CHAPTER 17

36 6 0
                                    

“YOU AND ME, AGAINST THE WORLD”

(CHAPTER 17)

—MELODY POV—

Kasalukuyan kami nag-uusap ni Jessie dahil matagal na panahon din kaming hindi nagkausap ng mapansin kong nagising na si Zandy kaya agad akong napatayo sa kinauupuan ko at agad na nilapitan si Zandy.

“Thanks God, you're awake Zandy.” masayang pagkakasabi ko kay Zandy, napansin ko naman siyang nililibot ang tingin niya na para bang may hinahanap siya, bahagya naman kami nagkatinginan ni Jessie.

“S-si W-william? Nasaan siya?” nanghihina pang tanong ni Zandy.“Narinig ko yung boses niya kanina, nandito siya sa loob ng silid. Nasaan siya?” tanong muli ni Zandy habang nililibot ang tingin niya.

“Nasa labas si William, may binili lang saglit. Pero wag ka mag alala babalik din 'yun agad mamaya.” sabat ni Jessie.

“Alam mo ba, sobrang pag aalala sa'yo ni William. Magmula ng dinala ka dito sa hospital kaninang umaga hindi siya umalis sa tabi mo.” pagki-kwento ko.“Ngayon nalang, kasi may binili lang siya saglit. Pero pabalik na rin 'yun dito.” nakangising pagkakasabi ko.

Maya maya pa ay dumating narin sila Chelsea at Alliah na hinihingal pa.

“Anong nangyari sainyong dalawa?” pagtataka ko na may pag-alala.

“Si..si..William, dinukot siya...dinukot siya...ng mga tauhan ng daddy mo.” hinihingal na pagkakasabi ni Alliah.

—ZANDY POV—

Nakaramdam ako ng kilig at galak ng malaman ko buhat kay Melody na nandito sa Manila si William at nagbantay din siya sakin dito sa hospital ng hindi pa 'ko nagigising.

Pero biglang dumating sila Chelsea at Alliah na hinihingal dala ang isang masamang balita.

“Si..si..William, dinukot siya...dinukot siya...ng mga tauhan ng daddy mo.” hinihingal na pagkakasabi ni Alliah.

“What?!” agad na reaction ni Melody saka napatingin sakin.

Tila hindi ko na alintana ang nakaka-kabit na swero sa kamay ko at pinilit kong bumangon kahit nanghihina pa ang buong katawan ko.

“Hey Zandy! What are you doing?!” may pag aalalang singhal ni Kuya Jessie sakin habang pinipigilan niya akong bumangon.

“I need to find and save him!” mariing pagkakasabi ko habang nanggigilid ang luha sa mata ko. Sobrang pag aalala ang nararamdaman ko ngayon para kay William lalo pa't alam ko kung gaano kagalit si Dad sa Black Pegasus, natatakot ako na baka mapatay ng sarili kong ama ang lalakeng mahal ko.

“Zandy you can't. Kagigising mo lang at hindi ka pa fully recovered. Hayaan mong kami nalang ang bahala na maghanap kay William.” mahinahon na pagkakasabi ni Melody habang sinusubukan akong pakalmahin. Pero walang ibang makakapag pakalma sakin kundi ang masigurong ligtas na mula sa kapahamakan si William.

“Please..” naiiyak ko ng pakiusap habang hawak ang kamay ni Melody. Bahagya naman silang nagkatinginan ni Kuya Jessie..

——

—WILLIAM POV—

Nagising na lamang ako na nasa isang madilim na silid ako na sa tingin ko ay tambakan ng mga kahoy at kung ano pang gamit sa contrastruction.

Napansin ko rin na nakagapos ang dalawang kamay ko gamit ang kadena. Ilang saglit pa isang lalake na nasa sa tansya ko ay nasa edad 60's na ang pumasok sa silid.

“Long time no see, William John Samonte.” nakangising bati sakin ng lalake sa sarcastic na tono. Ang lalake ay ang daddy ni Zandy, si retired AFP General Gilbert Daza.

Hindi ako sumagot at tinignan lamang siya ng matalim. Lumapit siya sakin saka umupo sa harapan ko saka itinapat sa sentido ko ang baril na hawak niya.

“Layuan mo ang anak ko, magkakasundo tayong dalawa.” seryosong pagkakasabi nito sakin na para bang nagbabanta.

Ngumisi naman ako saka siya tinitigan ng seryoso.

“Mahal ko si Zandy, mahal ko ang anak niyo. Kaya kahit hanggang kamatayan, handa ko siyang ipaglaban.” seryosong pagkakasabi ko.

Hindi kumibo si General Gilbert at saka siya tumayo.

“Hanggang kamatayan pala. Sige, kayo ng bahala sa lalakeng 'to. Pahirapan niyo hanggang sa malagutan na ng hininga.” rinig kong utos ni Gen. Gilbert sa mga tauhan niya.

——

—MELODY POV—

“Gusto kong sumama.” saad ko ng ihatid ko sila Jessie at Zandy sa parking lot ng hospital. Agad naman akong nilingon ni Jessie saka ako hinawakan sa magkabilang balikat at mainam akong tinitigan sa mga mata ko.

“Dito ka na lang, kami nalang bahala ni Zandy. Ayaw kong, pati ikaw ay madamay pa.” saad ni Jessie.

“Pero..”

“Sige na, kailangan na rin namin umalis.” saad ni Jessie saka hinawakan ang pisngi ko.

“Mag iingat kayo..mag iingat ka.” malumanay kong pagkakasabi habang nakakatitig sa mga mata ni Jessie. Bahagya naman ngumiti sakin si Jessie.

“Wag ka mag alala. Mag iingat ako..mag iingat ako para sa'yo..” malambing na pagkakasabi ni Jessie na muling nagpakilig sakin. “...mahal ko..” dagdag niya pa saka ako hinagkan sa noo at para bang may naghahabulan na daga sa puso ko ng mga sandaling 'yun.

Agad na nga rin umalis sila Zandy at Jessie sakay ng isang kotse upang hanapin at iligtas si William.

You And Me, Against The WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon