CHAPTER 15 - NEVER ENOUGH

198 55 3
                                    

"Umuulan ba?" tanong ko pa sa aking sarili at napabalikwas ng bangon.

Kaagad na bumaba ako sa aking kama at sumilip sa bintana para alamin kung nasa labas pa ba si Tyron.

Napaawang ang aking bibig nang makita siyang parang robot na nakaupo habang palakas nang palakas ang patak ng ulan.

"Damn this fool!" asik ko pa habang pinagmamasdan lang siya.

What should I do? Labasin ko ba ang kugtong na 'to?

Napapitlag pa ako at kamuntik ng mapamura nang biglang kumulog at kumidlat. Nagmamadali akong lumabas ng kuwarto at hinanap ang payong ko. Mga tatlong minuto pa siguro bago ko nakita ito.

Walang pagdadalawang-isip na lumabas ako at nilapitan si Tyron. Mukha wala talaga itong balak na bumalik sa kaniyang unit.

"Hey, jerk!" asik ko na talaga sa kaniya. Marahan naman niya akong nilingon.

Parang natuod ako sa aking kinatatayuan at mahigpit na napakapit sa payong. Kahit na umuulan ay alam kong may kasabay na luha ang tubig na nagsisilandas sa kaniyang magkabilaang pisngi.

"Tyron, what are you doing?" mahina kong tanong. Gusto ko siyang sermonan pero hindi ko rin naman magawa.

Dalawang araw na simula bang malaman niya ang tungkol sa kay Allison at Lucas at sa loob ng araw na iyon ay ngayon lang siya naglabas ng kaniyang hinanakit sa pamamagitan ng pag-iyak sa gitna ng malakas na ulan.

Malungkot ang ngiting ibinigay niya sa akin. Lumapit pa ako sa kaniya para masakop siya ng payong ko.

"Thank you, Lavinia," mahina niyang sabi at tumayo saka niyakap ako. "Salamat at hindi mo sinabi sa lahat ang nalalaman mo tungkol sa amin ni Allison. Nakita kitang papaalis sa Candice House kaya alam kong alam mo ang nangyari."

Alam niyang alam ko. Alam niya pala.

Ginamit ko ang isa kong kamay para haplusin ang kaniyang likuran. Dahil basang-basa siya ay nabasa na rin ako. Naramdaman ko rin ang lamig dahil sa malakas ng ihip ng hangin. Hindi ko na napigilan pa ang pagbaliktad ng payong ko kaya binitiwan ko na lang din ito.

"Just cry, Tyron. Kailangan mo 'yan," sabi ko pa.

Umuuga ang kaniyang mga balikat habang impit naman ang tunog ng kaniyang pag-iyak. Marahan siyang kumalas mula sa pagkakayakap sa akin at pinunasan ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang dalawang palad. Tuloy-tuloy pa rin ang malakas na pagpatak ng ulan.

"Hindi ko lang maintindihan kung bakit... bakit nagawa akong ipagpalit ni Alli. I did my best to give her everything she wanted, you know. Oras at pagmamahal? Alam kong hindi ako nagkulang, Lavinia."

Hindi ko maiwasang maiyak na rin sa kaniyang sinabi. Alam ko ang gano'ng pakiramdam, ang gano'ng katanungan. Iyong akala ko ay nagkulang ako pero ang totoo ay sadyang hindi lang naging kontento si Miguel sa oras at pagmamahal na ibinigay ko sa kaniya.

Ibinigay ko na ang lahat-lahat pero kulang pa rin pala. Hindi pa rin sapat.

Anong magagawa ko kung sadyang hindi siya kontento? Wala akong magagawa kundi ang tanggaping hinding-hindi kami para sa isa't-isa. Tanggapin na may babaeng hihigit pa sa akin at kahit masakit man iyon ay wala pa rin akong pagpipilian kundi ang namnamin na lang ang sakit at mag-move on.

"Hindi ko alam kung anong totoo at hindi sa ten years naming relasyon. Gano'n lang ba ako kadaling kalimutan para ipagpalit niya ako sa kakakilala niya pa lang? Bakit kailangan niyang maghanap ng iba kung ginagawa ko naman ang lahat para ayusin ang relasyon namin? Hindi na siya masaya pa? Ako rin naman pero lumalaban ako, wala akong balak na bumitiw."

Late-night TalksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon