CHAPTER 2

105 10 0
                                    

“YOU AND ME, AGAINST THE WORLD”

(CHAPTER 2)

—WILLIAM POV—

“Boss, anong plano mo doon sa babae?” seryosong tanong sakin ni Austin also known as Werewolf.

Humithit muna ako ng sigarilyo at nagbuga ng usok bago sinagot ang tanong niya.

“Wala akong tiwala sa babaeng 'yun. Kahit pa kasing amo ng anghel ang pagmumukha niya. Maaaring ispiya parin ang babaeng 'yun. Kaya doon na muna siya sa Cassa La Verde. Sabihan mo ang bata mong bantayan siyang mabuti.” seryosong pagkakasabi ko at muling humithit ng sigarilyo saka nagbuga ng usok.

“Areglado Boss.” saad ni Austin at agad narin 'tong umalis upang sundin ang utos ko.

Pero napatigil siya ng muli akong magsalita.

“Sandali lang..”

“Ano yun Boss?”

“Ayaw kong may ibang makakaalam tungkol sa babae. Kahit ang sarili kong ama.” bilin ko, at umalis narin umalis si Austin.

—ZANDY POV—

Nagising na lamang ako nasa isang silid ako. Nilibot ko ang aking tingin at mukha naman maayos ang silid. Malambot ang kama at airconditioned pa ang silid. Pero hindi ito ang hotel room namin. Napabalikwas ako ng maalala ko ang mukha ng lalake kanina.

Agad kong tinungo ang pintuan ng silid, hindi naman ito naka-lock.

“Ang cellphone ko? Nasaan ang cellphone ko?” tanong ko sa sarili ko at kinapa ang bulsa ng suot kong damit ngunit wala akong makapang cellphone. Paano 'ko matatawagan sila Alliah, sigurado akong nag aalala na sila sakin.

——

—ALLIAH POV—

Halos mag ta-tatlong oras na namin hinahanap si Zandy sa buong La Verde Resort & Hotel pero walang makapagsabi kong nasaan ang kaibigan namin. We're done checking the CCTV at ang huling nakita doon ay ang pagyuko ni Zandy sa may Lobby na animoy may pinupulot na kung ano. After non ay hindi na nakuhaan kung saan siya nagpunta.

“Dapat na ba sabihin natin kay Uncle Gilbert na nawawala si Zandy?” may pag aalalang tanong ni Chelsea.

“Wag muna siguro, tayo nalang muna ang maghanap dahil baka nasa paligid lang siya ng La Verde at namamangha lang sa paligid.” pagtutol ni Rachelle pero bakas din sa mukha ang pag aalala. Sigurado kasi kaming magagalit samin si Uncle Gilbert kapag nalaman niya ang nangyari kay Zandy na unica ija niya. Iba pa naman magalit yun si Uncle Gilbert, palibhasa ay dati siyan sundalo at hindi lang 'yun AFP General din siya.

“Pero diba, sinagot niya yung tawag mo kanina Alliah? B-bakit naputol? Baka naman may nangyari na talangang hindi maganda sa kaibigan natin? Humingi na tayo ng tulong sa mga pulis.” paghe-heristerikal ni Melody.

“Tama, mag report na tayo sa mga pulis.” pag sang-ayon ni Jewel kay Melody.

“Wala pang 24hrs na nawawala si Zandy. Hindi pa natin yun pwede i-report sa mga pulis.” sabat ni Rachelle.

“Punyetang 24hrs na yan. Nawawala na nga si Zandy mag iintay pa ba tayo ng 24 hours? Paano kung sa loob ng 24hrs na 'yun ay may hindi na magandang nangyayari sa kaibigan natin?!” tumaas na ang tono ng boses ni Melody ng mga sandaling 'yun.

——

—ZANDY POV—

Narinig ko ang pagtigil ng sasakyan sa tapat ng bahay kung nasaan ako at agad ko tinungo ang bintana, hinawi ko ng bahagya ang kurtina. Nakita ko ang isang kotseng kulay puti at isang lalake ang unang bumaba mula sa front seat saka binuksan ang pintuan sa backseat. At isang lalakeng may taas na 6'2 ang bumaba, naka-suot siya ng itim na leather jacket na 'kala mo ba bida sa isang action movies.
 
Napansin ko na isang tila Village pala ang lugar kung saan ako dinala ng lalakeng 'to. Isang Village? Pero anong village 'to? And what I am doing here? Iniisip niya parin ba na isa akong ispiya kahit sinabi ko na sakanya kanina ang totoong pakay ko? Ginamit niya pa ako ng spray na may pangpatulog.

Nakita kong naglalakad siya patungo dito sa bahay kaya nagmamadali akong bumalik sa silid at nagpanggap na tulog parin. Kailangan ko makatakas dito.

—WILLIAM POV—

“Sige na, makakaalis na kayo. Iwan niyo na 'ko dito.” seryosong utos ko sa mga tauhan ko. Agad naman silang tumalima sa utos ko.

Agad kong tinungo ang silid kung saan nandoon ang babaeng tila ispiya sa Black Pegasus. Pagpasok ko ay nahihimbing parin siya sa kama pero wala siyang kumot. Napansin kong bukas ang aircon sa loob ng kwarto kaya agad kong kinuha ang kumot na nahulog sa sahig at saka 'to kinumot sa babae.

Pero bigla nalang dumilat ang mata niya at bigla nalang akong tinulak kaya agad akong napa-upo sa sahig. Mabilis naman niya itinutok sakin ang gunting na hawak niya. Kaya napangisi nalang ako at bahagyang napailing. Kakaiba siya, matapang din na babae.

“Bakit mo dinala dito? Anong lugar 'to?!” singhal niya sakin habang hindi niya inaalis ang pagkakatutok ng gunting sakin.

Natatawa akong tumayo mula sa pagkakasadlak ko sa sahig.

“Bakit ka natatawa?” pagtataka ng babae ngunit nananatiling matalim ang titig sakin.

“Nasa mesa na ang pagkain mo, kumain kana lang. Mag usap tayo kapag may laman na yang sikmura mo. Nang masagot mo ng maaayos ang mga tanong ko.” seryosong pagkakasabi ko at agad narin lumabas ng silid. Hindi ko ni-lock ang pintuan, dahil kahit naman makalabas siya dito sa bahay na 'to hindi niya parin ako matatakasan.

You And Me, Against The WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon