasabihin nalang sa'tin ni Manong kapag nasa Quezon na tayo.” saad ko.
“You know me Alliah, hindi ako natutulog sa biyahe.” saad ni Zandy.
—ZANDY POV—
Ilang segundo ko inintay ang sagot ni Alliah, pero hindi na siya nakasagot. Malamang laglag narin ang tuka.
Mga ilang oras pa, natanaw ko na ang arko na may nakasulat na 'Welcome to Quezon Province'. Sa wakas, narating narin namin ang probinsya ng Quezon.
Papasok na kami sa isang bayan sa probinsya ng Quezon ngunit tulog parin ang anim kong mga kaibigan.
—MELODY POV—
Naalimpungatan ako matapos kong maramdaman ang vibration ng cellphone na nasa bulsa ng jacket ko.
“Manong nasaan na tayo?” papungas pungas pa ang mata kong nagtanong kay manong driver.
“Papasok na po ng bayan ng Guinanyangan Ma'am.” nakangiti naman sagot ni Manong, agad akong napatingin sa oras sa cellphone ko 9:23PM na. Bahagya ako lumingon sa back seat. Nakita kong nakatingin lang sa bintana si Zandy habang naka-unan sa balikat niya si Chelsea.
——
—CHELSEA POV—
Manghang mangha kaming anim habang pinagmamasdan ang ganda ng paligid ng bayan ng Guinayangan mula sa balcony ng La Verde Resort & Hotel kung saan kami nag check-in. Mamaya ay magpupunta naman kami sa Parola sakay ng isang bangkang de motor. First time namin yun kaya sobra kaming nae-excite.
“Good Morning Sushine!” masayang pagkakasabi ni Zandy na nag uunat pa.
“Sino si Sunshine?” pagtataka naman ni Rachelle. “Aray ko naman Alliah!” reaction niya matapos siyang batukan ni Alliah.
Saka kami nagtawanan.
——
Matapos makapag almusal ay agad narin kaming lumabas ng La Verde Resort & Hotel at bumungad samin ang asul na karagatan. Ang sarap magtampisaw pero hindi muna sa ngayon, dahil magtutungo muna kami sa Parola.
——
Pasakay na kami sa bangkang inarkila namin na maghahatid sa'min sa Parola ng mapansin namin na kulang kami ng isa, wala si Zandy.
“Jewel, si Zandy?” may pagtatakang tanong ko kay Jewel agad naman siya nagpalinga-linga.
“Oo nga, nasa'n si Zandy? Magkakasabay tayong bumaba ng hotel room natin kanina diba?” pagtataka ni Melody na may pag-aalala.
——
—ZANDY POV—
Naglalakad na kami lobby ng La Verde Resort & Hotel ng mapansin kong nahulog ng isang lalake ang pitaka niya. Agad ko 'yun pinulot upang ibalik sa may-ari ngunit pag angat ng ulo ko ay hindi ko na siya makita. Nagpalinga linga ako hanggang sa matanaw ko siya na naglalakad sa isang hallway sa gilid ng La Verde Resort & Hotel kaya agad ko siyang sinundan. Hindi ko siya matawag tawag dahil lubhang malayo siya sakin.
——
—WILLIAM POV—
Kasalukuyan na ako naglalakad patungo sa room 502 ang secret room sa La Verde na exclusive lamang sa miyembro ng 'Black Pegasus'. Leader ako ng 'Black Pegasus' isang illegal organization kung saan kasapi ang ilang Mafia Association, New People's Army at Terrorist Group. Ang grupong Black Pegasus ay dating pinamumunaan ng aking ama ngunit ngayon ay sa'kin muna pinagkakatiwala.
Bubuksan ko na sana ang pintuan ng mapatigil ako sa paghakbang ng mapansin kong tila may sumusunod sa'kin. Agad akong lumingon pero wala naman tayo sa likod ko.
—ZANDY POV—
Nakita kong papasok ang lalake sa isang silid ngunit bigla nalang nag ring ang cellphone ko kaya nagtungo muna ako sa tabi ng isang artificial tree sa tabi ng Hallway upang sagutin ang tawag ni Alliah. Pero bigla nalang nag shutdown ang cellphone ko. Takte, hindi ko pala 'to na-charge kagabi.
Bahagya ko naalala ang wallet na dala ko, kailangan ko 'to maibalik sa may-ari. Kaya dali dali ako nagtungo sa pintuan kung saan siya pumasok. Kakatok palang sana ako ng mapansin kong medyo naka-awang na 'to kaya tumuloy na ako sa pag pasok. Isasara ko sana ang pintuan ng marinig ko ang yabag ng paa sa likod ko.
“Who are you?! And who told you to followed me? Are you a Spy?” seryosong tanong ng boses lalake, sa tono ng boses niya halatang galit ito. Tila narinig ko rin ang tunog ng kasa ng isang baril kaya naramdaman ko ang matinding tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot. Ano ba naman kasi 'tong pinasok mo Zandy. Jusko naman.
Dahan dahan akong humarap sa lalakeng nagsalita habang nakataas ang dalawang kamay ko at nanginginig parin dahil sa takot.
Mukha naman mala-anghel ang mukha niya, ang ganda pagmasdan ng abuhin niyang mga mata, ang tangos ng kanyang ilong at ang labi niyang manipis na animoy may lahing kastila.
Pero nababalot parin ako ng takot dahil nakatutok sakin ang hawak niyang 45 Caliber.
“Sino ka? Ispiya ka ba!?” muling seryosong tanong niya sakin. Nanlilisik na ang mga mata niyang kaninang maamo.
“H-hindi.” napapikit nalang ako ng idikit na niya sa sentido ko ang baril na hawak niya.
BINABASA MO ANG
You And Me, Against The World
ActionZandy Rain Daza is the only daughter of retired AFP General Gilbert Daza. During their vacation in Quezon Province with her officemate/friends. She will meet William John Samonte the leader of Black Pegasus-an illegal organization including Mafia As...