CHAPTER 3- CUP OF COFFEE

402 91 4
                                    

Kampante akong lumabas ng apartment. Hindi kagaya kahapon na kulang na lang ay tumalon ako mula rito hanggang sa parking lot. Maaga akong nagising kaya may oras pa akong dumaan ng coffee house ni Rona na hindi nagmamadali.

Nakangiti akong bumaba. Napahinto ako sa tapat ng apartment ni Tyron dahil mukhang komportable din itong nakatayo.

"Hey, good morning!" masigla kong bati. "Papuntang work ka na rin ba?" dagdag tanong ko pa.

Napaayos naman ito ng tayo. "Good morning. Want to have a cup of coffee with me? "

"Sure. Balak ko rin talagang dumaan sa coffee house dahil maaga pa naman."

"I see. Let's go?"

"Tara."

Inunahan ko na siyang bumaba. Hindi naman puwedeng mauna siya sa akin, 'no? Hindi niya naman ako alalay. Ang sabi kasi sa akin ng high school teacher ko ay alalay lang daw ang naglalakad sa hulihan. Ewan kung anong pauso 'yon pero mula noon ay hindi na ako pumapayag na nakabuntot lang sa mga kasamahan ko.

"Good morning sa lahat!" masayang bati ko. Kagaya ng aking inaasahan ay wala pang customer na nakatambay rito.

"Good morning... Oh, Mr. Hot and yummy. Oh my gosh, this is so fantastic! Mabuti naman at nagawi ka rito!" dire-diretsong sabi ni Rona. Wala talagang preno ang bibig nito.

"Ahh..."

"Kasama ko siya," sabat ko at dinilatan ng mata ang numero unong chismosa kong kaibigan. Ngumisi naman ito sabay tangon-tango pa.

"Okay, can I take your order now, Ma'am and Sir?" bigla ay pormal na saad ng babaita.

Natawa na lang ako. Pagkatapos naming makuha ang order namin ay pumuwesto na kami sa pinakadulong parte ng CH. Tahimik pa naman dahil mabibilang pa sa daliri ang labas-pasok sa shop.

"Hatid-sundo mo rin ba ang girlfriend mo?" tanong ko. Wala akong ibang maisip na puwede naming mapag-usapan, eh. Nakakailang din ang katahimikan sa pagitan namin.

"Dati, oo. Ngayon ay kapag gusto niya na lang na ihatid o sunduin ko siya. May sasakyan naman kasi talaga siya."

Totoo talagang sa umpisa lang ang pagiging matamis ng isang relasyon. Habang tumatagal ay tumatabang din.

Well, even the sweetest candy has an expiration date. Hot coffee also gets cold when we neglect it. Oftentimes, that's how a relationship goes.

"I see. Baka kasi ayaw ka lang niyang mas mapagod pa. Nagtatrabaho ka rin naman kasi."

Kailangan din nating bigyang-pansin ang positibong anggulo ng kilos ng isang tao.

"Malapit lang naman dito ang condo niya, eh. Nasa kasunod na kanto lang."

"Oh? Iyong F&K Condominiums Building ba diyan?"

"Yes."

"Ang lapit nga lang kung gano'n. Puwede nga kayong magsabay papasok o pauwi."

"Exactly my point."

"Pero baka naman hindi lang nagme-meet ang schedule niyo kaya gano'n."

"Maybe. I don't know."

"Okay naman kayo?" direktang tanong ko. Lumalabas ang pagiging chismosa ko ngayon.

Napatitig sa akin sabay simsim ng kape pa muna siya bago ako sinagot.

"Yeah. We're okay naman."

"Iyon ang mahalaga, hindi ba?"

"Yes." 

Napatango-tango naman ako at itinigil na ang pagtatanong tungkol sa personal na bagay.

Ilang minuto pa ay natapos rin kami. Sabay na rin kaming lumabas. Naabutan ko naman sa parking lot ang kapatid ko. Nagpaalam na ako kay Tyron at sumakay na sa kotse ng kugtong.

Late-night TalksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon