“YOU AND ME, AGAINST THE WORLD”
(CHAPTER 11)
<La Verde Resort & Hotel>
—MELODY POV—
Narinig ko ang tunog ng pagbukas ng pintuan ng elevator ngunit nananatiling nakayakap sakin si Jessie na halos tila ayaw pang bumitaw sa pagkakayakap sakin.
“OMG!” rinig kong boses ng isang babae.
“Diba si Señorito Jessie 'yun? Sino yung kayakap niya?” pagtataka ng isa pang babae.
“Baka girlfriend niya?”
“May girlfriend na pala ulit si Señorito Jessie?”
“Ewan, pero sa pagkakaalam ko kasi..wala pang girlfriend si Señorito Jessie kasi hindi pa yata nakaka-move on sa first love niya noong high school siya.”
“Nakaka curious..sino kaya 'yung TOTGA ni Señorito Jessie?”
<Buena Familia>
—ANTHONY POV—
“Boss, bakit mo naman pinakinggan si William? Inuuto kalang ng gagong 'yun.” saad ni Denmar.
“Oo nga Boss, saka sabi niya asawa niya yung Zandy. Wala naman kaming nabalitaan na ikinasal ang apo ni Don Ramon.” sabat ni Resty.
“May araw din sakin ang William na 'yun.” seryosong pagkakasabi ko sabay hagis ng bote ng alak sa pader at agad nga 'tong nabasag.
“Kalma ka lang kapatid.” nakangising sabat ni Zandro na kararating lang, si Zandro ay kanang kamay ko. At agad ako napalingon sakanya.“Dahil may mas mabigat kang problema kaysa kay William. Nandito na sa Pilipinas si Sammuel.” seryosong pagkakasabi ni Zandro. Si Sammuel ay nakababata kong kapatid na naghahangad din na mapasakanya ang Buena Familia at mortal ko rin kalaban.
——
—WILLIAM POV—
“Ibig sabihin ba no'n, hindi na tayo magkikita?” malumanay na tanong ni Zandy sakin. Ngunit nagpatuloy parin ako sa pagmamaneho at hindi sinagot ang tanong niya. Dahil ayaw kong sabihin na oo kahit alam kong wala 'yun kasiguraduhan. Ayaw ko siyang paasahin at ayaw ko siyang maghintay sa'kin kung kailan kami ulit magkikita.
“Papayag akong umalis na, kung ipapangako mo sakin na magkikita tayo ulit.” garalgal na ang boses ni Zandy ng mga sandali 'yun. Agad ko naman itinigil sa gilid ng kalsada ang kotse, at isang hingang malalim ang ginawa ko bago ako tumingin kay Zandy na sa mga sandaling 'yun ay unti unti ng pumapatak ang luha sa kanyang mga mata. Agad ko naman 'yun pinunasan gamit ang kamay ko.
“I promise..magkikita pa ulit tayo. Ipangako mo rin sakin na habang magkalayo tayong dalawa..alagaan mo ang sarili mo.” nakangiting pagkakasabi ko saka ko hinagkan sa noo si Zandy.“I love you..” malambing kong pagkakasabi habang sinsero kong tinitigan sa mata si Zandy.
“I love you too..” sambit ni Zandy kasabay ng patak ng kanyang luha at agad akong niyakap.
<La Verde Resort & Hotel>
—JEWEL POV—
“You mean yung nag iisang ex-boyfriend mo na iniiyakan mo parin kapag nalalasing ka?” nakangising tanong ko kay Melody matapos siyang magkwento sakin tungkol sa pagkikita nila ni Jessie after almost a decade.
“Hindi ko naman iniiyakan 'yun.” pagtanggi pa ni Melody.
“Kaya pala may video ka sa cellphone ni Zandy noong birthday ni Rachelle na umiiyak ka habang kinakanta yung The One That Got Away ni Katy Perry.” pang aasar ni Chelsea.
—MELODY POV—
“Pero aminin mo Melody, kinilig ka kanina noong nagkita kayo 'no? Yanig buong pagkatao mo, kalas pati buto.” nakangising tanong sakin ni Alliah kasabay ng isang mahinang hampas sa braso ko.
Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi. Halos ilang taon kaming hindi nagkita ni Jessie, pero hindi nawala o nagbago ang pagmamahal ko sakanya. He's my the one that got away.
——
Nandito na kami sa labas ng Hotel, pabalik na kami sa Manila matapos ang ilang araw na bakasyon. Hindi narin kami masyado nag aalala kay Zandy dahil sinabi naman niyang maayos lang siya at nasa isang childhood friend lang, hindi lang namin alam kung sino o taga saan banda dito sa Quezon. Pero siyempre, namimiss namin siya. Namimiss namin ang kakulitan niya, at na-excite narin akong magkwento sakanya tungkol sa pagkikita namin ni Jessie.
“Zandy?” rinig kong sambit ni Chelsea at agad kaming napalingon sa kung saan siya nakatingin. Nakita namin si Zandy na masayang kumakaway samin malapit sa may fountain.
“OMG si Zandy nga!” pagkabigla ni Alliah at patakbo namin tinungo ang kinaroroonan ni Zandy saka namin siya niyakap.
“Loko kang babae ka! Pinag alala mo kami ng sobra alam mo ba 'yun?!” sermon ni Alliah kahit naluluha narin siya. Tears of Joy.
“I'm so sorry.” malumanay na pagkakasabi ni Zandy at ramdam namin na sincere siya.
“Hay naku. Mabuti nalang bumalik kana, si Melody magkaka-love life na ulit.” nakangising sabat ni Jewel saka ako sinulyapan. Pinandilatan ko naman siya ng mata. Ang daldal talaga ng babaeng 'to.
BINABASA MO ANG
You And Me, Against The World
ActionZandy Rain Daza is the only daughter of retired AFP General Gilbert Daza. During their vacation in Quezon Province with her officemate/friends. She will meet William John Samonte the leader of Black Pegasus-an illegal organization including Mafia As...