CHAPTER 1- First Goodnight

810 101 4
                                    


Mabagal na ipinarada ng aking bunsong kapatid ang sasakyan nito sa parking lot ng Lozé Building. Nasa third floor ang apartment na pagmamay-ari ko. Halos isang taon na rin akong nakatira dito mula nang maging General Manager ako ng Dou Hotel na hindi naman kalayuan dito.

"Look at them, nag-aaway na naman ba sila?" himutok ni Daniel sabay palatak.

Sinundan ko naman ang tingin nito. Ako naman ang napapalatak. Ang tinutukoy nito ay ang lalaking may-ari ng second floor ng Lozé Building. Kasama nito ang pamilyar na babae na sa tingin ko rin ay girlfriend nito. Madalas din namin silang naaabutan dito sa parking lot sa ganitong oras.

"Nag-aaway agad? Baka naman ay nag-uusap lang?" kontra ko naman sa chismoso kong kapatid.

"Sus, may nag-uusap bang ganiyan? Tingnan mo nga ang mukha ng babae, Ate Lavinia. Alam na alam ko ang ganiyang klase ng ekspresyon. Ganiyan na ganiyan ang mga naging ex-girlfriend ko."

Mabilis ko nga itong binatukan.

"Ikaw pa ba? Babaero kahit hindi naman guwapo," panlalait ko pa rito kahit na marami ang nagsasabing magkamukha naman daw kaming dalawa.

"Excuse me? Ang dami ngang nagkakandarapa sa kapatid mong ito, eh. Kung pangit ako ay pangit ka rin pala. Magkamukha raw tayo, 'di ba?"

Akmang babatukan ko na naman ito pero mabilis na itong nakaiwas.

"Hinding-hindi kita magiging kamukha."

"Batok nang batok ka diyan, bumaba ka na nga. May date pa ako. Nakakaabala ka na sa social life ko."

Sinamaan ko muna ito ng tingin bago umiling. Hinintay ko lang na makaalis ang magkasintahang pinag-uusapan pa lang namin bago bumaba ng sasakyan.

"Salamat at ingat ka sa biyahe," saad ko sa aking hambog at kugtong na kapatid saka isinara na ang pinto ng sasakyan nito.

Nang makaalis na ito ay umalis na rin ako ng parking lot. Naramdaman ko na ang pagod sa aking sistema.

Mula sa una hanggang sa ikatlong palapag ng building na ito ay iisang hagdan lang ang tinatahak namin. Bawat palapag ay isa lang din ang nagmamay-ari. Kapag galing ka sa baba o taas ay madadaanan mo lahat ng main door ng bawat apartment.

Ang third floor ay nahahati sa dalawa. Ang kalahati ay apartment ko, ang kalahati naman ang siyang itinuturing na roof top ng lahat ng nilalang na nakatira sa building na ito. Maluwag at masarap din naman kasing tambayan lalo na kapag gabi.

"Hey! Just got home?" nakangiting usisa ng kaibigan kong si Rona na siyang may-ari ng coffee house na nasa first floor. Dumaan muna ako para makibalita sa ganap dito.

"Yes. You need help here?" usisa ko nang mapagtantong marami pa rin silang customers.

"No, thanks. Ano ka ba naman? Pagod ka na nga diyan. So, kumusta ang work? May mga guwapo pa rin bang nagche-check-in sa hotel ninyo?"

"Of course, yes. Mga snob nga lang," natatawa kong saad. Tumabi naman ito sa akin.

"Eh, how about 'yong nanliligaw sa 'yong pogi at mayaman? Kumusta kayo?"

"Si Veil? Nanliligaw? Hello? Isang linggo pa nga lang kaming magkilala saka tatlong araw na rin na hindi kami nagkikita kahit sa lobby ng hotel."

"Ay naku, girl! Ipupusta ko ang kaluluwa ko. Hindi rin magtatagal at liligawan ka ng isang iyon. Sa beauty mo ba namang iyan?"

Natawa na lang ako sabay iling. "Ewan ko sa 'yo, sipsip ka lang talaga. Anyway, mauna na ako. I badly need peace of mind, Rona. "

Tumayo na ako at tuluyang umalis. Tahimik na binaybay ko ang hagdan pataas. Bahagya pa akong napahinto at saglit na napatitig sa main door ng second floor.

Late-night TalksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon