CHAPTER 2- SLEEP WELL

530 95 5
                                    


Nagmamadali akong bumaba dahil malaki ang pagkakataon na mahuhuli na ako sa aking trabaho. Paano ba naman ay naging masarap ang tulog ko.

Ni hindi na nga ako nakaligo at nakapag-almusal. Sakto lang na nakapaghilamos ako at nakapag-ayos. Mabuti na lang talaga at palagi akong naliligo sa gabi. Mabango pa naman ako kahit papaano.

Nang matapat ako sa second floor ay eksakto rin ang pagbukas ng pinto nito. Nagulat ko pa yata ang lalaki na kausap ko lang kagabi.

"Hello, good morning," bati nito sa akin sa mahinahong tono.

"Good morning!" malakas kong tugon at dire-diresto lang pababa.

Naramdaman ko namang nakasunod ito sa akin pero hindi ko na pinansin pa. Dumaan muna ako ng coffee house para bumili ng kape para kahit papaano ay mainitan ang aking sikmura.

"One creamy latte, please?" may kalakasang kong saad kahit nasa may pinto pa lang ako. Napatingin pa sa akin ang apat na customers na nandidito.

"Nagmamadali ka po yata?" puna sa akin ng nakababatang kapatid ni Rona na si Jona.

"Oo, mahuhuli na ako sa work. Puwede pakibilisan?" puno ng pakiusap kong saad habang tini-text na ang kugtong kong kapatid na siyang naghahatid-sundo sa akin.

"Here's your order, Ma'am, have a great..."

Hindi ko na pinatapos pa ang ad-lib ni Jona. Agad kong kinuha ang cup at patakbong lumabas. Dumiretso na rin ako sa parking lot.

Napasapo ako sa aking noo nang hindi mahagip ng aking mga mata ang sasakyan ng hambog kong kapatid.

"Nasaan ka na bang kugtong ka?" saad ko habang itini-text iyon. Ni hindi man lang ako nito nire-reply-an.

Nakakainis ka, Daniel!

"May hinihintay ka?"

"Ay pangit na kugtong!" hiyaw ko dahil sa gulat.

Sinundan ko ng tingin ang pinanggalingan ng boses na iyon. Nasa kaliwang bahagi ng kinatatayuan ko pala ang kinaroroonan ng kotse nito at nakatayo pa ito sa labas.

Psss, nakakagulat naman itong guwapong kapit-bahay ko, aba!

"Ah, yes."

"Gusto mo bang sumabay..."

Hindi ko na narinig pa ang sinabi nito dahil sa malakas na busina na aking narinig. Halos lumukso ako sa tuwa nang makita ang sasakyan ng kapatid ko.

Walang sabing naglakad ako papalapit sa sasakyan ni Daniel at nagmamadaling pumasok.

"Let's go! Mahuhuli na ako!"

"Nakasigaw? Kasalanan ko bang tanghali ka na nagising. Saka puwede bang mag-boyfriend ka na, Ate Lavinia? Para naman may taga hatid-sundo na sa 'yo."

Isang batok ang ibinigay ko rito. "Eh, kung isumbong kita kila Mama na iba't ibang babae ang dinadala mo sa condo mo..."

"Hoy, Ate! Hindi naman ako pokpok. Oo, guwapo ako pero never akong nagdala ng iba't ibang babae sa lungga ko, 'no?"

"Asus, kuwento mo 'yan sa mga kalahi mong manloloko."

"Manloloko talaga? Mayroon na akong mga naging ex pero lahat sila ay minahal ko naman, Ate. Saka bakit ako manloloko ng babae gayong babae ang kapatid ko?"

Hindi naman ako nakaimik. Para bang may haplos sa puso akong naramdaman dahil sa sinabi niyang iyon.

"Asus, Daniel. Siguraduhin mo lang talaga na hindi ka nanloloko ng babae. Hindi ka pinalaki ng mga magulang natin para manloko lang din ng tao." Bigla nitong inapakan ang brake dahilan para halos sumubsob ako. "Ano ba?" dagdag reklamo ko.

Late-night TalksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon