“YOU AND ME, AGAINST THE WORLD”
(CHAPTER 15)
—ZANDY POV—
“Good Morning dad.” masayang bati ko kay Daddy saka ko siyang hinagkan sa pisngi. Kasalukuyan nasa garden si Daddy habang nagbabasa ng Manila Bulletin, well yun na yata ang nakagawian niyang almusal sa umaga.
“Good morning too sweetie. Oh! Papasok kana agad sa work mo? Hindi ka man lang mag aalmusal?” agad na tanong sakin ni Daddy saka niya nilapag ang diyaryo sa mini table na nasa gilid niya.
“Male-late na kasi ako Dad kung mag a-almusal pa po ako.” mahinahon kong sagot sa tanong niya. “Bye dad.” paalam ko at muling hinagkan si Daddy sa pisngi saka ako nagtungo sa garage upang kunin ang kotseng gagamitin ko papasok ng work ko.
Nasa kalagitnaan na ako ng biyahe ng maisipan kong pumunta sa isang bake shop na lagi ko nadadaanan tuwing papasok ako. Bake shop yun ng sikat na artista noon at Box Office Queen na si Coleen Ferrer.
Agad ko nga pinarada ang kotse ko sa parking lot ng Bake shop na pupuntahan ko. Pagbaba ko ng kotse ko, agad ko napansin ang batang babae na siguro ay nasa edad anim na taon hanggang walong taong gulang na kunti nalang ay masasagasaan na ng humaharurot na kotse. Nagmamadali akong tinungo ang kinaroroonan ng batang babae at mabilis itong itinulak patungo sa kabilang direksyon.
Masyadong mabilis ang pangyayari ng mga sandaling 'yun. Naramdaman ko nalang ang pagtama ng kung ano sa katawan ko, pagkatapos ay nagpagulong gulong ako hanggang sa maramdaman ko nalang na nakahiga na ako sa gitna ng kalsada habang ang mga tao sa paligid ay nagkakagulo na. Unti unti narin nandidilim ang paningin ko hanggang sa...
——
—MELODY POV—
“Ano?! Si Zandy na aksidente?!” pagkabigla ko ng makarating na sa opisina ang nangyari kay Zandy at ngayon nga ay nag aagaw buhay sa hospital kung saan siya dinala.
Hindi na kami nagpatumpik tumpik pa at agad kaming nagtungong lima sa hospital kung saan isinugod si Zandy.
Pagdating sa nurse desk ay agad namin inalam kung saan ward dinala si Zandy Rain Daza, agad naman 'tong sinabi samin na ngayon nga ay nasa Emergency Room.
“Jusko Lord, wag mo po pababayaan ang mahal naming kaibigan na si Zandy.” naiiyak ng pagkakasabi ni Alliah habang nakapikit ang mga mata. Halos kaming lima nga ay sobra sobra na ang pag aalala para sa kaibigan namin.
——
—WILLIAM POV—
Nandito na ako sa Manila, hanggang sa mabalitaan ko ang nangyari kay Zandy sa tulong ng isang tauhan ko na inutusan kong hanapin ang address kung saan nakatira si Zandy Rain Daza, ang kaisa-isang anak na babae ni retired AFP General Gilbert Daza. Ngunit laking gulat ko ng sabihin sakin nito na nasa hospital si Zandy matapos ma-hit and run kaninang pasado alas-otso ng umaga.
Agad naman akong nagtungo sa nasabing hospital na alalang-ala kay Zandy.
“Nurse, saan ward dinala si Zandy Rain Daza?” agad kong tanong sa isang nurse na nasa Nurse Desk. Ngunit bago pa man siya makasagot ay nasagot na ng isang babae ang katanungan ko.
“Nasa room 306 si Zandy. Ikaw si William, right?” saad ng babae na nasa kanan ko. Maputi, matangkad, long-black hair, medyo chinita at matangos ang ilong. She's familiar, parang nakita ko na siya noon.
“How did you know my name?” pagtataka ko.
“It doesn't matter. The important is nandito kanina, she's waiting for you the whole day but you didn't show up. She really miss you a lot.” saad ng babae. Kung hindi ako nagkakamali, siya si Melody Faye Ramirez. My brother's ex-girlfriend. But, how did she know Zandy?
Agad niya nga akong sinamahan sa silid kong saan naka-comfined si Zandy ngunit nananatiling unconscious.
Pagpasok ko sa silid ay agad akong lumapit kay Zandy na nakahiga sa hospital bed at walang malay. May bandage ang kanyang ulo at may dextrose din sa kanyang kamay. Awang awa ako sa nakita kong kalagayan ni Zandy, kung napaaga lang siguro ang dating ko o kung hindi ko hinayaan na bumalik na mag-isa dito sa Manila si Zandy hindi siguro mangyayari sakanya 'to.
Naupo ako sa isang upuan na malapit sa hospital bed ni Zandy saka hinawakan ang kamay niya.
“Mahal ko, nandito na 'ko. Gumising kana pakiusap...gumising ka lang pinapangako ko sa'yong hinding hindi na ako mawawala sa tabi mo. Hinding hindi na kita iiwan.” naluluhang pagkakasabi ko habang hawak ang kamay ng wala paring malay na si Zandy.
——
—JESSIE POV—
Nang mabalitaan ko ang nangyari kay Zandy ay agad din akong nagtungo sa Manila dahil parang nakababatang kapatid ko narin ang babaeng mahal ng kapatid ko. Sa isang pribadong hospital dito sa Manila dinala si Zandy. At sa pagmamadali ko nga maglakad, isang babaeng ang aksidente kong nakabangga sa lobby ng hospital, muntik na siyang ma-out of balance ngunit mabilis ko siyang nahawakan sa likod hanggang sa magtama ang mata namin dalawa.
Melody..
Wala akong ibang naririnig kundi ang tibok lamang ng puso ko ng mga sandaling 'yun habang nakatitig kami sa mata ng isa't isa.
BINABASA MO ANG
You And Me, Against The World
ActionZandy Rain Daza is the only daughter of retired AFP General Gilbert Daza. During their vacation in Quezon Province with her officemate/friends. She will meet William John Samonte the leader of Black Pegasus-an illegal organization including Mafia As...