CHAPTER 13- FEEL SORRY

228 64 1
                                    

"Kuya Tyron!"

Pareho kaming napalingon dahil sa tumawag na iyon sa kaniyang pangalan. Kakalabas lang namin ng game room. Nag-enjoy naman kami pareho dahil sinubukan namin ang lahat ng laro. Tinuruan niya rin akong laruin ang ibang hindi ko pa nasusubukan.

"Trixie."

Tumatakbo papunta sa kaniya ang dalagita at kaagad na yumakap. Bahagya niya namang ginulo ang buhok nito.

"Happy birthday, Kuya," sabi pa nito.

Literal na napanganga naman ako. Nagtama pa ang aming paningin.

"Birthday mo?!" gulat kong tanong.

Napakalas naman sa kaniya si Trixie at tinapunan ako ng tingin. Magkahawig sila kaya sa palagay ko ay kapatid niya ang batang ito.

"Who is she, Kuya Ty?" usisa pa nito.

"She's my friend. Lavinia, this is my youngest sister, Trixie."

"Hi, Trixie," bati ko naman. Pinakatitigan pa ako nito at siniringan ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Where's Ate Allison?"

"Don't look for her anymore," kaswal niyang sabi. Bakas naman sa mukha ng kaniyang kapatid ang pagkalito.

"So, she's not your friend but your new girlfriend, isn't she?"

Muli na namang napaawang ang aking bibig. Napakatuwid din talaga nito kung magsalita. Wala man lang pag-aalangan.

"Kapit-bahay lang ako ng kapatid mo. Hindi niya ako girlfriend," tanggi ko rin.

"Okay," sabi nito sabay ngiti. "Sama ka na lang din po sa amin. Magsi-celebrate kami ng birthday ni Kuya. Hindi siya umuwi ng bahay, eh. Hinintay pa naman din namin sila ni Ate Alli."

"Happy birthday," sabi ko. Marahan lang din siyang tumango.

Right. Hindi happy ang birthday niya.

"Gusto kong sumama pero kailangan ko na rin bumalik sa trabaho ko," paliwanag ko pa.

"Kahit mga 30 minutes lang naman, Ate... Lavinia ba?" paninigurado rin nito sa pangalan ko.

"Yes," pangugumpirma ko rin.

"Huwag ng makulit, Trix. Kailangan na naming umuwi." Bumusangot naman ang kaniyang kapatid. "Teka lang, may kukunin lang ako sa counter," paalam niya pa. Naiwan kami ng kaniyang kapatid.

"You're pretty," puri nito sa akin.

"You too. Kamukhang-kamukha mo si Tyron."

"Break na ba sila ni Ate Allison?"

Natigilan ako sa tanong nito. Hindi ko inaasahan iyon.

"Hindi ko alam," tipid kong sabi.

"Sure ka bang kaibigan ka lang ni Kuya?"

Natawa naman ako. "Sa tingin mo ba ay magagawa ng kapatid mong magloko?" mahinahong tanong ko. Agad naman itong umiling. "Huwag kang mag-isip na may something sa amin. Magkaibigan lang talaga kami ng kuya mo."

"Nag-aalala lang ako kay Kuya. Gusto ko na kasing maghiway sila ni Ate Alli. Hindi na siya masaya pa. Kita mo nga at hindi siya nakapag-celebrate ng birthday niya. Malakas ang kutob kong nag-away na naman sila."

Napabuntonghininga ako at tinapik ang braso nito. Sana nga ay gano'n lang ang nangyari. Sana ay walang lokohan na naganap.

Kinuha ko ang aking cellphone at may mensaheng ipinadala kay Rona.

"Here," aniya nang makabalik na siya sa kinaroroonan namin ng kaniyang kapatid. Bahagya pa akong nagulat kaya napapitlag ako at biglang nai-unlock ang aking cellphone.

Late-night TalksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon