CHAPTER 4

87 10 0
                                    

“YOU AND ME, AGAINST THE WORLD”

(CHAPTER 4)

—ZANDY POV—

Medyo malayo layo narin ang nalakad ko, puro kakahuyan nalang nakikita ko. Wala na akong makitang kabahayan. Naririnig ko narin ang pagkalam ng sikmura ko, oo gutom na 'ko pero mas kailangan ko pagtuunan ng pansin kung paano ako makakaalis dito. Kailangan ko makahingi tulong.

Sa paglalakad ko ay may nakita akong malaking bahay sa 'di kalayuan, sa hitsura nito ay para itong isang Hacienda. Nagmamadali akong tinungo ang Hacienda na 'yun upang makahingi ng tulong. Siguro naman ay may tao sa malaking bahay na 'yun na makakapag turo sakin ng daan patungong La Verde Resort & Hotel.

Hanggang sa nagulat nalang ako ng may biglang may yumakap sakin mula sa likod kaya napatigil ako sa paghakbang.

—WILLIAM POV—

Kunti nalang ay papalapit na ang babae sa border line ng Buena Familia kaya halos takbuhin ko na ang kinaroroonan niya at agad siyang niyakap mula sa likod dahilan upang mapatigil siya sa paghakbang.

Pakiramdam ko ay tumigil ang ikot ng oras ng mga sandaling 'yun. Maging ako ay nabigla din sa ginawa ko. Kaya unti unti kong niluwagan ang pagkakayakap ko sakanya.

Agad niya naman akong nilingon at tinignan ng seryoso.

“P-paano mo 'ko nasundan?” nauutal na tanong niya na may pagtataka.

“Mabuti na nga lang at sinundan kita. Dahil kung hindi, nakikita mo ang guhit na 'yan? Sigurado akong patay ka kapag lumagpas ka d'yan.” seryosong pagkakasabi ko muli naman niyang tinignan ang border line na sinasabi ko. Saka siya muling tumingin sakin.

“Gusto ko lang naman na makauwe na sa'min eh. Bakit ba ayaw mo sa'kin maniwala? Hindi nga ako ispiya. Sinundan lang talaga kita para ibalik yung wallet na nahulog mo. Eh kung alam ko lang na ito pala kakahantungan ng pagmamalasakit ko sana hindi ko na ginawa. Sana hindi ko na pinulot yung wallet mo para isauli sayo.” naiiyak na pagkakasabi niya at para bang may kung anong alaala ang nanumbalik sa isipan ko. Habang nakakatitig sakanya.

[FLASHBACK: 15YEARS AGO]

“Oh! Zandy, bakit ka umiiyak?” nagtatakang tanong ko kay Zandy, ang kaibigan ko na lihim kong minamahal. Nadatnan ko kasi siyang umiiyak sa labas ng gate ng bahay nila.

“Eh kasi...yung babae kanina..” humihikbing sagot ni Zandy agad naman akong naupo sa tabi niya para i-comfort siya.

“Bakit? Anong ginawa sa'yo ng babeng sinasabi mo? Sinaktan ka ba niya?” may pag aalalang tanong ko. Hindi ko talaga gustong nakikitang umiiyak si Zandy.

“Hindi..” sagot niya. “Sinauli ko kasi yung wallet ng babae doon sa Mall kanina ng isama ako ni Mommy. Tapos napagkamalan pa ako na ako yung nagnakaw ng wallet niya. Sinauli ko na nga, tapos ako pa yung masama. Kung alam ko lang na ganun ang kakahantungan ng pagmamalasakit ko sana 'di ko na ginawa.” umiiyak na pagkakasabi ni Zandy, ngumisi naman ako sakanya saka pinunasan ang luha niya sa pisngi.

“Walang masama sa ginawa mong pagmamalasakit Zandy, sadyang may hindi lang pagkakaintindihan na nangyari. Wag ka umiyak ok?” nakangiting pagkakasabi ko. Agad naman na tumango si Zandy.

[END OF FLASHBACK]

“Z-zandy?” nauutal ko pang sambit sa pangalan ng kababata kong si Zandy na ngayon ay nasa harapan ko makalipas ang halos 15years na hindi pagkikita. I can't believe this is really happening.

“Paano mo 'ko nakilala?” may pagtataka sa tono ng boses ni Zandy. Hindi ako nagsalita at isang mahigpit na yakap ang iginawad ko sa babaeng kaytagal kong kinapanabikan na makitang muli.

You And Me, Against The WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon