CHAPTER 7

72 8 0
                                    

“YOU AND ME, AGAINST THE WORLD”

(CHAPTER 7)

—ZANDY POV—

“Boss..nakahanda na ang kotseng maghahatid kay Ms. Zandy pabalik ng La Verde Resort & Hotel.” saad ng lalakeng sumalubong samin. Hindi nagsalita si William at tumango na lamang siya habang hawak parin ang kamay ko.

“So..talaga palang hahayaan mo na 'kong umalis?” malumanay na tanong ko kay William, bahagya naman siyang tumingin sakin.

“Yun ang dapat na ginawa ko noong una palang. Pasensya kana kung dahil sa ginawa ko pinag alala ko ang pamilya't kaibigan mo.” saad ni William. “Isa pa, hindi kana rin dapat magtagal pa dito. Lalo pa't alam na ng Mafia Boss ng Buena Familia na si Anthony na nandito ka. Mga tauhan niya ang humahabol sa'yo kanina.” saad ni William ngunit mababakas sa kaniyang mata ang lungkot.

Maya maya pa ay bumitaw na rin si William mula sa pagkaka-hawak sa kamay ko.

“Sige na Austin, siguraduhin mong ligtas na makakarating si Zandy sa La Verde Resort & Hotel.” seryosong utos ni William kay Austin, na tauhan niya.

“Masusunod Boss..” agad naman na sagot ni Austin. Tinitignan ko si William pero halos iiwas niya ang mga mata niya sakin.

Bakit parang bigla naman yata siya naging mailap? Kanina lang he kissed me and confessed his feeling for me. Tapos ngayon, parang nag iba na naman ang tema ng ugali niya.

“William...”

“Sige na, makakaalis na kayo. Austin ang bilin ko sa'yo..ikaw na ang bahala kay Zandy.” seryosong pagkakasabi ni William at nauna 'tong umalis saka sumakay sa kotse niya at agad 'tong pinaandar.

“Shall we go?” mahinahon na tanong sakin ni Austin. Hindi na ako nagsalita pa at tumango na lamang. Dahil tila mabigat sa loob ko ang pag-alis 'ko.

Agad na nga akong sumakay sa passenger seat matapos akong pagbuksan ng pintuan ni Austin.

——

—JESSIE POV—

Kasalukuyan ako naglalaro ng billiards ng biglang dumating si William at inagaw pa ang iniinum na alak ni Casper.

“Ayos ka lang Bro.?” seryosong tanong ko na may pag aalala habang pinagmamasdan ang kilos ng kapatid ko.

“Umalis na siya..” saad nito at para bang iiyak na ano mang oras.

Sinenyasan ko naman ang mga tauhan ko na lumabas muna ng silid at iwanan lang kaming dalawa ni William. Agad naman silang nagsi-alisan.

“Kusa ba siyang umalis o ikaw mismo ang nagpaalis sakanya?” malumanay kong tanong.

“Wala naman akong ibang choice, dahil kung hahayaan kong manatili dito si Zandy sa tabi ko mas lalo lang siya mapapahamak. Tulad kanina, naabutan kong hinahabol siya ng dalawang tauhan ni Anthony. Hindi ko kakayanin kapag may nangyari masama kay Zandy. Ako ang nagdala sakanya dito, kaya hindi kakayanin ng konsensya kong mapahamak siya ng dahil sakin.” mahabang paliwanag ni William.

My younger brother loves Zandy so much. Si Zandy ang first love niya kaya naiintindihan ko ang nararamdaman niya ngayon, he wants Zandy to stay pero nangangamba naman siyang mapahamak 'to. Kaya kahit labag sa kalooban niyang paalisin si Zandy ay ginawa niya parin.

“Boss William...may naghahanap sainyo.” pagbabalita ni Julius na kararating lang. Bahagya naman kami nagtinginan ni William.

“Sino?” pagtatakang tanong ni William.

Maya maya pa, isang babaeng may may taas na 5'7, brown-long hair na curly ang dulo, naka full bangs din ito na lalo mas nagpaganda sa kanya, kissable lips, may maamong mga mata at mala-anghel na mukha.

“Zandy? Anong ginagawa mo dito? D-diba sabi ko sayo-----” hindi na nagawa pa ni William na maituloy ang sasabihin niya ng bigla siyang yakapin ni Zandy. Napasulyap sakin si William at nginisihan ko nalang siya.

“Sige Bro, labas muna ako.” nakangising pagkakasabi ko at agad narin na lumabas ng silid.

——

—RACHELLE POV—

Nandito parin kami sa La Verde Resort & Hotel habang patuloy ang paghahanap kay Zandy. Nang bigla mag ring ang cellphone ko, hindi naka-registered ang number sa contacts ko pero sinagot ko parin ang tawag na 'yun.

“Hello si---”

“Rachelle..Rachelle ako 'to si Zandy..” saad ng nasa kabilang linya at halos manlaki ang mga mata ko.

“Zandy!! Zandy ikaw nga ba 'yan?!” sigaw ko na halos hindi makapaniwala. Agad naman napatingin sa gawi ko sila Jewel at Melody.

“Si Zandy yung tumawag?!” gulat na reaction ni Melody at naluluha akong tumango.

“Loudspeaker mo bilis!” saad ni Jewel at ni-loudspeaker ko nga agad ang cellphone ko.

“Zandy, si Melody 'to? Nasaan ka? Maayos lang ba kalagayan mo?” magkakasunod na tanong ni Melody na may pag aalala.

“Wag niyo 'ko masyadong alalahanin. Maayos lang ako. Sorry kung nag alala kayo sakin. Pakisabi nalang kay Daddy na wag narin mag alala.” mahinahon na pagkakasabi ni Zandy, at mababakas naman sa boses niya na mukhang maayos lang talaga siya.

“Nasaan ka ba? B-bakit bigla kana lang nawala?!” magkasunod na tanong ko.

“Nasa isang kaibigan ako. Yung kababata ko, we met in the La Verde Resort & Hotel accidentally. Sorry kung hindi ko agad na i-paalam sainyo. Pero maayos lang ang kalagayan ko. Uuwe nalang ako sa susunod na araw.” mahinanon na pagkakasabi ni Zandy mula sa kabilang linya.

“Sinong childhood friend? Saka, saan eksantong address ka naroroon? Para naman masabi namin kay uncle Gilbert. Nasa office of the Mayor ang daddy mo para humingi ng tulong na mahanap ka. Alam mo bang sobrang pag aalala namin sa'yo.” tila panenermon ni Melody.

“I'm sorry, but I can't tell you now. But one thing is for sure, I'm fine. I'm safe, so no worries ok? Tell anyone that I'm ok. Nasaan nga pala sila Alliah at Chelsea?” mahinanon na saad ni Zandy kasunod ang paghahanap sa iba pa namin mga kaibigan.

“Kasama ng Dad mo sila Alliah at Chelsea, pero mamaya pabalik na 'yun dito.” sagot ni Jewel.

“Sorry but I have to end this call na, I will call one of you some another time. I love you girls. Don't worry about me.” saad ni Zandy sa kabilang linya. Hindi pa man nakakasagot ang isa samin ay agad ng naputol ang tawag ni Zandy.

——

—ZANDY POV—

“Austin ito na 'yung cellphone mo, salamat nga pala.” nakangiting pagkakasabi ko saka ko binalik kay Austin ang cellphone na hiniram ko upang matawagan ang isa sa mga kaibigan ko.

Ngayon ay pabalik na kami sa Cassa La Verde. Nakapag desisyon kasi ako na mag stay muna matapos magkwento sakin si Austin tungkol sa kung anong pinagdaraanan ngayon ni William. Lagi siyang nasa tabi ko noong mga bata pa lamang kami, ngayon ako naman ang hindi mang iiwan sakanya. Alam kong magiging delikado itong gagawin 'ko lalo pa't pinaghahanap ako ngayon ng Buena Familia ngunit alam ko rin naman na hindi rin ako papabayaan ni William.

You And Me, Against The WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon