CHAPTER 4- IN A RELATIONSHIP

448 90 7
                                    

Kasalukuyan kaming nasa rooftop ni Rona. Maagang natapos ang trabaho ko ngayong araw kaya maaga rin akong nakauwi. Nagchichismisan lang din naman kami habang hinihintay na tuluyang magdilim ang palagid.

"Isa palang game creator si Tyron? Ang galing naman," puno ng paghahangang saad nito.

Napatango-tango naman ako.  "True saka nakita mo naman na si Veil, 'di ba?"

"Yes, kung minsan ay napunta rin iyon diyan sa coffee house. Sayang nga at hindi kayo nagpapang-abot, eh."

"Nagkikita rin naman siya kung minsan sa lobby ng hotel."

"Oh, pero hinahanap ka pa rin niya sa akin. Anyway, anong meron kay Veil. Bakit mo nabanggit?"

"Pareho silang Del Valle ni Tyron."

"Weh?"

"Oo nga."

"So fantastic! Kilala ba nila ang isa't-isa?"

"I don't know, hindi ko rin naitanong."

"Why?"

"Kasi baka naman hindi sila magkakilala. Hindi naman lahat ng magkakapareho ang apelyido ay magkakilala na agad."

"Sabagay. Rinig ko eh nagagawi raw dito si Tyron?"

"Yes, kanino mo nalaman?"

"Kanino pa ba? Dalawa lang naman ang chismoso na kakilala natin, eh. It's either ang kapatid mong si Daniel o ang kambal kong si Diego."

Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan na may isa pa nga palang chismoso sa building na ito.

"Ah, that brat. Bakit? Nakita niya ba rito si Tyron?"

"Yes, nag-uusap daw kayo ni Tyron kaya umalis na lang siya."  Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko kaya tumango na lang ako. "Kailan ulit kayo magtatagpo rito?"

"Grabi ka naman, Rona. Tagpo talaga? Hindi ko rin alam kung magagawi pa ba ulit siya rito o hindi na. Bukod naman kasi sa kapit-bahay natin siya ay para rin naman sa lahat ang roof top na 'to."

"Bakit kasi itong last spot pa ang napili mo? As far as I remember, bakante pa ang second floor noong dumating ka rito."

"Well, ayos naman na ako rito. Mas nakaka-relax kasi ang ambiance dito, lalo na kapag gabi."

"Sabagay. Bakit pala hindi na nagagawi sina Tita Laura at Tito Victor dito?"

"Ewan ko rin. Baka busy sa small business nila."

"How about Daniel? Hindi man lang dumadaan sa coffee house ko, ha? Araw-araw ka namang sinusundo at hatid. Ang sama talaga ng ugali ng kapatid mo. Wala man lang support sa business ko."

"May time pa ring mag-good time kahit busy rin sa pagiging architect niya. Tinatamad nang bumaba ng sasakyan at tama ka, masama nga ugali ng isang iyon."

Dahil ilang araw din kaming hindi nakapag-usap nang maayos nito ay tumagal ang usapan namin. Puro lang naman kalokohan ang pinagsasabi ng babaita.

"Hindi na talaga pupunta rito si Tyron? Aba naman, naramdaman niya kayang nandito ako?"

"Gaga, hindi naman required na gabi-gabi ay nandito iyong tao. Saka napunta lang din naman iyon dahil gusto lang naman makalanghap ng sariwang hangin."

"At mabangong babae?"

Hinampas ko naman ito sa braso. "Hoy! Kilabutan ka nga! Walang gano'n, ha!"

"Oh, bakit mukhang defensive ka, 'day?"

"Hindi naman, alam ko na kasi 'yang liko ng utak niyo, eh. FYI, may girlfriend na iyong tao, in a relationship na..."

"What? Really? Who? Is she pretty? How do you know?"

Late-night TalksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon