CHAPTER 25- TILL NEXT LIFE

64 9 4
                                    

"Okay na ba ang lahat?" halos pabulong na tanong ko kay Rona.

"Yeah, okay na ang lahat, Lavinia. Bumalik ka na muna sa kuwarto mo. Kami na ang bahala rito. Huwag kang magsayang ng energy mo rito."

"Pero..."

"Everything is fine, okay? So, please? Maya-maya ay darating na rin ang make-up artists natin at aayusan na tayo. Wow! Mayamaya lang ay Mrs. Lavinia Del Valle ka na, 'day!"

Napangiti naman ako. Ngayon ang araw ng kasal namin ni Tyron. Minadali nila ang lahat. Mayroon private doctor na pumupunta rito sa bahay para i-monitor ang kalagayan at araw-araw ay kinukumbinsi akong magpa-surgery pero walang bago sa aking desisyon. Mas masaya at komportable ako rito sa bahay kahit na limitado na lang ang oras ko.

"And hey! Don't ever call Tyron, okay?!" paalala pa nito para mapasimangot ako.

Kahapon pa kami hindi nagkikita o nagkakausap ni Tyron. Iyon daw kasi ang pamahiin at ang bruhang ito ay masyado talagang mahigpit. Ni-text ay ayaw akong payagan. 

"Huwag kang sumimangot at mas lalo kang papangit diyan," dagdag pandadaot nito.

"Gandahan mo ang pag-picture sa akin mamaya, ha? Gusto ko ay ang kuha mo ang gagamitin ninyo sa burol ko," pabiro ko pang sabi.

Saglit naman itong napatulala sa akin at kasunod niyon ang isang malakas na hampas sa braso.

"Aww!" hiyaw ko pa.

"Hindi ka nakakatuwa, ha? Pumasok ka na lang sa kuwarto at paparating na ang glam team natin," ulit pa nito. Natawa naman ako kaya tinaasan na naman ako nito ng kilay. "Bakit?" dagdag usisa nito.

"Feeling ko ay isa akong artista ngayon dahil sa glam team na sinasabi mo."

"Hindi ka artista kundi main character, Lavinia. Kaya naman umayos ka, please lang," nagmamaktol nitong sabi.

"Thank you, Rona," seryosong sabi ko. Napalunok pa ang bruha at halatang pinipigilang mamasa ang kaniyang mga mata. "Thank you for everything. I love you."

Niyakap naman ako nito. "I love you too. Parang ang init mo?"

"I'm fine," kaagad kong sagot.

"Kaya mo ba?"

"Kakayanin ko, Ron. Ikaw na ang bahala sa pamilya ko, ha?"

"Shut up, Lavinia."

"I'm serious."

"Fine. Ako ang bahala sa pamilya mo, hmm? Huwag kang mag-alala."

"Ate Lav!"

Kaagad naman akong napatingin sa tumawag sa akin na iyon. Napakalas ako kay Rona at napangiti nang makita si Trixie. Tuwing hapon ay dumadaan ito rito sa bahay para lang makakuwentuhan ako. Mas naging malapit kami sa isa't-isa nitong mga nakaraang araw.

"Nandito na sila Ate Shai. Magsisimula na silang ayusan ka."

"Oh, sige. Papasukin mo na sila."

Nagkatitigan pa kami ni Rona at walang salitang nagyakapan ulit bago ako tuluyang pumasok ng kuwarto.

Mahigit dalawang oras din ang ginugol naming lahat sa pag-aayos lang at pagpapalit ng damit. Idagdag pang nagpakuha muna din kami ng litrato bago pumunta ng simbahan.

Habang nasa biyahe ay abot-abot ang aking kabang nararamdaman. Hindi rin masukat ang sayang namumutawi sa aking sistema. Hindi ko na ramdam pa na isa pala akong tumor patient at anumang oras ay posible akong mabawian ng hininga.

Huwag sana ngayon. Kahit bukas na lang. God, I can't leave Tyron on the day of our wedding.

Nang nasa harap na ako ng pinto ng simbahan ay nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at ipinatag ang aking kalooban. Iplinastada ko ang aking ngiti sakto sa pagbukas ng pinto. Isang matunog na palakpakan ang sumalubong sa akin habang pumapaimbabaw ang Lover na kanta.

Late-night TalksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon