"Hey, Lavinia!" tawag sa akin ni Veil nang makita akong tumatakbo sa lobby ng hotel. May kailangan kasi akong kunin sa 3rd floor. Mayamaya ay out ko na rin naman.
Huminto muna ako para hintayin itong makalapit sa akin. Humahangos pa ito hanggang sa tumigil sa tapat ko mismo.
"Uy! What's up? Ngayon ka lang ulit nagpakita, ha?" nakangiti kong sabi.
Simula nang umalis si Tyron papuntang ibang bansa ay madalang na rin siyang magpakita rito. Pabor din iyon sa akin dahil mukhang sumuko na rin siya sa nararamdaman niya para sa akin.
"Wala ka bang balita kay Tyron?" usisa pa nito na naging dahilan ng pagtaas ng aking kilay.
"Ikaw ba ay may balita sa kaniya?" balik ko rin sa tanong nito sa akin.
"Wala nga, eh," sagot nito sabay kamot sa kaniyang noo.
"Wala rin akong balita. Eight months na ba siya sa Paris?" pangugumpirma ko pa. Hindi rin ako sigurado pero matagal-tagal na rin simula nang ihatid namin ni Rona sa airport ang isang 'yon.
"Hindi ba at ten months na rin?" Nagbilang pa ito sa kaniyang mga daliri. Natawa naman lang ako. "Oo, ten months na nga. Nakalimutan na siguro tayo ni Tyron," madrama nitong sabi.
"Bakla ka ba?" pabiro kong sabi.
Kung sa mga babae pa ay masyadong emosyonal sa lahat ng bagay. Minsan ay hinihiling ko na sana ay maging kasing lambot niya rin ang kapatid ko para naman hindi lang pandadaot palagi ang aking natatanggap mula sa kugtong na iyon.
"Bakla? Don't me, Lavinia," birong sabi niya rin.
"Ewan ko sa 'yo. Maiwan na muna kita dahil kailangan ko ng maghanap-buhay."
"Sige, susunduin ko rin si Tyron sa Paris dahil miss na miss ko na siya."
"Tse!" asik ko naman at pareho pa kaming natawa.
Nagmadali na rin akong pumunta sa ikatatlong palapag at kinuha ang kailangan ko. Pagbaba ko ay sakto naman ang pagdating ni Raine.
"Mag-out ka na, agahan mo na ngayon dahil nag-overtime ka na naman kahapon."
Tumango naman ako ang nag-sign out na rin. Wala naman akong ibang didiretsohan kundi ang Lozé Building.
Dumaan muna ako sa coffee house ni Rona para makichismis. Nagmumukmok na naman ang bruha sa gilid. Dalawa lang ang naabutan kong customers sa loob.
"Anong nangyari sa 'yo?" usisa ko. Napapitlag pa ito na mukhang gulat na gulat sa presensiya ko.
"Nai-stress ako sa kapatid mo," kaagad nitong reklamo.
"Same here, stress din ako sa isang iyon. Wait... bakit pati kapatid ko ay problema mo na rin ngayon?"
Napaiwas naman ito ng tingin. Mas lalong nanliit ang aking mga mata. "Nililigawan ka na naman ni Daniel?"
"Sinabi ko naman sa kaniyang hindi kami puwede dahil..."
"Gaga, age doesn't matter naman, ha? Saka isang taon lang ang agwat natin kay Daniel. Kung gusto mo naman ang kapatid ko ay huwag mo ng pigilan. Mas matured pa nga mag-isip sa akin 'yon kahit kugtong. Feeling ko rin ay ikaw ang dahilan kung bakit hindi makapasok sa pang matagalang relasyon ang kapatid ko, eh..."
"Nagkaroon nga ako ng best friend pero mahilig namang mang-gaslight."
"Wala naman kasing problema, Rona. Ate ako ni Daniel kaya pabor sa akin kung ikaw ang magiging asawa niya..."
"Asawa?! Hoy, tang-ina! Pinagsasabi mo?"
Napataas-kilay naman ako. Sa totoo lang ay na-offend ako sa naging response nito sa sinabi ko. Kapatid ko pa rin si Daniel kaya kapag nasaktan na naman siya dahil sa babaitang ito ay ewan ko na lang talaga.
BINABASA MO ANG
Late-night Talks
Romansa🌠Slow burn romance 🌠 New Adult 🌠 Slice of life Lavinia Collins fears falling in love again after her first love betrayed her a decade ago, sheltering her heart behind thick walls she constructed over the years. Meanwhile, Tyron Del Valle grapples...