“YOU AND ME, AGAINST THE WORLD”
(CHAPTER 25)
—ZANDY POV—
Nandito kami ngayon ni William sa Hacienda La Verde dahil gusto niya daw akong ipakilala sa dad niya. Nanlalamig ang mga kamay ko dahil sa tindi ng kabang nararamdaman ko.
“You ok?” may pag aalalang tanong ni William sakin habang magkatabi kaming naka-upo sa sofa. Agad naman akong tumango sakanya kahit deep inside ay sobrang kabado ako.
“Wag ka kabahan, nandito ako sa tabi mo.” nakangiting pagkakasabi ni William saka hinawakan ang kamay ko.
“Mabuti naman at dumating kana William, saang lupalop ka ba ng mundo nag punta?” seryosong pagkakasabi ng isang lalake at sa tansya ko ay nasa edad 50's na. Mahahalata mo sa mukha niya na mukhang hindi siya nakikipagbiruan at lagi lamang seryoso sa buhay. Siya na yata si Don Lawrence, ang daddy ni William.“Oh, sino naman 'tong babaeng kasama mo?” seryosong tanong niya kay William saka ako tinignan mula ulo hanggang paa.
“Good morning po.” magalang na pagbati ko dito kahit alam kong wala siyang balak na batiin din ako.
“Dad, si Zandy nga pala. She's my girlfriend.” saad ni William habang pinapakilala ako sa Daddy niya.
“Kaya ka ba dalawang araw na nawala dito? Dahil sa babaeng yan?” seryosong tanong ni Don Lawrence kay William. Naramdaman ko naman ang pagpisil ni William sa kamay ko.
“Oo.” agad na sagot ni William na tila ba walang kinakatakutan.
“Mas inuna mo pa talaga ang makipag relasyon kaysa ang obligasyon mo sa Black Pegasus?! Nahihibang ka na ba William?!” tumaas na ang tono ng boses ni Don Lawrence ng mga sandaling 'yun.
“Bakit? sino ba may gustong pamunuan ko ang organization na itinatag mo, ninyo ni Lolo. Hindi ba't ikaw lang din naman?” sarcastic na pagkakasabi ni William.
Hindi nagsalita si Don Lawrence at isang mabilis na suntok ang pinakawalan niya sa mukha ni William na ikinabigla ko rin.
“William..” may pag aalalang sambit ko saka ko inalalayan na tumayo si William mula sa pagkakasubsub sa sofa dahil sa pagkakasuntok sakanya ng kanyang ama. Agad naman niyang pinunasan ang dugo sa labi niya gamit ang kamay niya.
“Wag mo 'kong simulan William, dahil kahit anak kita kayang kaya kitang pabagsakin kung susubukan mo 'kong kalabanin.” pagbabanta ni Don Lawrence.
“D'yan naman kayo magaling hindi ba? Dahil kahit minsan, hindi mo 'ko tinuring na anak mo.” sarcastic na pagkakasabi ni William.“Dahil ano? Iniisip mo parin na anak ako ni Mommy sa ibang lalake, hindi ba?!” tila panunumbat ni William.
Hindi na nakakibo pa si Don Lawrence kaya naman agad na hinawakan ni William ang kamay ko saka kami agad na umalis.
—WILLIAM POV—
Dito sa Black Pegasus HQ kami agad na dumiretso ni Zandy, and I feel so disappointed.
“Yan ok na.” nakangiting pagkakasabi ni Zandy kasabay ng pagbuntong hininga matapos niyang gamutin ang sugat ko.
“Sorry for what happened, hindi mo dapat narinig 'yun.” malumanay kong pagkakasabi.
“It's ok, girlfriend mo 'ko hindi mo kailangan humingi ng sorry sa'kin. Wag ka mag alala, magkaka-ayos din kayo ng dad mo.” nakangiting pagkakasabi ni Zandy saka hinawakan ang kamay ko.
“Iniisip mo ba talaga na magiging ok pa kami? Yan ang imposibleng mangyari. Hindi anak ang turing sa'kin ni Dad simula't simula pa. Akala lang ng iba na ako ang paborito ni Dad sa aming magkakapatid dahil nasa'kin ang atensyon lagi ni Dad, pero ang hindi nila alam ako ang paborito niyang pagbuntungan ng galit. Iniisip niya kasi na hindi niya ako totoong anak, kahit na ilang beses lumabas sa DNA test na match ang dugo naming dalawa. Hindi niya parin ako tanggap bilang anak niya. Kaya sinira niya ang buhay ko ng ipasa niya sa'kin ang pagiging leader ng Black Pegasus.” mahabang salaysay ko habang nanggigigilid narin ang luha sa mga mata ko agad naman akong niyakap ni Zandy saka tinapik-tapik ang likod.
“Everything will be alright. Walang magulang o ama na hindi mahal ang kanilang anak. Siguro masyado lang malaki ang expectations sa'yo ng Dad mo kaya akala mo hindi ka mahalaga sakanya. But I'm sure, he loves you as his son.” mahinahon na pagkakasabi ni Zandy habang nakayakap sakin.
——
—DON LAWRENCE POV—
“Don, may gustong kumausap sa'yo. Nasa hardin siya.” saad ni Brandy, ang ilan sa mga tauhan ko.
“Sino?” seryosong tanong ko.
“Yung kasamang babae ni Señorito William kanina.” agad naman na sagot ni Brandy. Hindi na ako nagtanong pa at lumabas nalang ng silid saka nagtungo hardin kung saan isang babaeng may katangkaran, maputi at naka-suot ng dress na kulay asul.
“Anong ginagawa mo dito?” agad kong tanong sa babae, si Zandy ang girlfriend ni William na batid kong anak ng dating AFP General.
“Pasensya na po kung naka-istorbo ako. Gusto ko lang din humingi ng despensa sa nangyari kanina. Nagalit po kayo sa anak niyo ng dahil sa'kin...”
“Diretsahin mo na 'ko, anong kailangan mo?!” seryosong tanong ko na pasinghal.
“...he's your son and you're his father after all. Hindi ko man po alam kung saan nanggagaling ang alitan ninyong dalawa, pero gusto ko po sanang makatulong upang maayos 'to. I know that you still love your son kahit lagi kayong galit sakanya. And your son loves you too. He still respect you as his father kahit na parang hindi anak ang turing mo sakanya. Sana hindi pa po huli ang lahat para maibalik ang magandang relasyon niyo bilang mag-ama. Wala naman pong perpektong magulang o ama sa kanilang mga anak, pero at least naiparamdam nila sa mga anak nila na mahalaga ito sakanila at mahal nila 'to.” mahabang salaysay ni Zandy na para bang nangangaral na. Ngunit aaminin ko, tagos sa puso ko ang lahat ng sinabi niya. Kakaiba siyang babae, no wonder kung bakit siya nagustuhan ng anak ko.
—WILLIAM POV—
Nagising ako na wala si Zandy dito sa tabi ko kaya agad ako napabalikwas. May nakapagsabi sakin na ilan sa mga tauhan ko na nagtungo daw si Zandy sa Hacienda La Verde matapos magpasama kay Austin. Kaya naman nagmamadali din akong nagtungo doon. Baka ano pa magawa sakanya ng ama kong halimaw.
Ngunit pagdating ko doon, nadatnan ko sila Zandy at Dad na tila seryosong nag uusap kaya mas lumapit pa ako.
“What are you doing here?!” seryosong tanong ko kay Zandy sabay hila sa kamay niya.
“William kasi..”
“Bakit hindi ka man lang nagpapaalam sakin na pupunta ka dito? Paano kung may gawin masama sa'yo yung taong 'to?!” galit kong pagkakasabi saka ko tinignan ng masama si Dad.
Hindi na nakapagsalita pa si Zandy kaya naman agad ko na siyang hinala saka nag umpisang humakbang palayo.
“Son..” rinig kong sambit ni Dad kaya ako napatigil. For the first time in 26 years he called me 'son'.
“Son...I'm sorry.” malumanay na pagkakasabi ni Dad at ramdam ko ang sinseredad niya. Naramdaman ko na lamang ang pag agos ng luha mula sa mata ko habang pinipigilan kong lingunin siya.
“Anak sana mapatawad mo pa 'ko. Kung sa loob ng maraming taon hindi ko naiparamdam sayo na mahalaga ka sa'kin bilang anak ko. Sana hayaan mo 'kong makabawe sayo...anak..” muling saad ni Daddy, matagal ko yung hinintay na marinig mula sakanya. Agad nga akong napalingon sa likod ko, nakita ko ang pagluha ng aking ama sa unang pagkakataon.
Dahan dahan akong lumapit sakanya agad naman niya akong sinalubong ng yakap.
BINABASA MO ANG
You And Me, Against The World
ActionZandy Rain Daza is the only daughter of retired AFP General Gilbert Daza. During their vacation in Quezon Province with her officemate/friends. She will meet William John Samonte the leader of Black Pegasus-an illegal organization including Mafia As...