CHAPTER 11- DÉJÀ VU

354 69 4
                                    


~TEN YEARS AGO~

Mula sa aking pinagkukublian ay tinawagan ko si Miguel. Naririnig ko ang ring ng cell phone niya pero pinipigilan siya ng babaeng katabi niya na sagutin ang aking tawag. Kilala ko ito sa mukha dahil alam kong ka-office mate niya ito. Siya iyong babaeng palagi kong nakikitang nagko-comment sa Facebook status niya.

"It's Lavinia, I have to answer her call," aniya pa sa mahinahong boses. Akala ko ay sa akin niya lang ginagamit ang tonong gano'n. Mali pala ako.

Napakagat ako sa aking labi. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na aking nararamdaman. Iyong gusto kong umiyak pero ang paninikip ng aking dibdib mismo ang pumipigil sa aking luhang magsilandas.

Gusto ko silang sugurin at sampalin pero wala na akong lakas pa. Gusto ko na lang kainin ako ng lupang kinatatayuan ko ngayon o kaya ay sana hindi ko na lang nalaman ang tungkol sa bagay na ito. Sana ay mas ginalingan pa nilang magtago ng kanilang relasyon para hindi ko nadiskubre pa.

"Hayaan mo siya. Kayo naman ang magsasama mamaya, 'di ba?"

Napaatras ako nang masaksihan ko kung paano maglapat ang kanilang mga bibig. Hindi ko napansin ang basurahan kaya nasagi ko ito at lumikha ng ingay.  Sabay silang napatingin sa akin.

Bakas sa mukha ni Miguel ang matinding gulat. Para bang natuod siya sa kaniyang kinatatayuan.

"Lavinia," usal niya pa habang bakas sa boses ang kaba.

"B-Bakit, Miguel?" tanging naitanong ko na lang.

"Lavinia... Babe, magpapaliwanag ako..."

"Hi, Lavinia!" masigla pang bati sa akin ng babaita. Bumaba ang aking tingin sa kamay nitong nakapulupot pa rin sa baywang ng taksil kong boyfriend.

Napahawak ako nang mahigpit sa sling ng aking bag. Nanunuyo rin ang aking lalamunan at literal na nanginginig ang aking buong katawan.

Direkta kong tiningnan si Miguel sa kaniyang mga mata. High school pa lang ay kami na. Ngayon na isang taon na kaming graduate sa college at pareho na rin kaming may trabaho ay ngayon pa siya naghanap ng iba.

Paano na ang mga pangarap namin? Paano na ang pangako niya sa akin?

Kusang nagsilaglagan ang aking mga luha. Hindi ko na kailangan ng kumpirmasyon. Ang nakita ko ay nakita ko at iyon ang totoo.

"Akala namin ay busy ka kaya hindi ka na namin inimbita," sabi na naman ng babae.

"Shut up, Dina! Babe, m-mag-usap tayo, please? I'm sorry."

Ramdam ko naman ang sensiridad sa kaniyang tono pero hindi na mababago pa ang katotohanang niloko niya ako. Hindi ko na mabubura pa ang eksenang nakita ko. Nakaukit na sa aking isipan kung paano niya halikan ang babaeng ito.

Pagak akong natawa dahil sa tono ng pananalita nito. Para bang sinasabi nitong magpapaliwanag siya, hihingi ng tawad at magiging okay na kami ulit.

Cheating. I hate it!

"Let's break up," lakas-loob kong sabi. Ako lang din ang unang nasaktan sa katagang sinabi ko. Hindi ko iyon tanggap pero iyon lang ang paraan para protektahan ang aking sarili.

Gusto kong mapaluhod sa sakit na aking nararamdaman. Bukod sa init ng aking mga luha ay wala na akong ibang maramdaman pa.

"Huwag ka ng magpapakita pa sa akin," may diin kong sabi para hindi nila mahalata ang pangangatal ng aking mga labi.

Nang sa wakas ay nasabi ko rin iyon ay tinalikuran ko na sila. Hinabol niya pa ako at hinawakan ang kamay pero itinulak ko siya.

Kaya ko siyang patawarin sa lahat ng pagkakamali niya pero hindi itong naghanap siya ng kalinga ng iba kahit kami pa.

Late-night TalksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon